CHAPTER 48

1.9K 82 21
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

After 2 years

"Ito ang mga gagawin mo–nakikinig ka ba sa'kin Mena?" Napalingon ako kay Nay Susan. Siya ang mayordoma ng mga katulong dito sa mansyon. Hindi ako makapag-focus sa sinasabi niya dahil masyado akong namamangha sa laki ng mansyon na kinatatayuan ko ngayon. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Lucifer! Sa bagay, hindi na nakakapagtaka 'yon dahil siya ang may-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga mamahalig furniture dito sa bansa.

"A–Ah, pasensya na po!" Yumuko ako at ngumiti. Masungit at strikta si Nanay. Pero hindi naman ako natatakot sa kanya.

Konti lang. Hehehe.

"Halika rito," Sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa may kusina. Napanga-nga ako ng makita ko ang mga gamit. Halos gawa sa ginto lahat! Nakakaloka! Magkano kaya ang mga ito kapag sinanla? "Ang mga gamit na narito ay para lamang sa amo natin. May sarili tayong gamit sa pagkain. Lahat ng mga 'yan ay dapat nakalagay sa kani-kanilang lagayan pagkatapos hugasan. Ayaw ng Sir Neck niyo na marumi at makalat itong kusina. Naiintindihan mo ba?" Tumango ako. Pangalawang araw ko pa lang dito sa mansyon. Ang ibang kasamahan namin ay busy sa kani-kanilang gawain. Mababait naman sila at mabilis kong nakasundo. Kay Nanay lang yata ako medyo mahihirapan.

Hindi aksidente ang pagkakapunta ko dito. Planado at may dahilan kung bakit ako narito. Nagtrabaho ako sa isang mall bilang sales clerk. Ilang buwan lang at nag-resign na rin agad ako dahil sa nangyari. Pa-uwi na ako noon ng may dumukot sa'kin at dinala ako sa isang bodega. Akala ko ay katapusan ko na. Nagpakilala sila sa'kin bilang tauhan ng kapatid ko. Wala akong nagawa dahil sa takot. Sumama ako at dinala sa kulungan kung nasaan si Kuya Matthew. Ilang buwan matapos kong ipanganak ang pamangkin niya, iyon lang ang unang beses na nakaharap ko siya ulti Sobrang laki ng ibinagsak ng katawan niya. Galit na galit siya dahil hindi na ako nakabalik pa. Nalaman niya rin na walang na-iwan na ari-arian sa kanya. Nasampal niya ako dahil sa galit niya sa'kin. Tiniis ko 'yon dahil kasalanan ko rin naman. Wala naman talaga akong plano na ibenta ang condo unit. Kung hindi lang ako nabuntis, malamang ay may natira pa sa kanya. Sinabi ko rin na nag-iwan ako ng pera sa bank account niya pero nagulat ako ng sabihin niya sa'kin na wala siyang perang natanggap.

"Paano nangyari 'yon, Kuya? Nag-iwan ako ng pera–"

"Liar!"

"Hindi ako nagsisinungaling Kuya! Kaya ko 'yang patunayan sa'yo–"

"I don't f*cking care!"

"Kuya..."

"Gusto mong patawarin kita? Then, sundin mo ang ipapagawa ko sa'yo. Tutal ikaw naman ang dahilan kung bakit ako nakakulong hanggang ngayon."

"I'm sorry, Kuya–"

"Ismael, come here." May lumapit sa'min na lalaki at may inabot ito na itim na folder. Binuksan 'yon ng kapatid ko at binato sa'kin.

Napasinghap ako dahil sa pagka-bigla. Sa sobrang laki ng galit niya sa'kin, nagagawa niya na akong saktan ng pisikal.

Dahan-dahang ko kinuha ang black folder at kinuha ang laman noon sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ng lalaking tumulong sa'kin dalawang taon na ang nakakalipas ngunit nagpahamak din sa'kin.

Lies & Fall Место, где живут истории. Откройте их для себя