CHAPTER 4

2.3K 82 9
                                    

🌹🚬

MINA

"Come with me." Sabi sakin ni Thomas pagkababa niya. Nandito ako sa may sala at naglalampaso ng sahig.

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"We'll go to the mansion." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Na-excite ako bigla.

Noong isang araw pa kasi ako huling nakapunta roon. Pero na-miss ko agad. Pinilit ko pa si Thomas para lang sumama ako sa kanya. Paano kasi, ayaw niya akong palakarin o paalisin ng mag-isa lang. Ginagawa niya talaga akong bata.

"Now, get dressed. I'm giving you 10 minutes to prepare. I'll wait for you inside my car. Kapag wala ka pa, iiwan kita rito." Pagkasabi niya ay mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Isang kulay baby pink na mini dress ang sinuot ko kahit hindi mukhang mini dahil sa height ko na 5 flat lang. Pagkatapos ay nagsuot ako ng headband na kulay baby pink rin. Hindi halata na mahilig ako sa baby pink. Kinuha ko ang pabango ko at nag-spray. Hinablot ko ang doll shoes ko sa ilalim ng kama at dali-daling lumabas. Bahala na!

Tiningnan ko ang cellphone ko. Inabot ako ng anim na minuto sa pag-aayos. Pagkatapos kong i-lock ang pinto ay naabutan ko si Thomas na nasa loob na ng kotse niya habang tinatapik-tapik ang manibela. Napatingin siya sakin habang ako ay nakatayo sa harapan ng sasakyan niya.

Ano pa bang tinatayo mo, Mina? Pumasok ka na sa loob!

Napatalon ako ng bumusina siya ng napakalakas. Gusto ko tuloy sipain ang sasakyan niya dahil sa gulat. Pero syempre, joke lang iyon. Pumasok na ako sa loob at pabagsak na isinara ang pinto.

"Nagdadabog ka ba?" Tanong niya.

Nilingon ko siya sa tabi ko.

"Hindi. Ganito lang talaga ako magsara." Palusot ko.

"Really, huh?" Sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

Wala kaming imikan habang nasa byahe. Para akong nakasakay sa taxi tas siya ang driver. Napapansin ko rin minsan na napapatingin siya sakin kaya hindi ako mapakali.

May dumi ba ako sa mukha? Okay ba ang itsura ko? Mabango ba ako?

Lumunok ako at napahawak sa headband ko. Inayos ko rin ang soot kong dress at umayos ng upo. Nako-conscious ako sa mga tingin niya eh!

"How old are you again, Mina?" Tanong niya habang naka-focus siya sa pagmamaneho.

Nilingon ko ulit siya.

"Ah, 23." Sagot ko.

5 years ang tanda sakin ni Thomas.

"What are your plans?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya.

Plans? Anong ibig niyang sabihin?

"P-Plans?"

"Plans for your own career. I mean, like having a decent job. Having a boyfriend–no, I mean..." Tumikhim siya. "I'm not pushing you away. But being with me for two years is already enough..." Napatingin ako sa kanya. Minsan lang magsalita si Thomas ng napaka-haba kaya nagulat ako sa biglang pagtatanong niya sakin.

Lies & Fall Where stories live. Discover now