CHAPTER 22

1.8K 101 39
                                    

🌹🚬

MINA


🦋 DEDICATED TO: 🦋
@CharLotteDacLes @Fathi013 @ardalesliazel @naelsoriano

"Really, Mina?" Napalunok ako sa tanong niya.

Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi siya maniniwala.

"T–Totoo kaya. 'Yon ang sinabi ko... Baka ano... h–hindi niya lang narinig kasi mabilis siyang umalis eh."

"Why are you stuttering?"

Shet.

"Ang awkward kasi ng pinag-uusapan natin,"

"How come that this topic is awkward?"

Shet ulit.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa kaliwa ba o sa kanan?

Ah, sa kanan na lang. Para I am right!

Okay, tama na Mina.

Lord, pahingi naman po ng answers. Iyong maniniwala agad siya. Wala ng follow up questions, ganern.

"I don't find this awkward since you often ask me about my prior relationship with Lory since then. And now, you're avoiding this kind of topic." Napalunok ako.

Iba naman kasi si ate Lory. Iba siya. Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng inis sa kanya. Mabait siya at kilala niya ako.

"Wala kasi akong alam na isasa–"

"Do you think I will believe that? And do you think that I didn't notice that you're hiding from me since yesterday?" Lalo akong hindi makatingin. Wala na! Huling-huli na niya 'ko! Nakaka-inis!

"The next time you conclude, try asking me first." Tumingin na ako sa kanya.

"Hindi naman ako basta-basta nagko-conclude kung hindi ko naman napatunayan. Tsaka, 'yong Ruby naman ang nagsabi sakin–"

"And you believe her?" Nag-iwas ako ng tingin.

Bakit ba kasi namin pinag-uusapan ang babaeng 'yon?

"O–oo. Mukha naman siyang hindi nagsisinungaling. She's pretty and sexy. Ang fierce niya pa. Iyon naman ang mga tipo mo eh, diba, sir?"

"Stop calling me 'sir', will you?"

"Eh 'di sige, mang Thomas na lang." Naningkit ang mga mata niya.

"Biro lang,"

"It's not funny. We're damn serious here."

"Seryoso naman ako ah."

"Why the hell did I hire you? You're my maid yet you talk to me that way. Tsk." Umiling-iling pa siya pagkatapos niyang magsalita.

Seryoso ba siya? Akala ko ba sanay na siya sa'kin? Eh halos tatlong taon na 'kong ganito sa kanya. Simula pa noong nasa mansyon ako.

Lies & Fall Where stories live. Discover now