CHAPTER 1

6K 191 57
                                    

🌹🚬

MINA

Ang lawak ng ngiti ko habang hinihintay si Thomas na bumaba. Himala nga at maaga akong nagising. Ipinagluto ko siya agad ng almusal. Ayoko ng ulit mapagalitan. Baka mapalayas na ako kapag araw-araw ko itong ginawa. Masungit man siya, pero hindi mababago ang feelings ko para sa kanya.

"Ang tagal naman, nagugutom na 'ko." Bulong ko.

Ang maganda lang kay Thomas, isinasabay niya ako sa pagkain. Doon pa lang sobrang saya ko na talaga.

Ganito lagi ang eksena ko. Ang hintayin siyang bumaba.

Kapag nagising ako ng maaga.

Pakiramdam ko tuloy minsan, ako si princess Sarah habang hinihintay kong bumaba si Miss Minchin at sa huli, magbabalat ako ng patatas.

Natawa tuloy ako sa sarili kong kalokohan.

Ikaw talaga Mina! Napaka mo!

"Mina." Napatingala ako. Pababa na ngayon si Thomas at palapit sakin.

Grabe! Why so handsome? Huhu.

"Good morning!" Masayang bati ko.

Ng magkaharap kami, tinitigan niya lang ako at walang sabi na nilagpasan ako.

Napanguso ako bago ako sumunod sa kanya.

"Have you cooked already?" Tanong niya habang dire-diretso ang lakad papasok sa dining room. Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig niya at uminom.

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang umiinom. Grabe, pati pag-inom ang gwapo! Sana ako na lang 'yong baso–

"MINA," Napakurap ako bigla.

"Ah, ano nga ulit ang tanong mo?" He sighed.

"Prepare my breakfast," Sabi niya at umupo na. Sakto namang may newspaper sa dining table kaya binasa niya 'yon habang naghihintay na ihanda ko ang almusal niya.

Heavy breakfast lagi ang hinahanda ko kay Thomas. Iyon kasi ang lagi niyang gusto. Marami kasi siyang pinupuntahan kaya kailangan niya ng sapat na energy. Kaya nga Milo lagi ang inihahanda ko. Hindi naman siya nagrereklamo.

Nilapag ko ang plato sa harap niya pati ang para sakin. Kinuha ko muna ang ulam bago ang kanin. Hindi mahilig si Thomas sa fried rice kaya nagsasaing ako lagi. Nakangiti akong lumapit sa rice cooker. Ng buksan ko ang rice cooker ay nabura ang ngiti ko sabay atras ko.

Shet.

"What's wrong?" Napansin iyon ni Thomas kaya lalo akong kinabahan.

Hindi ko siya nilingon at mabilis kong ibinalik ang lid ng rice cooker.

"I said, what's wrong?" Ulit niya.

Napakagat labi ako at dahan-dahang lumingon sa kanya.

"Thomas..." Ibinaba niya ang newspaper at tumayo. Akmang lalapit siya sakin ng pigilan ko siya.

"Huwag kang lalapit!" Kumunot ang noo niya.

"What is this, Mina? I'm hungry—"

Lies & Fall Where stories live. Discover now