CHAPTER 20

2K 95 9
                                    

🌹🚬

MINA

Bahagya kong inilabas ang ulo ko sa may pinto. Para akong akyat-bahay na takot mahuli ng may-ari ng bahay. Sino ba naman ang gustong mahuli? Hay naku, Mina! Sinisilip ko kasi kung wala na si Thomas. Siguro naman ay naka-alis na siya kanina pa. Para kaming naglalaro ng hide and seek.

"Okay, clear." Lumabas na ako at dahan-dahang umakyat sa may rooftop habang may bitbit na towel, yoga mat at tumbler. Magwo-workout ako. Hindi naman kasi mabigat ang trabaho ko rito sa bahay. Pantalon at leather jacket lang ni Thomas. Tsaka, day-off ko naman ngayon kaya pwede kahit anong gawin ko. Bihira lang akong umakyat sa rooftop dahil bukod sa napaka-taas ng hagdan, hindi ako basta-basta pinapayagan ni Thomas. Minsan lang. May swimming pool din dito tsaka mini bar. Ewan ko ba kay Thomas at minsan niya lang gamitin. Ang yaman-yaman pero napaka-boring! Kaya ako na lang muna ang gagamit. Hinintay ko muna talaga siya na umalis para solo ko ang rooftop ngayon. Pagka-akyat ko ay inilatag ko agad ang yoga mat na binili ko pa sa Shopee noong nag-super sale sila. Grabe, ang mumura pero minsan mapapamura ka talaga kapag na-deliver na sa'yo ang item. Buti na lang at medyo okay itong nabili ko. Itinali ko ang buhok ko at nag-unat. Hindi masyadong ma-init at medyo mahangin dito sa itaas. Ang sarap sa feeling!

 Ang sarap sa feeling!

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Napa-hikab ako.

Bakit ganon? Hindi pa ako nagsisimula pero inaantok na ako. Parang mali yata ang desisyon ko na rito mag-workout sa may rooftop ah.

Kinuha ko ang cellphone at nag-search ng workout routine sa YouTube. Iyong madali muna. Isinandal ko ang cellphone sa tumbler at sinundan ang ginagawa ng babae.

Sobrang sexy naman niya. Parang 'yong si Ruby lang.

"Focus, Mina! Cute ka!"

Pagka-higa ko sa yoga mat ay na-isara ko ang mga mata dahil sa sikat ng araw.

"Sandali, ang liwanag!" Bumangon ako ini-stop muna ang video. Kumurap-kurap ako at naghanap ng puwesto na hindi nasisikatan ng araw. Mabuti na lang at mayroon sa bandang gilid. Lumipat ako roon at sinimulan ulit sundan ang pinapanood ko. Grabe, warm-up pa lang pero hinihingal na 'ko. Ini-skip ko na lamang 'yon at idiniretso na mismo sa workout. 1 minute per routine tapos 15 seconds break. Nakaka-tatlong routine pa lang ako pero pawisan na ako ng sobra. Hindi ko tuloy alam kung tama ba itong ginagawa ko.

"4... 3... 2... 1, ha!" Napadapa ako pagkatapos ng last routine. Ipinikit ko ang mga mata ko habang sunod-sunod ang aking paghinga. Grabe, parang ganito ang pakiramdam ko noong nanganak ako. Mas masakit nga lang 'yon.

"Aray ko..." Napa-daing ako dahil medyo nasakit na ang tiyan at ang balakang ko. Uhaw na uhaw na rin ako kaya inabot ko ang tumbler. Bumangon ako at uminom. Ubos na ubos ko ang tubig. Kulang pa nga eh. Saktong napatingin ako sa swimming pool.

Lies & Fall Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin