CHAPTER 18

1.7K 93 10
                                    

🌹🚬

MINA

Muntik ko ng mabitawan ang mga pinamili ko ng maabutan ko si Thomas dito sa bahay. Naabutan ko siyang nakasalampak sa sofa habang nanonood ng... Doraemon? Kinusot ko pa ang mata ko. Napansin niya ang presensya ko kaya bigla niyang kinuha ang remote sabay pinatay niya ang tv. Gulat na gulat ako sa naabutan ko. Pinigilan ko lang ngumiti dahil may tampo pa rin ako sa kanya. Wala ako sa mood ngayon para kulitin siya. Panay siya puna sa panonood ko ng cartoons, eh siya rin pala! Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako sa kusina.

"Why are you just now?" Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Lagi naman siyang ganito kapag nale-late ako ng uwi. Daig pa ang magulang ko. Isa-isa kong inilabas mula sa plastic ang mga pinamili ko maliban doon sa Bangus. Inilagay ko muna iyon sa freezer saglit. Baka makita niya pa at magalit sakin. Hindi pa matuloy ang plano ko. Parang nagsisisi na tuloy ako na Bangus ang binili ko. Halatang galit siya ngayon pa lang eh. Ah, bahala na!

"It's already 10 AM. Ngayon ka lang natapos sa pamamalengke?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Kinuha ko ang kutsilyo at chopping board tsaka hinugasan iyon pati na rin ang mga gulay na binili ko. Pagkatapos ay umupo na ako at sinimulan ng hiwain ang mga iyon. Ramdam ko ang mga titig sakin ni Thomas–

"Ay!" Nagulat ako ng hampasin niya ang dining table. Bahagya pang tumalbog 'yong mga kamatis. Napatingin ako sa kanya. Kunot na kunot na naman ang noo niya habang nakatingin siya sakin. 

Galit na nga.

Huminga muna ako ng malalim bago siya tanungin.

"Bakit sir?"

"Kanina pa kita tinatanong pero hindi mo ako sinasagot."

"Ano ba 'yong tanong mo?"

"Seriously?"

"Ano nga? Sorry, masyado kasi akong napagod sa pamamalengke." Napatingin naman ako sa soot niya. Naka-brown siya na t-shirt na hapit na naman sa katawan niya. Try niya kaya minsan ang oversized. Nagkakasala lagi ang mga mata ko eh. Wala ba siyang pasok? "K–Kamusta ang pakiramdam mo? May hangover ka ba?" Pag-iba ko sa usapan.

"I'm fine. Now answer me, bakit ang tagal mo? Akala mo ba hindi ko alam na maaga kang umalis? You left 5 in the morning." Nagulat ako roon. Ibigsabihin, kanina pa pala siya gising tapos nagpapanggap lang siya na tulog?

"Oh? Wala namang masama diba? Tsaka sir, gusto ko rin kasi maglakad-lakad. Hindi na rin kasi ako nakakapag-exercise eh." Kinuha ko ang sibuyas at binalatan iyon. Takte, bakit ba ito ang una kong dinampot? Ayokong umiyak sa harapan niya!

"Tsk. By the way, I want to rest today. I don't want any disturbance. So please, be quiet." Tumango lang ako at itinuloy ang paghihiwa. Naninigkit na ang mga mata ko dahil sa sibuyas. Walangya! Hindi pa ba aalis itong si Thomas?

Wala ba silang date ng girlfriend niya?

Napa-iling ako sa tanong ko.

Napansin kong hindi pa rin siya umaalis sa tapat ko. Ilang segundo siyang nag-stay sa puwesto niya bago siya tuluyang umalis. Napahinga ako ng malalim.

Ayaw mo ng istorbo? Madali naman akong ka-usap 'no!

"Pesteng sibuyas 'to!"

Lies & Fall Where stories live. Discover now