CHAPTER 62

1.8K 89 5
                                    

🌹🚬

MINA

Pabalik-balik ako rita sa sala at hindi mapakali. Panay ngat-ngat na ako sa aking kuko dahil sa kaba. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa rin umuuwi ang dalawa. Inaantok na nga rin ako. Naka-ilang timpla na rin ako ng kape para hindi antukin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit sinama ni Thomas ang anak niya roon sa mansyon. Nakalimutan niya na ba ang napag-usapan namin? Paano kung mahalata ng mga nasa mansyon na kahawig ni Tomi si Thomas? Paano kung tanungin nila ang anak ko kung sinong nanay niya? Sa sobrang honest ni Tomi, hindi imposible na malaman. Pwera na lang kung sinabihan niya ang anak niya. Masunurin naman si Tomi kahit makulit.

Ilang saglit pa ay may narinig ako sa labas. Sumilip ako at hinawi ang kurtina. Nakita kong umaangat ang gate. High tech ang gate ni Thomas, kaya kahit walang mag-bukas para sa kanya ay kusa itong bubukas. Dahil na rin sa klase ng trabaho niya. Dali-dali akong lumabas para salubungin siya. At dahil tinted ang sasakyan niya, hindi ko masilip si Tomi sa loob. Ilang segundo muna ang binilang ko bago sila lumabas. Ng makita niya 'ko ay patakbo siyang lumapit sa'kin. Naka-pajama pa siya at may hawak-hawak na laruan. Alam kong hindi 'yon galing dito sa bahay. Kabisado ko lahat ng laruan ni Tomi.

"Mama!" Niyakap ko siya pabalik. Ilang oras lang naman siyang nawala sa'kin pero sobra ko siyang na-miss. Hinalikan ko siya sa pisngi pagkatapos.

"Saan kayo galing?" Tanong ko kahit alam ko kung saan siya dinala ni Thomas. Sinilip ko siya. Nakatayo lang ito habang nanonood sa'ming mag-ina. Nag-iwas ako ng tingin.

"Doon po kena mama Anna! Mama alam mo po, laki ng haws nila. Tsaka po dami laruan." Ini-angat niya ang laruan na nakuha niya roon. Tiyak akong si Ate Anna ang nagbigay ng laruan sa kanya. Lalo akong kinabahan. Lumunok muna ako ng isang beses.

"T–Talaga? Nakilala mo na siya?"

"Hmm!" Tumango ito sa'kin. "Mama ang bait niya po. Mukha po siyang angel. Tapos po mama, si Sir Nick, ang sungit niya po." Napa-ngiti ako sa sinabi niya. Masaya ako dahil nakilala niya na ang isa sa mga taong mahalaga sa'kin. Pero hindi pa rin ako mapakali kung ano ang nangyari doon sa mansyon. Kung nakilala niya na si Ate Anna, walang problema sa'kin. Pero ng banggitin niya ang dati kong amo, pakiramdam ko ay nanlamig ako. Sa talas mag-obserba ni Sir Nick, hindi malayong magduda siya at magtanong kung sino ang batang dinala ni Thomas sa bahay niya. Gusto kong malaman kung may alam na ba sila tungkol sa pinakatatago ko.

"Mama, bakit ang tahimik mo po? Okey ka lang?" Napakurap ako at mabilis siyang niyakap.

"Na-miss po kita mama ko. Sa susunod sama ka na po sa'min ha?" Yumakap siya sa'kin pabalik. Tiningnan ko ulit si Thomas. Ganoon pa rin ang puwesto niya. Nakatayo at walang emosyon na ipinapakita. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan sa kamay si Tomi.

"Halika na anak. Matulog ka na. Madaling araw na oh." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa'kin at nagpahila sa loob. Iniwan namin si Thomas sa labas. Hindi ko naramdaman ang pagsunod niya sa'min sa loob.

Bahala siya. Na-iinis ako sa kanya ngayon.

🌹🚬

Malungkot akong ngumiti habang pinagmamasdan si Tomi. Yakap-yakap niya ang laruan na bigay sa kanya ni Ate Anna sa pagtulog. Sa oras na ito, takot na takot ako. Ang totoo nga niyan, parang ayoko na lumabas at harapin si Thomas. Alam ko kasi sa sarili ko na may itinatago ako sa kanya. At alam ko rin na may hinala na siya. Sa mga tingin pa lang niya kanina sa'kin, halata ko na.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon