CHAPTER 29

1.6K 76 4
                                    

🌹🚬

MINA

Isang linggo na ang nakakalipas pero ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Balik sa dating gawi. Linis dito, linis doon. Madalas wala si Thomas dito sa bahay. Sobrang aga niya ng umalis. Hindi na nga siya minsan nakakapag-almusal. Kaya ang ginagawa ko, gabi pa lang, ipinagluluto ko na siya. Pero kung anong aga niyang umalis, ganoon din siya ka-aga umuwi. Minsan hapon pa lang, nandito na siya. Gusto ko tuloy isipin na binabantayan niya 'ko. Pero syempre, assume 'ko lang 'yon. Baka may nagbago lang sa schedule niya. Tungkol naman doon sa chip na nakuha ko, hindi ko nakita na naghanap siya rito sa loob ng bahay. Pero pansin kong may gusto siyang itanong sa'kin lagi. Hindi lang niya ma-ituloy dahil parang nagdadalawang-isip siya. Ilang beses na rin akong naghintay na baka sumulpot bigla si Everett. Gustong-gusto ko ng itanong sa kanya ang nilalaman ng chip. Baka kasi isa ito sa mga kailangan nila sa'kin. Alam kong mali itong gagawin ko. Hangga't nasa'kin ang chip, hindi ako mapapakali. Palagi rin akong nakabantay sa kuwarto ko. Baka kasi biglang maghanap si Thomas dito sa loob ng bahay. Tiyak na lagot ako sa kanya. Baka matanong pa niya ako kung bakit hindi ko ibinalik ang chip na 'yon sa kanila.

Sinilip ko ang orasan dito sa may sala. Pasado alas-tres na at dalawang oras na lang, ay uuwi na si Thomas. Katulad ng sinabi ko kanina, maaga na siya kung umuwi. Umupo ako rito sa may sofa at ginamit ang cellphone ko. Pagka-on ko pa lang, nag-ring ito agad. Tiningnan ko muna ang number na tumatawag sa'kin. Hindi ko alam kung kaninong number ito. Sa huli, sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"..."

"Hello?" Ulit ko. Sinilip ko ang cellphone ko. Walang nagsasalita pero naka-bukas pa ang linya sa kabila. Kumunot ang noo ko at itinapat ulit sa tenga ko.

"Sino po 'to–"

"Mina," Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni kuya Matthew.

"K–Kuya..." Napalunok ako. Hindi ko alam, pero parang may hindi magandang manyayari. Para akong nanlalamig.

"Nagawa mo na ba ang sinabi sayo ni Everett?" Hindi ako agad nakasagot. Lumapit ako sa may bintana at sumilip doon. Baka biglang dumating si Thomas.

"H–Hindi pa kuya,"

"Kailan mo balak?"

"Hindi ko pa talaga alam kuya, hindi ko pa kaya ang pinapagawa niyo sa'kin. Pero, kilala ko na si Ruby. Hindi pa nga lang ako nakakahanap ng tyempo–"

"Bullsh*t! You have to make a move now! Huwag mong sagarin ang pasensya ko. Kailangan kong malaman ang hideout ng mga 'yan bago pa nila kami ma-unahan!"

"Kuya, ano bang gagawin niyo? Tumigil ka na. Magbago ka na–"

"Damn you! Kung ayaw mong sumunod pwes, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Akala mo ba Mina, hindi ko alam ang itinatago mo? My dear sister, you can't hide your son from me." Tingin ko ay nawalan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Kuya... anong ibigsabihin mo?"

"Anong gusto mong unahin ko? Ang hideout nina Álavarez o ang sa pamangkin ko? You choose." Napasinghap ako. Alam na niya!

"Kuya, please! Huwag mong gagalawin si Tomi!"

"So Tomi is his name, huh?" May bahid ng pagka-sarkastiko ang boses niya. "Sobrang laki na nga ng kasalanan mo sa'kin, dinagdagan mo pa!"

Lies & Fall Where stories live. Discover now