CHAPTER 2

4.5K 212 53
                                    

🌹🚬

MINA

"Haaaay." Humikab ako at pabagsak na umupo sa sofa.

Katatapos ko lang labhan ang mga damit ni Thomas. Ang sakit nga ng mga braso ko dahil puro maong at mabibigat pa! Nakatayo na nga ako kapag nagpipiga eh. Para full force. Kulang na lang ay tapakan ko ang mga iyon pero hindi ko ginawa. Para ko na rin kasing tinapakan ang pagkatao ni Thomas, hindi ba?

"Anong oras na ba?" Sinilip ko ang cellphone ko.

"4 na oras pala 'kong naglaba! Ilang piraso lang naman ang nilabhan ko pero inabot ako ng ganitong oras." Sabay iling ko.

Ilang minuto muna akong nagpahinga at dumiresto sa kusina. Hindi pa pala ako nakakapag-merienda. Pakiramdam ko, isang araw akong hindi kumain.

Kinalkal ko ang loob ng refrigerator ni Thomas. Nadismaya ako ng makitang puro alak ang nandoon at kung ano-ano pa na hindi naman healthy!

Hari talaga ng mga alak ang isang 'yon!

Sinara ko na lang ang ref. Wala naman akong pwedeng makain. Hindi rin ako na-inom.

"Makalabas na nga lang." Kinuha ko ang red kong wallet at lumabas ng bahay.

Maraming nagtitinda ng merienda sa labas kapag mga ganitong oras. Mura na at mukhang masarap pa! Marami ka pang pagpipilian.

Pero hindi niya pa na-try.

"Hija! Bili ka na! Bagong luto pa ito," Napatigil ako ng alukin ako ng matandang babae.

Umuusok pa ang kaldero kaya sinilip ko ang laman noon. Ginataang saging!

Ang sarap!

"Sige po, pabili po ako."

"Isang tasa hija?"

"Opo."

Tumingin pa ako sa paligid.

Bananacue, Turon, Fishball, Kikiam, Kwek-Kwek at kung ano-ano pa ang nakikita ko na tinitinda sa tabi. Lalo tuloy akong natakam.

"Hija oh, tikman mo 'to at masarap." Inabot ko na ang bayad at akmang aalis na pero pinigilan ako ng matandang lalaki.

"Saan ka pupunta neng?"

"Aalis na po."

Napatawa ang matandang babae. Ito siguro ang asawa.

"Naku hija! Maupo ka at dito ka kakain." Napatanga ako at napatingin sa mga kumakain.

Kaya pala may tasa pa.

"Ah, hehehe! Ganon po ba 'yon?"

Tumango naman sakin ang matanda at parang tuwang-tuwa pa sa katangahan ko. Nakakahiya talaga!

"Maupo ka na neng. Masarap 'yan habang mainit pa." Umupo na ako sa bangko.

"Bago ka lang ba dito neng?" Tanong nila sakin.

"Ah, opo."

"Kaya pala ngayon ka lang namin nakita." Sakto namang may dumating na customer kaya hindi na siya nagtanong pa.

Nagsimula na kong kumain.

Masarap nga!

"Kalilipat mo lang ba dito hija?" Tanong sakin ng asawa ng matandang lalaki.

"Ah, opo. Katulong po ako."

Nagulat ito sa sagot niya.

"Katulong ka? Aba'y kaganda mo naman para maging katulong!"

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon