CHAPTER 51

1.9K 110 18
                                    

🌹🚬

MINA

"Oh, taas ang dalawang kamay! One, two, three–go!" Sabay kaming nag-slide ni Tomi.

"Wooooooh!" Sigaw ko pa habang nakataas ang dalawang kamay. Medyo mahaba ang slide kaya nakaka-enjoy. Ilang minuto na nga kami pabalik-balik.

Nakatayo lang si Thomas sa may gilid ng park habang seryosong nanonood sa'min. Tingnan mo ang lalaking 'to, sabi niya siya ang makikipag-laro kay Tomi pero pinapanood niya lang kami. Tsk. Ang KJ niya talaga kahit kailan.

Lumipat kami ni Tomi sa seesaw at umupo sa magkabilang dulo. At dahil mas mabigat ako sa kanya, hindi kami balanse. Nag-adjust ako para makapag-seesaw kaming dalawa. Nakaka-miss maging bata!

"Mama, swing!" Turo ni Tomi sa dalawang swing na magkatabi kaya lumipat kami roon. Naka-upo na kaming dalawa ng biglang tumingin sa'kin si Tomi. "Tulak mo 'ko, mama."

"Huh? Eh... gusto ko rin mag-swing anak." Sumimangot ang paslit kaya napatayo ako bigla. Itutulak ko na sana siya ng bigla kong makita si Thomas. Napa-ngiti ako sa na-isip ko.

"Thomas!" Sigaw ko. Kumunot ang noo niya sabay tuwid ng tayo. Sinenyasan ko siya na lumapit sa'min. Akala ko ay mag-iinarte pa siya pero nagulat ako ng magsimula siyang maglakad papunta sa'min.

"What?" Masungit na tanong niya.

"Paki-tulak nga si Tomi."

"What?" Ulit niya.

Ang hilig niya talaga sa 'What'. Mas dumoble ang kunot ng noo niya.

"Sige na. Gusto ko rin kasi mag-swing eh." Tinitigan niya muna ako saglit tsaka siya sumunod. Tumayo siya sa likod ni Tomi at tahimik na tinulak ang swing. Hindi ako agad nakapag-swing dahil gulat na gulat ako. Kilala ko si Thomas na hindi basta-basta sumusunod. Mataas ang pride niya at may pagka-arogante rin minsan. Kaya nakakagulat na ganito siya ngayon.

Wala sa sariling napa-ngiti ako habang pinapanood ko silang dalawa. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon sila ng moment na ganito. Akala ko kasi, habang buhay kong ma-itatago si Tomi.

Tinitigan ko si Thomas. Sobrang gwapo niya kahit wala siyang ka-ngiti ngiti. Halatang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.

"Why are you just staring? Akala ko ba gusto mo rin mag-swing? Don't tell me, gusto mo ako rin ang mag-tulak sa'yo?" Nabura ang ngiti ko. Lakas niya talaga makasira ng moment.

Umayos ako ng upo at humawak sa swing.

"H–Hindi ah!" Sabi ko at nag-swing ng dahan-dahan. Sa tingin ko ay namumula na naman ang mukha ko. Nakakahiya! Masyado na talaga akong obvious.

Ano naman? Alam niya naman na gusto mo siya eh, diba?

Bulong ng kabila kong utak.

Mahiya ka nga, Mina! May girlfriend na siya! Bawal kiligin sa hindi mo jowa!

Bulong naman ng isa.

Napa-iling ako at tumigil sa pag-swing. Tumayo ako at walang paalam na iniwan silang dalawa ni Tomi.

Kailangan ko ng ice cream!

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon