CHAPTER 5

2.3K 85 9
                                    

🌹🚬

MINA

Natatawang bumalik si ate Anna kaya napatingin ako sa kanya habang inihahanda ko ang mga pagkain.

"Ano pong nangyari ate Anna?" Lumapit siya sakin at tinulungan ako.

"Sinumpong na naman si Casper. Ayaw niyang i-share ang fries." Natawa ako roon.

"Favorite po talaga nila 'yon 'no?"

"Ikaw ba ang bumili non para sa kanila?"

"Hindi po. Dumaan lang po ako kanina sa Jollibee. Apat na large fries po 'yong inorder ko para sa dalawa." Sabi ko.

"Salamat Mina."

"Dapat po pala sampung large fries na lang ang binili ko. Sabi kasi ni sir Nick, dalawang large fries lang daw ang bilhin ko. Eh kaso, parang kulang naman po sa kanila."

"Ikaw talaga!" Sabi sakin ni ate Anna. Tumawa lang ako.

"Oh, ate, okay na po 'to. Kain na po tayo. Hindi po ba sasabay sina Casper at Jasper?" Tanong ko sa kanya.

Umupo na kaming dalawa.

"Susunod din sila."

"Ah."

"Kamusta na doon sa mansyon? Pasensya na kung 'di na 'ko nakakadalaw. Sa isang araw siguro, baka bumisita kami." Sabi ko.

"Okay lang po ate Anna. Miss na nga po kayo nina nanay."

"Kaya nga eh. Miss ko na rin naman sila. Kayo lahat." Ngumiti sakin si ate Anna.

Hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sa kanya. Pinanood ko siya habang kumukuha siya ng pansit. Mala-anghel talaga ang mukha niya. Bagay talaga sila ni Sir Nick.

"Basta po ate Anna punta lang po kayo roon ah? Welcome naman po kayo lagi. Tsaka ikakasal naman na po kayo ni Sir." Napatingin siya sakin.

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi po sa'min ni sir noong isang araw. Ang saya niya nga po. Lagi na siyang good mood bago pumasok." Ngumiti sakin si ate Anna.

Noong isang araw kasi, dumaan ako sa mansyon. Sumama ako kay Thomas. At doon ko unang nakita na masaya ang dati kong amo. Hanggang na nakuwento sakin nina nay Susan ang nangyari kaya siya ganoon.

"Ganon ba? Mabuti naman."

"Congrats po sa inyo! Diba po, nililigawan ka pa lang niya? Bakit po kasal na agad?" Natawa sakin si ate Anna.

"Ayaw niya kasi na maging boyfriend ko siya. Gusto niya, asawa ko siya agad." Nanlaki ang mata ko. Hindi ko akalain na may ganoon palang side si Sir. Si Thomas kaya? Ano pa kaya other side niya bukod sa pagiging clingy noon?

"Ay wow! Ang sweet naman po ni Sir."

"Ganon? Ang bilis nga ng mga nangyari..." Parang biglang may naalala si ate Anna kaya napatigil siya saglit. Tapos namula bigla ang mukha niya.

"Ate Anna, okay ka lang?"

"Huh? Oo! Bakit?"

"Namumula po kasi kayo eh."

Napa-huh lang siya.

"A—ah, wala."

"Ayiee, kinikilig po kayo 'no?"

"Huh? Ako? Ah, s—syempre..."

"Grabe ka naman kasi ate Anna, ilang taon po si Sir nagtiis! Nakakaloka ka po." Sabay tawa ko.

Lies & Fall Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz