CHAPTER 53

2.2K 119 27
                                    

👆🏻PLAY THE MEDIA 👆🏻

🌹🚬

MINA

Hindi na naman ako nakagalaw dahil sa biglang paghalik sa'kin ni Thomas. Shuks!

Bakit niya ba ako bigla-bigla na lang hinahalikan?! Ano ba talagang trip niya?

Napapikit ako sabay kapit ng mahigpit sa T-shirt ni Thomas ng mas diinan niya pa ang paghalik sa'kin. Nanindig ang balahibo ko sa katawan ng bumaba ang isang kamay niya sa ibaba ng bewang ko sabay haplos doon. Napasinghap ako at napadilat. Tila naramdaman niya ang reaksyon ko kaya bigla siyang humiwalay sa'kin. Samantalang ako naman ay tulala at parang lalagnatin.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bigla akong inatake ng hiya kaya tumalikod ako at humarap sa may pool. Parang tambol na ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito.

"Nakaka-inis ka." Sambit ko.

"Why?" Huminga ako ng malalim sabay buga ng hangin.

"Tinatanong mo pa 'ko? Bakit ba ang hilig mo na halikan na lang ako bigla ha, Thomas? May girlfriend ka kaya!" Himutok ko.

Aba, hindi pwede na lagi siyang ganito ano! Namimihasa na siya ah! Porket ba gusto ko siya at marupok ako, pagsasamantalahan niya ang karupokan ko?

Naghintay ako sa sagot niya pero wala akong narinig.

"Ano? Tama ako, hindi ba?"

"No." Bigla siyang sumagot kaya humarap na ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Humakbang siya palapit sa'kin kaya umatras ako.

"Huwag kang lalapit!" Huminto siya sabay kunot ng noo.

"Fine." Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Mabuti naman." Sagot ko.

"Ruby is not my girlfriend. And I don't have one." Diretsong sabi niya sa'kin kaya napa-nga nga ako. Hindi ba siya nagbibiro? Totoo ba? Kung ganoon, bakit sinabi 'yon sa'kin ni Ruby? Ano 'yon, trip din ako ng babaeng 'yon?

Huh! Bagay nga sila!

"Hindi ako naniniwala. Sa tingin ko, hindi nagsisinungaling sa'kin si Ruby. Tsaka, obvious naman na may relasyon kayo." Sabay irap ko kunwari.

"What are you saying? Why? Have you ever seen us kissing? Or making out?" Hindi ako naka-imik dahil may punto siya. "Tsk. I'm so disappointed because you believe in her instead of me."

"Eh kasi... Malay ko ba!" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagkapahiya.

Ang tanga mo talaga, Mina! Ano ka ngayon?!

"Ruby is just a friend of mine. She is my frequent co-worker. She's brave and quite playful. "

"Halata naman sa kanya na matapang siya. Maganda pa."

"Yeah. She's pretty."

"Tss." Umirap ako ulit at pinag-krus ang dalawang braso ko. "De siya na maganda." Pabulong lang 'yon pero feeling ko, narinig niya.

Lies & Fall Where stories live. Discover now