CHAPTER 8

2.1K 88 12
                                    

🌹🚬

MINA

"Kuya..." Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

Ngumisi siya sakin at humakbang ng dalawang beses. Ako naman ay napaatras.

"Ang tagal kitang pinahanap. Sa wakas at nakita rin kita. Kamusta? Nagawa mo na ba–" Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Kuya!" Kumunot ang noo niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang tono ng boses ko. Lumunok ako at bahagyang yumuko. "P–pasensya ka na, kuya... Nabigla lang ako." Sabi ko at tumingin ulit sa kanya.

"Kailan ka pa... nakalaya kuya? Ilang buwan na?"

Ipinasok niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Medyo pumayat siya at lalong nag-mature. Naka-soot lang siya ng itim na t-shirt at kupas na pantalon. Napansin ko rin na bagong gupit siya. Katulad ng dati, marami pa rin siyang tattoo sa katawan.

"Tatlong buwan na." Diretsong sagot niya.

Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. Bumaba ang tingin niya sa mga pinamili ko at ibinalik niya ang tingin sakin.

"Hindi mo ba ako papapasukin? Mukhang maganda ang buhay mo ngayon ah." Sinilip niya ang bahay.

"Nasa loob siya–"

"Alam kong wala siya sa loob." Putol niya sakin.

Lalo akong kinabahan. Bakit ba ngayon pa siya nagpakita? Hindi ako handa! Wala akong alam!

"U–Umalis ka na kuya." Malamig na sabi ko sa kanya.

Tila hindi niya iyon nagustuhan kaya dumilim ang mukha niya.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, umalis ka na–"

"Hindi ako bingi, Mina. Bakit? Baka nakakalimutan mo kung bakit kasama mo iyang lalaki na yan! T*ngina! Binuhay kita para sundin ang gusto ko!" Napayuko ako at tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Alam ko namang tama siya. Simula ng mawala si Mama at sumama sa ibang babae si papa, si kuya na ang tumayong magulang para sakin. Pero... hindi ko kayang tanggapin na ang perang bumubuhay samin ay mula sa ilegal na gawain niya. At higit sa lahat, hindi ko na kinaya ang ugali niya. He's sick.

"S–Salamat na lang kuya sa lahat. Pero ayoko na..." Akmang kukuhanin ko na ang mga pinamili ko ng hablutin niya ang braso ko.

"Huwag mo 'kong gaguhin Mina! Alam mo bang walang-wala ako ngayon?! T*ngina, may usapan tayo bago ako makulong! Sabi mo, tutupad ka! Babawi ka! Pero t*ngina lang, tinaguan mo ko!" Humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Kuya, nasasaktan ako."

"Talagang masasaktan ka dahil binalewala mo lahat ng paghihirap ko sa'yo! Alam mo naman ang ayaw ko, hindi ba?" Tumango ako.

Iba ang ugali niya kaysa sakin. Noong maliit pa kami, pansin na ko na iyon. Mabilis siyang magalit at wala siyang paki-alam kahit makasakit pa siya ng ibang tao. Ilang psychiatrists na ang tumingin sa kanya noong maliit pa kami pero ni isa sa kanila, walang nagtagumpay. Sa pagkakatanda ko, sinabi nila na "anti-social psychopath" si kuya Matthew. Kung ako ang tatanungin kung sino ang mas matindi sa kanilang dalawa ni Sir Nick, ang kuya ko ang mas malala.

Lies & Fall Where stories live. Discover now