CHAPTER 30

1.9K 97 14
                                    

🌹🚬

MINA

"Saan po ba ang punta natin, ha? Mina ko naman eh, masarap 'yong tulog ko tapos bigla mo ako ibinangon." Pinigilan kong matawa. Hindi ko kasi siya magising kaya ang ginawa ko, pinilit ko siyang itinayo.

"Antok pa ako eh! Paano ako lalaki!" Nagdabog na ang paslit. Umupo ito sa kama at tiningnan ako. Isinara ko ang bag at hinawakan ang pisngi niya.

"Sorry na nga. Diba sabi mo, gusto mo ng umuwi sa bahay?" Nawala ang pagka-kunot ng noo niya. Biglang umamo.

"May bahay na tayo?" Lumiwanag ang mukha niya.

"A–Ah, hindi natin 'yon bahay. Pero, doon muna tayo. Behave ka roon ha?" Tumango-tango siya sa'kin. Hinalikan ko siya sa pisngi sabay hawak ko sa kamay niya. Lumabas kami ng kuwarto niya. Hindi na siya makakapag-paalam sa ibang mga bata dahil nagmamadali kami. Naabutan namin si sister Cecilia na nakaabang sa'min.

"Tomi, magpaalam ka na muna kay sister." Tumingin siya sa'kin,

"Hindi ba siya sasama sa'tin?" Malungkot akong ngumiti sabay iling.

"H–Hindi eh," Binitawan ko ang kamay niya.

"Sige na, mag-bless at yumakap ka na sa kanya." Ilang segundo siyang tumitig sa'kin bago siya patakbong lumapit kay sister.

"Sister!" Nagulat ako sa paghagulgol ni Tomi. Nagka-tinginan kami ni sister. Tumulo na naman ang mga luha ko. Ngayon ko lang nakita ang anak ko na umiyak ng ganito. Tumingala si Tomi habang nakayakap sa bewang ni sister Cecilia "Sister, ma-miss mo ba 'ko? Hindi mo ako ipagpapalit kahit wala na ako?" Tanong ni Tomi habang patuloy sa pag-iyak. Nag-iwas ako ng tingin.

"Oo naman, Tomi. Huwag ka ng umiyak, ha? Tama na... Asus, ang sweet naman pala ng batang 'to! Tingnan mo ako, hindi umiiyak. Alam ko naman na babalik ka rito."

"Talaga sister? Hindi ka magagalit?"

"Hindi! Halikayo at ipagdadasal ko kayong dalawa. Mina, lumapit ka." Lumapit ako kay sister at yumakap sa kanya. Pagkatapos ay ipinag-pray over niya kami ni Tomi.

"Oh siya, umalis na kayo at baka kung ano pa ang mangyari. Mahirap na. Mag-iingat kayo, ha?" Humalik siya sa'min. Isinoot ko ang sumbrero kay Tomi bago kami lumabas. May taxi ng nakaabang sa'min kaya mabilis kaming nakaalis.

Niyakap ko ng mahigpit si Tomi. Iniisip ko si Thomas. Alam kong magugulat siya kapag nakita niya na may kasama akong bata pagbalik ko. Baka nga galit na 'yon dahil umalis ako ng walang paalam.

"Mina ko, hindi po ako makahinga." Natawa ako at pinisil ang ilong niya.

"Happy ka ba?"

"Opo! Kasi kasama na po kita eh."

"Talaga?" Kiniliti ko siya.

"Oo nga po, mama!" Nagulat ako sa tinawag niya sa'kin. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Sinanay ko siya na tawagin ako sa pangalan ko. Sobrang sarap pala sa pakiramdam kapag tinawag kang 'mama'...

"Tomi, promise ha? Magbe-behave ka. Magagalit kasi ang amo ko. Ayaw niya sa makukulit." Kumunot ang noo niya.

"Sino siya, mama?" Inayos ko ang sumbrero niya.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon