CHAPTER 13

2K 83 7
                                    

🌹🚬

MINA

Kung nakakamatay lang talaga ang titig, baka kanina pa ako wala. Sobrang diin ng hawak sakin ni Jackson kaya namimilipit na ako sa sakit. Tumingin ako kay kuya para humingi ng tulong. Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Tumayo si Ross at tinapik sa balikat si Jackson.

"That's enough. Babae pa rin yan." Sabi ni Ross sa kanya.

Maya-maya pa ay bigla niya rin akong binitawan kaya nawalan ako ng balanse.

"Umalis ka na." Sabi ni Jackson sakin.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam, pero base sa nakikita ko sa mukha niya ngayon, parang ang laki ng galit niya sakin. Para bang gustong-gusto niya ko saktan.

"Not now. May sasabihin pa ako sa kanya." Sabi ni kuya habang ibinabalik niya ang pera sa loob ng bag. Tumayo siya at tsaka lumapit sa isang desk.

"You think hahayaan na lang kitang umalis ng ganoon na lang? Huh, Mina? This is the 2nd time that you disappoint me. Tell me," Umupo siya sa swivel chair. "Ano bang ginawa sayo ng Álvarez na yan at sinusuway mo ang mga utos ko? Did he f*cked you?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Kuya!" Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko na iyon sa kanya. Sa halip, sumandal lang siya at tiningnan ako na may pagka-disgusto.

"Can't believe that I sheltered a traitor like you." Walang emosyon sa mukha ni kuya ng bitawan niya ang mga salitang 'yon sakin.

"I'm sorry, kuya... Malaki ang utang na loob ko sayo–"

"Oh please," Pagak siyang tumawa. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? I'm not stupid." Napa-hinga na lang ako ng malalim.

Bumalik sa memorya ko kung ano kami dati ni kuya. Kahit may iba sa ugali niya noon, naging mabuti siyang kapatid sakin. Hindi man siya sweet, pero idinaan niya iyon sa mga material na bagay. May pagka-strikto siya noong nag-aaral pa lamang ako. Pero alam kong paraan niya lang iyon para protektahan ako. Ang kaso, sinira ko ang tiwala niya na iyon. Matigas kasi ang ulo ko.

Sinubukan kong lumapit sa puwesto niya. Lumuhod ako.

"Kuya..."

"Sorry... Pero paki-usap, huwag mong idamay si Thomas. Itigil mo na kung anong binabalak mo sa kanya. A–Ayoko ng makulong ka ulit..." Tumingin lang siya sakin bago siya tumawa.

Ilang saglit pa ay tumayo siya mula sa inuupuan niya at lumapit sakin. Lumakad siya papunta sa likuran sabay hablot sa buhok ko. Napaigtad ako sa sakit.

"What did I tell you, huh? I. AM. NOT. STUPID!" Mas hinila niya pa ang buhok ko. Napakapit ako sa braso niya. "Akala mo ganoon na lang? Palalampasin ko ang ginawa mo sakin? Hell no, I won't!" Tsaka niya ako binitawan. Napasubsob ako sa sahig.

"Tama na 'yan, Matt. Nakuha mo na ang gusto mo. Hayaan na natin 'yang kapatid mo. We can deal with Álvarez without involving her." Sabi ni Ross.

Napatayo ako at nilingon silang apat.

"Hindi! Huwag niyong sasaktan si Thomas!" Mas lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ng kapatid ko.

Akmang susugurin niya ako ng pigilan siya ni Everett.

"Hey, relax, Matt. You might kill her because of your outrage. We still need her, right?" Parang nakikipag-usap sa bata ang tono ng boses niya.

Sunod-sunod ang mabibigat na paghinga ni kuya habang sinasabunutan niya ang sarili niya. Napaatras ako.

"Aaaaah! Damn it! I'll kill him!" Sigaw niya.

Pinagmasdan ko siya habang nagwawala siya sa harapan ko. Hindi ko hahayaan na patayin niya si Thomas.

Humakbang ako palapit sa kanya at bigla siyang niyakap. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa pagkabigla.

"Don't touch me." Sabi niya habang pilit niya akong inaalis.

"Kapag ba... sinunod ko ang gusto mo, hindi mo papatayin si Thomas? Ha, kuya?" Pagkasabi ko noon ay tumigil siya.

"My dear sister," Bigla niyang hinaplos ang buhok ko. Napahigpit ako ng yakap sa kanya habang ginagawa niya 'yon sakin. "I cannot promise that I will not kill him. But... if you obey me, I can change my mind." Napapikit ako ng mariin.

I'm sorry, Thomas.

🌹🚬

"Where have you been?" Bungad sakin ni Thomas pagpasok ko.

Prente siyang naka-upo sa may sofa.

"B–Bakit ang aga mo ngayon?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinubad ang sapatos ko.

"You didn't answer my question. Saan ka galing? And why do you look like that?" Tinapos ko munang hubarin ang sapatos ko bago ko siya sagutin. Tumayo siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Magkaharap kami ngayon. Alam kong mukha akong galing sa gyera. Pawisan ako at magulo na ang pagkakatali ng buhok. "You look like a mess." Sabi ni Thomas ng mapagmasdan niya ang itsura ko.

Kung alam mo lang, Thomas...

Huminga ako ng malalim at nilagpasan siya para kumuha ng tubig sa kusina. Uhaw na uhaw kasi ako. Hindi ko namalayan na sinundan niya pala ako at hinila ang jacket ko. Napalingon ako sa kanya.

Dahil sa paghila niya, bumaba iyon hanggang siko kaya nakita niya ang tinatago ko.

"What is this? Bakit may pasa ka na naman, huh?" Seryosong tanong niya. Hinila ko ang jacket ko mula sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"P–Pagod ako Thomas... Sorry, pero magpapahinga muna ako–" Tinanggal niya ang sumbrero pati ang sunglasses na soot ko at ibinato yon.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Now, answer me, saan ka galing? What did I tell you? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi nagpapaalam sakin!"

"Sa simbahan ako galing–"

"Sa simbahan? Really?" Hinila niya ang braso ko kung saan ako may bagong pasa. Sa totoo lang, sobrang sakit na ng dalawang braso ko. Panay sila hila eh. "Who will go to church wearing big sunglasses and a thick jacket?! Your eyes are swollen too. Plus, you're wearing a damn pink hat!"

"Bakit bawal ba? T–Trip ko eh." Humigpit ang hawak niya sa braso ko. Pero may pag-iingat pa rin.

Pinigilan kong humiyaw sa sakit.

"Stop playing around. I'm dead serious here."

"Ako rin, Thomas. Seryoso ako. Masakit na." Tukoy ko sa braso ko. Binitawan niya rin iyon.

Huminga siya ng malalim sabay titig sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naiiyak na naman ako. Kung bakit ba kasi ganito ang nangyayari!

"You're lurking behind me. And when I find out, what will I do to you, Mina?" Napalunok ako at tumitig sa kanya.

"Answer me–" Tumingkayad ako at hinalikan siya.

Akala niya siya lang ha!

Lies & Fall Where stories live. Discover now