CHAPTER 35

1.9K 80 21
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Pagkapasok namin ni Diane sa loob ay parang gusto ko na lumabas. Paano kasi, sobrang daming tao. Halos lahat ay kanya-kanyang retouch.

"Ako muna. Naiihi na ako eh." Sabi niya sa'kin. Tumango ako at tumayo sa isang tabi. Gusto ko sana sumilip sa salamin kaso hindi naman ako maka-singit. Nakapasok na sa loob ng cubicle si Diane kaya doon ako tumayo sa tapat ng pinto kung saan siya. Hindi na lang ako sumingit sa mga babae at pa-simple ko na lamang sinilip ang itsura ko. Hindi ko ma-iwasan mapatingin sa kanila. Magaganda sila lahat at matatangkad. Mukha talaga silang college students. Samantalang ako ay parang high school na naligaw lang. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang lipgloss sa bag ko tsaka ako naglagay sa labi. Sakto namang katatapos lang ni Diane kaya pumalit ako agad sa kanya. Pagka-upo ko pa lang sa toilet bowl ay narinig ko ang usapan ng mga babae na kasabay namin.

"My gosh girls, nakita niyo na ba 'yung bagong professor sa Computer Science? He's so hot!"

"Oo nga, nakita ko rin siya. Binati pa nga namin kaso hindi kami pinansin."

"Ay, masungit!"

"Ano bang pangalan niya?"

"Hindi ko alam eh."

"Thomas Álvarez daw. Substitute lang naman 'yon. Balita ko, hindi raw siya talaga professor. Magaling daw kasi kaya siya muna ang pumalit."

"Shet, pati pangalan ang hot! Single kaya siya?"

"Malay natin."

"Hahahahaha omg talaga!"

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag-alis nila. Kinatok ako ni Diane kaya tumayo ako agad at nag-ayos. Kami na lamang dalawa ang natira dito sa loob.

"Narinig mo 'yung usapan ng mga babae rito kanina? Thomas Álvarez daw ang pangalan nung sinundan natin na professor!" Lumapit ako sa washstand at naghugas ng kamay.

"Oo nga narinig ko." Kunwari ay patay malisya na sabi ko.

"Hindi mo talaga siya crush? Tingnan mo 'yung mga babae kanina, baliw na baliw sila roon." Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Sila lang 'yun." Sagot ko.

"Seryoso ka? Eh sa pagkaka-alam ko, bet mo ang mga matangkad ah. Kaya nga sa'yo na lang." Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang pabango ko sa bag.

"Ayokong makisali sa kanila, 'no!" Ini-spray ko sa buong katawan ko ang pabango ko. Nangamoy strawberry rito sa loob. "Nakita mo ba 'yong mga babae kanina? Ang gaganda nila lahat!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"And so? Matangkad lang sila. Hindi mo ba nakita? Nadala lang ang mga 'yon ng make-up," Hinawakan niya ang mukha ko at ini-harap sa salamin. "Tingnan mo kaya ang sarili mo, Mina. Ang cute mo kaya. Sabi nga ng mga nakaka-usap ko na kaklase natin, mukha ka raw korean." Napatingin ako sa kanya bigla.

"Diane naman eh! Binobola mo na naman ako." Ibinalik ko ang pabango ko sa bag at sinukbit iyon sa balikat ko.

"Uy hindi ah! Totoo nga. Patangkad ka pa kasi."

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon