CHAPTER 65

1.9K 73 1
                                    

🌹🚬

MINA

"Mama, nasaan po tayo?" Tanong sa'kin ni Tomi pagkapasok namin sa lobby ng building na pagma-may ari ni Sir Nick

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Mama, nasaan po tayo?" Tanong sa'kin ni Tomi pagkapasok namin sa lobby ng building na pagma-may ari ni Sir Nick. Nilingon ko siya. Naka-sombrero ito habang may backpack na maliit. Hawak-hawak ko ang kanang kamay niya. Walang alam si Thomas na umalis kami ngayon. Mabuti na lang at alam kong wala siya ngayon dito sa building. Inalam ko muna kung saan ang lakad niya. Ang alam ko, may operation sila ngayon dahil sa dami ng dala niya kanina. Hindi rin naman kami magtatagal. Gusto ko lang maka-usap ang dating amo ko.

"Tomi, iiwan muna kita rito ha? Babalik din ako. May kaka-usapin lang si mama." Sabi ko at inayos ang sumbrero niya.

"Dito lang po ako?" Tumingin ako sa paligid. Kaka-unti lang ang tao sa lobby at puro napapalibutan ng guards. Iiwan ko na lang siguro muna siya sa isa sa mga ito. Hinila ko palapit si Tomi sa isang guard na nakatayo sa gilid.

"Ah, excuse me po."

"Yes, Ma'am?"

"Pwede po bang paki-bantayan ang anak ko saglit? Babalik din po ako agad." Hinila ko si Tomi palapit sa guard. Ng makita niya ang anak ko, ngumiti ito.

"Sige po, Ma'am! No problem! Foreigner po ba anak niyo?" Tanong nito habang sinsilip si Tomi. Umiling ako.

"Hindi po."

"Ah, ganoon ba! Akala ko may lahi eh. Ang gwapo ng anak mo, Ma'am!" Ngumiti ako.

"Salamat, Kuya." Hinarap ko si Tomi. "Oh, dito ka lang muna ha? Huwag kang lalayo sa tabi ni Kuya guard. Kapag may lumapit sa'yo na hindi mo kilala, don't?"

"Sama." Kinurot ko ang pisngi niya.

Ginaya ko 'yong nasa commercial.

"Very good."

"Okay na po, Ma'am?"

"Ah, oo. Ikaw na po ang bahala sa kanya. Huwag mo po siyang ibibigay kahit kanino ha?"

"Oo naman po!"

"Thank you, Kuya!" Kumaway ako kay Tomi bago ko siya iwan. Kumaway rin siya pabalik sa'kin.

Nginitian ko ang mga nasa reception area bago ako sumakay sa elevator. Pamilyar na ako sa kanila dahil madalas akong inuutusan noon ni Ate Anna. Ngayon lang ulit ako nakabalik. Wala akong kasabay sa loob ng makasakay ako. Binuksan ko ang zipper ng sling bag ko at kinuha ang isang bagay na pinaka-tatago ko.

Lies & Fall Where stories live. Discover now