CHAPTER 56

1.7K 72 3
                                    

🌹🚬

MINA

Hindi ako makatingin ng diretso kay Thomas mula pa kanina hanggang sa umalis siya. Nahihiya ako dahil naabutan kami ni Tomi na ganoon ang ginagawa kagabi. Ang bata pa ng anak ko para makakita ng kissing scene! At sinabi pa niya na girlfriend niya 'ko! Aba, baka mamaya echos niya lang 'yon para makalusot sa anak niya na katulad niya rin ng ugali.

Kinuskos ko ng mariin ang sahig dahil sa frustration ko. Nasa kuwarto ko si Tomi at nanonood ng cartoons gamit ang cellphone ko. Mabuti nga at hindi na siya nag-usisa sa'kin. Matanong pa naman ang anak ko. Matapos niyang lantakan ang happy meal niya kagabi ay parang wala lang sa kanya ang nakita niya. Ang bilis din magbago ng mood. Manang-mana nga talaga siya sa ama niya!

Pagkatapos kong maglampaso ng sahig ay pabagsak akong na-upo sa sofa. Basang-basa na ng pawis at tubig ang damit ko. Tatlong oras akong naglinis dahil gusto kong malibang. Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ko ng maalala ko na ginagamit pala ito ni Tomi ngayon. Tumayo ako niligpit ang mga ginamit ko sa paglalampaso. Lumabas ako ng bahay at nagwalis-walis. Diniligan ko ang mga halaman dito sa hardin. Napa-ngiti ako ng makita kong tumubo na ang ilang bulaklak na tinanim ko noong mga nakaraang buwan. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon.

"Ang gaganda niyo naman! Magparami pa kayo ha!" Ka-usap ko sa mga bagong tubo na bulaklak.

Patapos na 'ko sa pagdidilig ng may mag-doorbell. Kumunot ang noo ko.

Bumalik ba si Thomas? Pero, hindi naman 'yon nagdo-doorbell eh.

Pinatay ko ang hose na hawak ko tsaka binitawan. Pinunasan ko ang mga kamay ko bago ako lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang nag-door bell.

"Sino 'yan?" Tanong ko ngunit walang sumagot.

"Hello? Sino yan–" Natigilan ako.

Hindi kaya...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Umatras ako habang nakatingin pa rin sa gate. May hinala ako na si Kuya Matthew ang tao sa labas o isa mga tauhan niya. Alam niya ang lugar na ito kaya hindi na ako dapat magtaka.

Bigla kong naalala ang cellphone ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob at pumasok sa kuwarto. Naabutan ko si Tomi na prenteng naka-higa sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko at tuwang-tuwa sa pinapanood niya. Kabastusan man ang gagawin ko, mabilis kong inagaw sa bata ang cellphone sabay alis ng battery. Kinuha ko ang sim card at tinapon.

"Mama, nanonood pa po ako eh!" Sabi ni Tomi habang nagpapapadyak.

"Sorry, anak." Ibinalik ko ang battery at ibinalik sa kanya ang cellphone. Naka-wifi naman ako kaya ayos lang kahit walang sim card. Mahirap na. Simulan ngayong araw na ito, pinuputol ko na ang koneksyon ko sa kapatid ko. Kailangan kong mag-doble ingat lalo na at kasama ko na ngayon ang anak ko.

Humiga ako sa tabi ni Tomi at niyakap siya habang nanonood kaming dalawa. Hindi naman siya nagreklamo dahil masyado siyang nag-eenjoy sa pinapanood niyang cartoons.

🌹🚬

MINA

"What's happening to you? Kanina ka pa hindi mapakali." Kunot noo na tanong sa'kin ni Thomas bago kami lumabas ng bahay.

Lies & Fall Onde histórias criam vida. Descubra agora