CHAPTER 11

2.1K 89 11
                                    

🌹🚬

MINA

Dilat na dilat ang mga mata ko habang nakalapat ang labi niya sakin. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Ipinikit ko ang mga mata ko para mas maramdaman ko ang malalambot niyang labi. Hindi ako marunong humalik. Pero ganito kasi ang napapanood ko sa mga k-drama eh.

Nakapikit na ako ng biglang akong itulak ni Thomas. Bigla siyang tumayo at iniwan ako rito sa sala mag-isa.

Ay, wow?  Pagkatapos niya akong halikan, iiwan niya lang ako?

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang maka-akyat sa kuwarto niya. Padabog niya pang isinara ang pinto. Bakit parang siya pa ang galit? Eh, siya nga ang unang nanghalik!

Hinawakan ko ang labi ko at ngumiti. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Sobrang lambot ng labi ni Thomas!

Tumalon-talon ako rito sa sala habang hawak ko ang magkabilang pisngi ko. Tinapik-tapik ko iyon habang kinikilig ako.

Maharot ka, Mina! Kaya ka nagkaroon ng Tomi eh!

Napatigil ako.

Nawala ang kilig na nararamdaman ko at napalitan iyon ng takot. Biglang pumasok sakin lahat ng alaala 6 na taon na ang nakakalipas.

Tinapik ko ang noo ko. Ayoko munang alalahanin iyon sa ngayon. Kapag kasi bigla kong naiisip ang katangahan ko noon, nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Pilit ko na iyong kinakalimutan sa loob ng ilang taon. Ng dumating si kuya Matthew, bigla bumalik sakin lahat. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit malaki ang galit niya sakin.

Huminga ako ng malalim at pinulot na lamang ang nagkalat na popcorn sa sahig. Pagkatapos kong maglinis ay pinatay ko na rin ang tv. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok dahil sa nangyari kanina. Gising na gising ang diwa ko.

Lumabas muna ako saglit at umupo sa may bench dito sa may garden. Malamig ang simoy ng hangin at sobrang tahimik. Iniisip ko kung paano kami maghaharap ni kuya bukas. Sana, tanggapin niya ang pera na ibibigay ko. Hindi man iyon galing kay Thomas katulad ng gusto niya, pero sana hindi niya malaman na galing iyon sakin. Nalulungkot ako dahil matagal ko iyon na inipon para kay Tomi. Sa bawat trabaho na ginagawa ko, ay para sa kanya lahat iyon. Ni minsan, hindi ako gumastos ng malaki para sa sarili ko. Alam ko naman na hindi pinapabayaan nina sister Cecilia si Tomi, pero gusto kong ako pa rin ang susuporta sa kanya. Marami na akong pagkukulang kay Tomi, at ayoko ng madagdagan pa iyon lalo.

"Mina ko? Kailan po tayo uuwi? Wala pa ba tayo bahay?"

Naalala ko ang huling sinabi sakin ni Tomi bago ko siya iwan noong birthday niya. Pigil na pigil ang iyak ko noon. Hindi niya pa naiintindihan ang lahat. Pinilit kong maging masaya sa harapan niya kahit nasasaktan ako na iiwan ko na naman siya at matagal ulit bago ko siya makasama.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan ulit iyon. Sa awa ng diyos ay wala akong natanggap pa na text mula kay kuya Matthew. Hinanap ko ang gallery at binuksan ang isang album. Napangiti ako ng mabuksan ko iyon. Wala sa sariling napangiti ako habang isa-isa kong tinitingnan ang mga larawan ni Tomi noong baby pa siya. Ang cute, cute niya! Sobrang puti ni Tomi noong baby pa siya. Mamula-mula ang pisngi at kulay brown ang buhok. Mas light nga lang noong baby pa siya. Pero ngayong nalaki na siya, nagiging dark na iyon. Sunod kong pinanood ang mga videos niya. Napatawa ako ng bahagya habang pinapanood ko ang unang beses na kumain siya ng solid food. Sobrang cute niya kahit ang kalat, kalat niya! Madaldal rin siya.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon