CHAPTER 52

2.2K 149 43
                                    

• Play the media above •

🌹🚬

MINA

"Ako na–" Inunahan ako ni Thomas sa pagbuhat kay Tomi. Ka-uuwi lang namin galing sa pamamasyal kaya nakatulog ang paslit. Sa labas na rin kami kumain ng dinner bago kami umuwi. Treat ni Thomas kaya hindi ako napagastos ng malaki. Hindi ko nga inaasahan na ili-libre niya kami eh. Tapos sa mamahalin pa.

Hindi na lang ako umangal at hinayaan siyang buhatin si Tomi hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Medyo mabigat na rin kasi si Tomi. Kahit pagod, sobra akong nag-enjoy dahil kasama namin siya. Sana... hindi ito ang huling beses.

"Mina," Napa-kurap ako ng tawagin ako ni Thomas. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng kuwarto ko.

Mabilis kong binuksan ang pinto at pina-una si Thomas sa loob. Dahan-dahan niyang ibinaba si Tomi sa kama pero nagulat ako ng bigla itong hindi bumitaw at yumakap sa leeg ni Thomas.

"Papa..." Napasinghap ako sa sinabi ni Tomi. Nakapikit ito habang nakayakap sa papa niya. Pinigilan kong bumagsak ang mga luha ko ng marinig ko 'yon.

Sinilip ko si Thomas. Halatang nagulat din siya sa sinabi ng bata. Ibinaba ko ang bag na dala ako tsaka lumapit sa kanilang dalawa.

"N–Nananaginip siguro siya..." Kinakabahan na sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya sa'kin. Maya-maya pa ay bumtaw na rin si Tomi. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay tatagal pa sila sa ganoong sitwasyon.

Kinumutan ko si Tomi at hinalikan sa pisngi. Napalitan ko na siya ng damit habang nasa sasakyan kami kanina.

Hinarap ko si Thomas.

"Thank you, Sir–"

"Stop calling me that." Alam ko kung ano ang tinutukoy niya kaya hindi ko na tinuloy.

"Sige... Thomas. Salamat sa pag-libre mo sa'min kanina ha? Babawi ako promise! Hindi muna kita kukulitin hehehe. P–Pwede mo na kaming iwan. G–Goodnight." Patalikod na sana ako ng magsalita siya.

"Let's talk." Bigla na namang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin?

Jusko. Hindi kaya... nahahalata niya?

Humarap ako sabay lunok.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Follow me." Sabay talikod niya.

Hindi ako agad nakakilos dahil parang naglo-loading pa ang utak ko. Kinakabahan kasi ako sa pag-uusapan namin. Ang seryoso na naman niya eh. Kapag ganito pa naman siya magsalita ay automatic na para akong aatakihin sa puso. Sana lang ay hindi tungkol kay Tomi ang pag-uusapan namin. Hindi pa ako handa para doon.

Mabilis akong sumunod sa kanya ng mawala siya sa paningin ko. Sa may rooftop siya pumunta kaya ganoon din ako. Sabi niya sumunod daw ako eh. At himala, bakit kaya rito niya na-isipan na mag-usap?

Natigilan ako ng may maalala ako bigla. Sa rooftop niya rin ako dinala noong nasa Charter Monarch pa kami at gusto ko siyang sabihan na mag-ingat dahil sa nalaman kong plano ni Kuya sa kanya. Pero dahil biglang tumawag si Lory noon, hindi ko na-ituloy ang sasabihin ko.

Lies & Fall Where stories live. Discover now