CHAPTER 14

1.9K 87 8
                                    

🌹🚬

MINA

Napako sa kinatatayuan niya si Thomas ng halikan ko siya bigla.

Shookt.

"O–Oh ano? Gulat ka, sir?" Tukso ko sa kanya pagkatapos ko siyang halikan.

Pero ang totoo, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nilakasan ko lang talaga ang loob ko para hindi na siya magtanong pa sakin. May pagka-makulit din kasi siya eh.

"Huy," Kinalabit ko siya.

Paano kasi, nakatitig lang siya sakin. Grabe! Gulat na gulat ba talaga siya? Nahiya naman ako sa ginawa niya sakin 'no!

Lumunok ako tsaka nagsalita.

"Ah... Una na 'ko Thomas ha? Maliligo na kasi ako pawisan na ko eh–" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong isandal sa may refrigerator.

Kinulong niya ako gamit ang dalawang braso niya sabay yuko para pumantay sakin. Napasinghap ako roon. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hahalikan niya ba 'ko?

"Ano... Bakit?" Halos pabulong na iyon. Ang lalim ng titig niya sakin. Kinikilig ako na kinakabahan. Ah, ewan! Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon!

Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sakin. Pumikit ako at hinintay ang pagdampi ng mga labi niya. Pero wala akong naramdaman. Maya-maya pa ay bumulong siya sa gilid ko.

"You're right... You need to take a bath now. Amoy araw ka na." Napadilat ako at itinulak siya.

Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako amoy araw eh! Amoy na amoy pa nga rin ang pabango na ginamit ko.

Ngumuso ako tsaka siya tiningnan. Ngising-ngisi siya sakin. Talagang trip niya ako.

"Hindi naman eh."

"Whatever." Bahagya niyang nabangga ang braso ko ng buksan niya ang ref.

"Aray," Napatingin siya bigla siya sakin.

"Tsk–" Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya.

"Hep! Alam ko na yan. Okay lang ako. Hindi naman masakit." Sabay hawak ko sa braso ko na natamaan niya. Umiling siya sakin.

"When will you buy groceries?" Tanong niya.

Oo nga pala!

"Ngayon. Maliligo lang ako pagkatapos ay aalis na rin ako para pumunta sa supermarket." Sabi ko.

"Okay. I'll go with you." Napataas ang dalawa kong kilay.

"Huh? Hindi nga? Sasama ka?"

"Kasasabi ko lang, Mina." Napakurap ako.

"Ah, oo nga. Sabi mo nga, hehehe. Sige Thomas, mag-aayos lang ako."

"Make it fast."

"Opo!" Patakbo akong pumasok sa kuwarto.

"Ano raw? Amoy araw ako?" Inamoy ko ulit ang sarili ko. Para akong aso na singhot ng singhot. "Hindi naman. Amoy baby nga ako eh." Sabi ko pa.

Lies & Fall Where stories live. Discover now