CHAPTER 41

1.7K 75 9
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Naka-yuko lamang ako habang nakatayo rito sa may likod. Hiyang-hiya ako dahil nahuli niya na naman ako. Baka dalhin niya na naman ako sa SDC! Huwag naman sana! Itinago ko ang dalawang kamay ko sa likuran. Maya-maya pa ay narinig ko ang paglapit sa'kin ni Thomas. Ganoon na lamang ang gulat ko ng hilahin niya ako papunta sa labas. Nabitawan ko ang pagkain na hawak-hawak ko. Padabog niya 'kong binitawan. Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa mga kaklase ko dahil sa pagka-pahiya.

"What did I say to you earlier, huh? Nananadya ka ba?" Umiling ako habang kagat-kagat ang aking labi.

Kung nandito lang si Diane ay nakikita ko na ang itsura niya. Ang kaso, hindi ko naman siya kaklase sa subject na 'to at wala na siya rito sa Pilipinas.

"Damn. I can't believe that you are in this class. You're like a preschooler that's a pain in the ass!" Nag-angat ako sa kanya ng tingin.

"Sorry, ulit–"

"F*ck your sorry! Do you want to get punished again?"

"Ayoko po..." Tumingin lang siya sa'kin.

"Did you listen to my discussion?" Tanong niya bigla. Nakinig naman ako sa kanya kanina pero hindi talaga ako makapag-focus. Kung sasabihin ko naman 'yon ay baka magalit siya lalo. Nag-food trip na nga ako sa loob tapos hindi pa ako nakinig.

"N–Nakinig..."

"Really?" Seryosong tanong niya sa'kin. Tumango ako.

"Well, let's see." Hinila niya ako ulit papasok sa loob ng room. Biglang natahimik ang klase ng makapasok kami. Binitawan niya ang kamay ko at lumayo sa'kin. Pinag-siklop niya ang dalawang braso at tumitig sa'kin. Napalunok ako. Hindi ko magawang tumingin sa mga kaklase ako. Anong gagawin ko?

Tiningnan ko si Thomas.

"Sir... ano pong gagawin ko rito sa unahan?" Tanong ko.

"Answer my question."

"Ano pong question?" Lumapit siya sa'kin.

"If both suspects can be induced to confess, each will spend 5 years in jail. What should each suspect do — confess or keep quiet?"

Huh? Ano raw?

"H–Ha?" Sagot ko.

Tumalim ang tingin niya sa'kin kaya napatuwid ako ng tayo habang nakatingin sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganoon? Ang gwapo niya lalo kapag nagagalit?

"MINA," Napaigtad ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga kaklase ko dahil sa pagtawag sa'kin ni Thomas.

"Sir..." Sabi ko habang pigil na pigil ang ngiti ko.

"Face the board," Sabi niya. Sinunod ko naman ang gusto niya at humarap nga ako sa whiteboard.

Lies & Fall Where stories live. Discover now