CHAPTER 27

1.9K 99 17
                                    

🌹🚬

MINA

Sobrang sakit ng ulo ko pagka-gising ko. Parang ayoko pang bumangon. Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakapatong ang kaliwang braso sa noo ko. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Napabangon ako bigla sabay hawak sa aking labi.

Hinalikan ako ni Thomas! 2 times!

"Thomas... bakit mo 'ko hinahalikan? C–Crush mo ba 'ko?"

Teka... tinanong ko siya kagabi ah? Sinagot niya ba?

Para akong baliw na patingin-tingin sa loob ng kuwarto habang pilit kong inaalala ang sagot niya. Napasinghap ako ng may mapagtanto ako. Hindi niya ako sinagot!

Mabilis akong nag-ayos tsaka lumabas ng kuwarto. Ala-sais pa lang ng umaga. Pakanta-kanta pa ako habang nandito sa kusina. Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko ang paghalik sa'kin ni Thomas kagabi. Kinagat ko ang kuko ko sa daliri habang nagpi-prito ng hotdog at itlog. Basta ko na nga lang dinampot ang mga 'to sa ref. Para akong nakalutang sa langit.

"Crush niya 'ko! Hahalikan ba niya 'ko kung hindi?" Kausap ko sa niluluto ko. 

Pagkatapos kong magluto ay umakyat ako sa kuwarto ni Thomas para gisingin siya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko sabay hinga ng malalim. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas. Pinihit ko ang doorknob kaya napatalon ako sa tuwa. Hindi naka-lock!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya sabay silip sa loob. Nakita kong wala siya sa kama niya kaya kumunot ang noo ko.

Nasaan siya?

Pumasok ako at sinara ang pinto. Binuksan ko ang kurtina dahil sobrang dilim dito sa loob ng kuwarto niya. Bampira ba 'tong si Thomas? Pagkatapos ay inayos ko ang higaan niya pati ang mga unan niya. Inamoy-amoy ko pa ang mga 'yon. Kilig na kilig ako ng maamoy ko siya. Niyakap ko ang malaking unan.

"What the hell are you doing?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Thomas.

Nakatapis lang siya ng puting tuwalya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang katawan. Lalo na ang six pack abs niya! Napalunok ako sabay talikod. Yakap-yakap ko pa rin ang unan niya.

"S–Sorry... Ano... Nariyan ka pala!" Binitawan ko ang unan niya.

"Obviously," Narinig ko ang paglakad at pagbukas niya ng cabinet. Nakatalikod pa rin ako. "What are you doing here in my room?"

"Ah, gigisingin sana kita kasi ano, handa na 'yung almusal."

"I didn't tell you to wake me up. Kaya kong gumising ng maaga. Unlike you," Napanguso ako. Sumilip ako ng kaunti para makita ang ginagawa niya. Nakatapis pa rin siya at may hawak na itim na t-shirt. Mabilis niya 'yung sinuot. Ng makita kong aalisin na niya ang tapis niya ay mabilis akong tumalikod. Narinig ko ang paghalakhak niya.

Nakakahiya ka talaga Mina! Bakit ka ba kasi nag-stay pa rito sa loob?

"I'm done."

"Huh?"

"Pwede ka ng humarap." Sinilip ko muna siya bago ako umikot paharap sa kanya.

Lies & Fall Where stories live. Discover now