CHAPTER 39

1.8K 68 5
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Bakit na-ngiti ka riyan mag-isa?" Tanong bigla ni Diane. Tapos na ang suspension ko pati na rin lahat ng exam. Hindi naman ako nahirapan dahil nakapag-review ako. Hindi ko ma-iwasan mapangiti kapag naalala ko ang nangyari noong isang linggo. Kahit hindi ako hinatid ni Thomas ay masaya pa rin ako dahil naka-usap ko siya. 'Yon nga lang, hindi ko pa siya ulit nakikita hanggang ngayon. Hindi naman niya siguro ako tinataguan ano?

Huwag naman sana!

Hinila ko ang braso ni Diane.

"Kasi naka-usap ko na si Sir Thomas." Kinikilig na sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Hindi nga?" Tumango ako at mas kumapit pa sa kanya. Pa-ikot ikot lang kami rito sa campus. Katatapos lang namin mag-lunch.

"OMG, beh! I'm so proud of you! Chika mo bilis!" Hinila niya ko pa-upo sa may bench na nadaanan namin.

"Kailan nangyari 'yan?" Tanong niya sa'kin.

"Last week. Nagka-sabay kami sa bookstore. Tapos sinundan ko siya."

"Talaga? Buti hindi ka na naman dinala sa SDC!"

"Grabe naman siya kung ganoon! Kaya ko lang naman siya sinundan para mag-thank you sa kanya. Alam mo ba, sobrang gwapo niya kapag mas malapit." Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ko dahil sa kilig.

"Sabi sa'yo eh! Oh, tapos? Ano pang napag-usapan niyo?"

"Wala naman na masyado. Nag-sorry lang ako sa kanya."

"Anong sabi?"

"Ganito," Tumayo ako at ginaya ang tindig ni Thomas pati ang pananalita niya. "Tsk. You're already forgiven. Just don't bother me again." Tumalikod ako at kunwari ay aalis. Tawang-tawa naman si Diane sa panggagaya ko.

"Bwiset ka talaga! Hahahaha! Masungit talaga siya?" Umupo ako ulit sa tabi niya.

"Oo eh. Pero okay lang. Crush ko pa rin naman siya. Strikto rin talaga siguro. Professor eh."

"Pero diba, ang sabi nung babae noon sa cr, hindi naman daw talaga professor si Sir Thomas?" Napatingin ako sa kanya.

Tama siya. Narinig ko rin 'yun. Kung totoo 'yon, ano talagang trabaho niya? Parang nakakalungkot naman isipin na hindi talaga siya professor. Bagay pa naman sa kanya. Hays. Sana hindi totoo.

"Baka naman chismis lang." Sabi ko.

"Sana nga. Malalaman din natin 'yan! Konting stalk mo pa, beh." Natawa kaming dalawa.

"Nga pala, hintayin mo 'ko mamaya ha? Huwag ka munang uuwi." Biglang sabi sa'kin ni Diane.

"Bakit?"

"May sasabihin lang ako."

"Ano?" Ngumiti lang siya sa'kin. Pero napansin ko na parang ang lungkot niya. Ni hindi nga man lang umabot sa mata niya yung ngiti niya. Na-curious tuloy ako bigla. Kanina ko pa kasi napapansin na parang pinipilit niya lang maging masaya.

Lies & Fall Where stories live. Discover now