CHAPTER 58

1.5K 82 6
                                    

🌹🚬

MINA

Katatapos lang ng announcement ni Ate Anna kaya nagsimula na kaming kumain. Inulan siya ng pagbati. Kaya pala siya blooming at parang may nagbago sa katawan niya dahil buntis na siya. Sobrang saya ko para sa kanya.

Nakatayo ako ngayon at abala sa pagkuha ng pagkain. Wala nga akong masyadong gana dahil sa nakita ko. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako pinapansin. Kumuha ako ng marshmallow at itinapat sa chocolate fountain. Huminga ako ng malalim at tulalang nakatingin sa marshmallow ko.

"Miss, lunod na ang marshmallow mo."

Napalingon ako sa kaliwa ng may magsalita na lalaki. Katulad ko ay may hawak din siyang marshmallow at naghihintay na matapos ako. Malaki naman itong chocolate fountain ah? Ngumiti lang ako at kinain ang marshmallow ko. Sinilip ko siya. Teka, saan ko ba siya nakita? Ah! Siya iyong pinsan ni Ate Anna!

Si...

"Hi, I'm Brent. And you're Mina, right?" Naka-ngiti na sabi niya sa'kin. Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan niya na 'ko. Mind reader ba siya?

"H–Hello... Ah, oo. Ako nga si Mina." Yumuko ako ng kaunti. Epekto ng kakanood ng k-drama.

"I was right. Naku-kuwento ka sa'kin ni Anna eh. By the way, are you done getting food?" Napatingin naman ako sa plato ko na may iilang putahe lang.

"Okay na siguro ito. Medyo wala rin kasi akong gana ngayon kumain." Matamlay na sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ang laman ng plato ko.

"Oh, I see." Tumango-tango ito. Hindi ko ma-iwasan na titigan siya. Ang gwapo rin nito ni Brent. Ang tangkad at ang puti. Sobrang tangos pa ng ilong. Nasa lahi nga talaga ng mga Colley ang pagiging maganda at gwapo. "Mina," Napakurap ako. Shuks! Nahuli niya ba 'ko na nakatitig sa kanya? Nakakahiya!

"Bakit?"

"Can I join your table?" Parang medyo nahihiya pa siya.

"P–Pwede naman. Wala ka bang kasama?"

"There is. Wala lang kasi akong maka-vibes doon. Anna is also busy with her guests. " Sabay tawa niya.

Nilingon ko ang table namin nina ate Ligaya. Kumakain na sila at nagku-kwentuhan.

"Don't worry, marunong akong makisama." Naka-ngiting sabi ni Brent sa'kin. Ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Sige–"

"Excuse me," Natigilan ako ng may biglang humarang sa pagitan namin ni Brent. At nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Thomas iyon. Napatingala ako sa kanya. Seryoso at madilim ang mukha niya habang may hawak na plato. Nakatayo lang siya sa gitna namin. Anong trip ng isang ito?

Sinilip ko si Brent. Masama ang tingin niya kay Thomas kaya nagtataka ko siyang tiningnan. May problema ba siya?

"If you two are just gossiping, don't here in front of the food. Both of you are not the only guest." Masungit na sabi ni Thomas.

"We are just talking. And we are aware that we are NOT the only guests here, Álvarez. Huwag kang mayabang." Nagulat ako sa sinabi ni Brent. Nilingon siya ni Thomas.

Lies & Fall Where stories live. Discover now