CHAPTER 3

2.5K 101 14
                                    

🌹🚬

MINA

Pinanood ko lang si Thomas hanggang sa matapos niyang hugasan ang kamay ko. At pagkatapos, walang sabi-sabi na iniwan niya 'ko dito sa kusina.

Na-iwan akong tulala at tiningnan ang kamay ko. Sobrang lambot ng kamay niya. Halos lagi siyang may hawak na baril at alam kong nagagamit niya iyon madalas kapag kailangan. Kaya nakakagulat na hindi magaspang ang kamay niya.

Hala! Kakain pa si Thomas!

Inihanda ko agad pagkain niya bago ako umakyat sa kuwarto niya.

Ng marating ko ang silid niya ay naabutan ko iyong nakabukas. Naabutan ko si Thomas na katatapos lang mag-bihis. Saktong pag-harap niya sakin ay napaatras ako.

"Ah... Handa na 'yong pagkain. Kain na tayo?" Sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin at sumenyas sakin na pumasok ako sa loob.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito dati eh. Noong unang beses ko siyang nakita, hindi ganito kalakas ang impact niya sakin. Sa dalawang taon na pagsisilbi ko sa kanya, mas lalo yata akong nahuhulog. Wala naman siyang ginagawa sakin pero sobra akong kinikilig kahit simpleng galaw lang niya.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng kuwarto niya. Nakita kong nakatupi ang damit na hinubad niya. Napa-ngiti ako roon. Aba dapat lang ano! Katatapos ko lang maglinis ng kuwarto niya eh.

"Mina," Nilingon ko siya.

"Bakit, Thomas?"

"Huwag mo na ulit uulitin iyong ginawa mo kanina."

"Huh? Wala naman akong ginawang masama ah? Tsaka–"

"Damn it! Why are you so stupid sometimes, huh? Hindi mo ba alam ang bagay na hawak mo kanina? Are you damn innocent?"

Bigla akong kinabahan sa huling sinabi niya.
Hindi ko iyon pinansin at umiling.

"Hindi ko naman talaga alam 'yon..."

"Well, that's a f*cking CONDOM,"

"Condom?" Tanong ko.

Umiling lang siya sakin.

"Google it." Sagot niya at nauna ng bumaba sakin.

Na-iwan na naman ako sa loob at tulalang nakatitig sa closet niya.

Pumikit ako ng mariin at sumunod na sa ibaba.

🌹🚬

"Kamusta nga pala ang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay siya ng kanin sa plato niya. Magkaharap kami ngayon.

"Fine." Inabot niya sakin ang kanin.

"Ah, mabuti naman. Kamusta sina ma'am Anna?"

"They're good." Sabay subo niya.

Napanguso ako.

Bakit ba ang tipid niyang sumagot? Minsan napapa-isip ako kung paano siya natagalan ni Sir Nick. Eh, sobrang ingay kasi ni Sir. Kung ano-ano ang sinasabi kapag mainit ang ulo niya. Pero itong si Thomas, laging kalmado lang sa tabi niya at nakikinig. Isang beses ko lang yata nakita si Thomas na maraming sinabi. At iyon ay noong sinampal ako ni Sir Nick at tinulungan niya 'ko. Iyon din ang unang beses na nakita kong sinuntok niya ang kaibigan niya. Doon ako lalong humanga sa kanya. Hindi man niya ako pinapansin madalas, alam kong mabuti siyang tao.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon