CHAPTER 12

1.9K 83 11
                                    

🌹🚬

MINA

Tahimik lang ako habang nakasunod kay Everett. Sa bawat pasilyo na dinadaanan namin ay tinatandaan ko. Mahirap na. Baka mamaya eh may gawin silang hindi maganda sakin kapag nalaman ni kuya na sakin talaga galing ang pera at hindi kay Thomas.

Napalunok ako sa naiisip ko.

"We're here," Tumigil kami ni Everett sa harap ng pulang pintuan. Tumingin lang ako sa kanya.

"Don't stare. Pumasok ka na sa loob." Paalis na sana siya ng hilahin ko ang dulo ng t-shirt niya. Hindi ko alam kung matatawa o maiinsulto ako sa reaksyon niya. Iyong tingin niya kasi sakin eh, para siyang allergic. Parang si kuya rin pala siya. Pa-iba iba ng ugali. Siguro, may tama rin siya utak. Kanina ang manyak ng tingin niya sakin tapos ngayon para akong may nakakahawang sakit.

"What?" Kunot noo na tanong niya sakin.

"H–Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?" Tanong ko.

"Hoy," Hinila niya ang t-shirt mula sa pagkakahila ko. "I'm not your bodyguard."

Ngumuso ako.

"S–Si kuya lang ba ang tao sa loob? Wala naman ng iba hindi ba?"

"Why? Are you scared?" Mabilis akong tumango.

Hindi na ako tatanggi, ano! Nakakatakot naman talaga eh!

"Don't be. Hindi ka naman nila sasaktan. They just look scary, pero hindi ka nila papansinin," Tumingin ulit siya sakin tapos sa katawan ko. "You're not their type." Napayakap ulit ako sa bag ko sabay atras.

"Give me that bag." Tiningnan ko muna siya bago ako lumapit at i-abot sa kanya ang bag. Pagkakuha niya, binuksan niya ang pinto sabay hila sakin papasok sa loob. Nanlaki ang mata ko dahil sa kaba.

Napayuko ako at ipinikit ang mga mata ko pagkapasok namin sa loob. Tahimik at wala akong narinig na kahit ano. Amoy na amoy ko ang usok ng sigarilyo. Pero, mabango iyon.

"Mina." Boses iyon ni kuya.

"Hey," Siniko ako ni Everett kaya mabilis akong nag-angat ng tingin.

Sumalubong sakin si kuya at ang dalawa pa niyang kasama. Naka-tayo si kuya habang ang dalawa naman niyang kasama ay naka-upo. Nakatingin sila sakin. Napatingin ako roon sa dalawang lalaki. Ang isa ay puting-puti ang buhok. Marami siyang hikaw sa tenga. Itim na itim ang mata niya tapos sobrang puti rin niya. Mukha siyang bampira na gangster. May hikaw rin siya sa dila at pinaglalaruan niya iyon habang nakatingin sa gawi ko. Napaatras ako ng kaunti ng ngumisi siya sakin. Napatingin naman ako roon sa isa. Hindi na siya nakatingin sakin dahil sa hawak-hawak niyang itim na folder. Pinagmasdan ko siya. Sakto lang ang kulay niya. Itim ang buhok at clean cut. Matangos ang ilong at medyo pasingkit ang mata. Sa tingin ko ay may ugali rin ang isang 'to. Halata eh.

Ibinalik ko ang tingin kay kuya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin.

"Where's the money?" Si Everett naman ang siniko ko.

"What?" Inis na tanong niya sakin.

Nilingon ko siya.

Lies & Fall Where stories live. Discover now