CHAPTER 33

1.9K 93 11
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Naku, nawala! Sabi ko sa'yo Mina eh! Bigla-bigla talaga siya nawawala! Ang bilis niya!" Sabi ni Diane. Hingal na hingal kaming dalawa. Lakad takbo ang ginawa namin para maabutan ang lalaking 'yon. Ayoko na sana sumama sa kanya dahil nabi-bwisit ako. Tsaka, aanhin mo naman ang guwapo kung ganoon naman ang ugali! Unang kita ko pa lang sa likod niya ay alam ko ng may something sa kanya. Sinilip ko ang wristwatch ko. 30 minutes na lang at tapos na ang vacant time namin. Sunod ko ng exam ay sa major subject ko kaya maghihiwalay na rin kami. Hindi pa ako nakakakain!

"Diane, hayaan na natin 'yon. Nagugutom na ako." Sabi ko. Tumingin siya sa'kin.

"Sige na nga."

Pagkapasok namin sa loob ng canteen ay walang masyadong tao. Iilan lang ang kumakain. Marahil ay nasa labas ang ibang estudyante para doon kumain ng lunch. Nakakasawa naman kasi minsan talaga ang pagkain sa canteen eh. Kung mahaba pa ang oras namin ay baka sa labas na lang din kami kakain. Mas mura pa. Hindi naman sa nagtitipid ako, pero susulitin ko na lang baon ko sa pagkain na mabubusog ako.

"Anong sa'yo?" Tanong sa'kin ni Diane pagkapila namin habang dala-dala ang silver tray na halos para ng salamin.

"Ito na lang," Turo ko sa Caldereta. Natakam ako ng maamoy ko 'yon. "Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"'Yan na lang din. Treat na kita ng dessert." Sabay kindat niya sa'kin. Napangiti ako. Akala ko nga ay ako ang manlilibre sa kanya dahil balak niya ireto sa'kin ang professor na 'yon. Malabong mangyari ang gusto niya. Eh, hindi nga man lang kami pinansin. Tsaka, bakit naman kami nun kaka-usapin? Buang din 'tong si Diane eh.

Pagkatapos namin ay naghanap kami ng bakanteng upuan. Dito kami umupo sa may pinakadulo para makapag-ingay kami. Minsan na kasi kaming nasabihan dahil sa lakas tumawa ni Diane. Siya talaga ang pinaka-maingay sa'ming dalawa.

"Saan ka pagkatapos ng exam mo? Uwian mo na diba?" Tanong niya pagka-upo namin. Magkaharap kami.

"Uuwi na. Alam mo naman ang kuya ko, diba? Gusto nun umuwi ako agad."

"Ano ba yan. Seryoso ka ba? Ayaw mo ba sumama sa'kin?"

"Bakit? Saan ang punta mo?"

"Sa mall. Mag-iikot lang. Bibili na rin ng kung ano-ano kapag may nagustuhan." Sumubo na ako ng pagkain ko.

"Sa susunod na lang ako sasama. Enjoy ka roon."

"Mina naman eh! Sumama ka na kasi!" Hinawakan niya ang kamay ko. "Libre kita ulit." Sabay ngisi niya. Kapag ganito ang mukha niya ay napapapayag niya ako minsan. At sa huli, kapag sumama ako, ubos na naman ang pera ko. Baka sakalin na ako ng kuya ko dahil mabilis nauubos ang allowance na binibigay niya. Ayoko namang abusuhin ang kapatid ko kahit na malaki siya magbigay. Noong isang linggo kasi ay sunod-sunod ang alis naming dalawa. Ginabi pa ako ng uwi noong nakaraan kaya nasabihan ako ni kuya.

"Hindi talaga pwede, Diane. Next time na lang. Babawi ako, promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Wala siyang nagawa at tumango na lang. Natawa ako.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon