CHAPTER 49

2.2K 108 35
                                    

🌹🚬

MINA

PRESENT

"Mama, bakit ang tahimik po ni Monster–hmp!" Bigla kong tinakpan ko ang bibig ang Tomi. Narito kami sa kusina at nagluluto ng para sa tanghalian. Walang pasok ngayon si Thomas pero sobrang busy niya. Halos limang oras na nga siyang nasa sala at kaharap ang laptop niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ilang linggo na ang nakakalipas, naging mas tahimik siya lalo. Bihira na rin niya ako kausapin. Hindi ko alam kung bakit.

"Damn it! I wished... I was the one who got you pregnant."

Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon. Pagkatapos niya 'yong sabihin sa'kin ay bigla na lang siyang nawalan ng malay dahil sa kalasingan. Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw dahil sa sinabi niya. Wala akong ibang nagawa ng gabing 'yon kung hindi ang umiyak ng palihim sa kuwarto namin ni Tomi. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Hindi ko minsan ma-isip na sa daldal kong ito, na-itago ko si Tomi ng ilang taon. At ang mas nakakabaliw pa, magkakasama na kami ngayon sa iisang bahay. Para kaming happy family–

"Mama! Iyong niluluto mo po sunog na!" Napatalon ako ng biglang sumigaw si Tomi. Nakatayo siya sa may silya habang tinatanaw ang niluluto ko.

"Naku!" Dali-dali kong binaligtad ang Tilapia.

"What's that smell?" Napalingon kami pareho ni Tomi ng pumasok si Thomas. Kunot na kunot na naman ang kanyang noo ng lumapit siya sa'min. Nangamoy sunog dito sa may kusina niya.

"Anak, baba ka." Tumalon pababa si Tomi sabay tago sa likod ko. Takot siya kay Thomas kapag kaharap niya ito. Kapag nakatalikod naman, ang daming sinasabi.

Sinilip ni Thomas ang sunog na Tilapia sabay tingin sa'kin.

"Hindi ako kumakain ng sunog."

"Ah, oo na! Sorry. Di bale, kami na lang ni Tomi ang kakain nito. Ipagluluto na lang kita ng bago. Wait lang," Inilipat ko ang sunog na Tilapia at nagsalang ulit ng panibago.

Nakahawak pa rin si Tomi sa dulo ng t-shirt ko.

"Tomi wait lang, hindi ako makakilos." Sabi ko habang busy ako sa ginagawa. Pero ang paslit, hindi bumitaw sa'kin. Napabuntong-hinga na lang ako at nagpatuloy.

Tiningnan lang kami ni Thomas bago siya ulit bumalik sa sala.

Ganoon lagi ang ginagawa niya sa'min, tititigan niya lang kami tapos ay wala ng ibang sasabihin. Na-iilang na nga ako sa tuwing tinitingnan niya kaming mag-ina.

Sinilip ko ulit ang anak ko. Nakatingala siya sa'kin at parang nagtatanong.

🌹🚬

"Tomi, halika." Tawag ko dito habang abala ito sa paglalagay ng kutsara at tinidor sa plato. Nakakatuwa dahil sa edad niyang lima, may alam na siya sa mga simpleng gawain. Talagang tinupad ni Sister Cecilia ang pangako niya na pagpapalaki ng maayos kay Tomi. Kahit may pagka-pilyo siya, marunog namang siyang sumunod.

"Bakit po mama?"

"Ah... pwede bang ikaw na ang tumawag kay Sir? Sabihin mo kakain na–"

Lies & Fall Where stories live. Discover now