059 - Eliazar's POV

412 84 2
                                    

I'm just a nobody guy. Sariwa pa din sa aking alaala ang tagpo kung paano ako kinuha ng mga taga PAL. Nakapasok ako sa mundo ng The Four. Marami akong bagong nakilala. Marami akong nalaman. Marami akong natutunan. Hanggang sa napunta ako sa grupo nila Lavinia at nagawa naming manalo. Isa na ako sa The Four, posisyong pinapangarap ng lahat na siya ding naging dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang. Ngayon, nasa isang misyon kami na walang kasiguraduhan kung mapapagtagumpayan namin. Hindi ko alam kung worth it ba ang lahat ng ginagawa ko.

Napakasok na ako sa loob ng madilim at maalikabok na mansion. Nang mapag-isa ay nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Nawala ang mga mahal ko sa buhay sa isang iglap dahil sa pakikielam namin sa plano ng reyna. Ngunit kung hindi naman namin iyon gagawin ay mas maraming buhay ang maaring mawala. Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga ang dapat kong isipin. Gulong-gulo pa rin ang isipan ko sa mga naganap. Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-isa na lamang ako. Haaaaaayyyy.

Sandali akong tumigil sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Nagpakawala ako ng malalim na hininga. No, Eliazar. Hindi ka dapat mapanghinaan ng loob. Ito lang ang tanging paraan para makamit mo ang hustisya. Sandali akong pumikit. Tama. Hindi ko dapat naiisip ang mga ganitong bagay. Muli akong humakbang at nagpatuloy sa paglalakad. Laban lang.

Tapos na kami sa Eternal Garden. Ganoon din sa Qatara Dessert. Nasa pangatlong stage na kami. Two to go. We can make it. Iginala ko ang paningin sa paligid. Madilim pero may naaaninag naman ako kahit papaano. Nasaan na kaya ang mga kasama ko? Wala akong nadidinig na kahit ano. Sana'y ligtas sila.

Tumigil ako sa isang banda ng makakita doon ng isang malaking salamin. Pinahid ko ang alikabok na malamang ay nanirahan na doon ng matagal na panahon. Naestatwa ako ng ilang sandali sa kinatatayuan ng mapagmasdan sarili. Halos ibang-iba na pala ako kumpara noon. Tunay na malaki na nga ang ipinagbago ko. Syempre, mas lalo akong gumwapo. Napangiti ako dahil sa sariling kayabangan. Ako na talaga. Yeah, I'm the man. Medyo makapal na din pala ang bigote ko. Ilang araw na din kasi akong hindi nakakapag-shave. Medyo mahaba na din ang buhok ko pero mas nakadagdag iyon sa appeal ko. Oo. Maniwala kayo. Ako ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa. Pero teka, may balat nga ba talaga ang lupa? Ay, ewan. Nabaliw na naman ako. Ito ang napapala ko dahil sa pagdikit-dikit ko sa babaeng baliw. Speaking of the devil,  nasaan na kaya siya? Pero hindi ko naman siguro siya dapat alalahanin. Alam kong kaya niya ang sarili niya.

Tatapatin ko na kayo. Hindi ko talaga inaasahan na isa sa mananalo si Lily. Ganoon din siguro ang iniisip ng ilan. Aasa ka pa ba kung makikita mo ang mga kabaliwang pinaggagagawa nito from beginning to the end? Pero sabi nga ng ilan expext the unexpected. She won. Nadaig pa niya ang ilan sa mga may mas malakas na kapangyarihan kaysa sa kanya. It's not about power. It's all about strategies. Doon nag-uumapaw ang babae. Napailing na lang ako ng biglang sumagi sa isipan ko ang tagpo kung paano kami nagkakilala...

Day 3 dito sa Head Quarters. Napagpasyahan kong maglibot-libot muna. 6am pa lang ng umaga. Trip kong mag jogging. Kailangan kong i-maintain yung abs ko. Meron ba? Baka absent? Sana makakita ako ng magandang dilag. Isang binibining marikit. Sus. May 'ganon pa ba? Sayang naman kasi kung walang makikinabang sa kagwapuhan ko. Sayang na sayang.

“Tilapya! ... Bangus! ... Galunggong! ... Isda!!! ”

Napakunot ang noo ko ng madinig ang sigaw na iyon. Ano daw? Hindi na ako nakapag-isip ng kung ano ng makita ang isang babaeng papalapit sa direksyon ko habang may dalang batya na aluminum. Nakapatong iyon sa kanyang ulo habang nakaalalay naman doon ang kanyang isang kamay. May belt bag na nakapa-ikot sa beywang nito. Oh,  sandali. Parang pamilyar sa akin ang isang 'yan. Nakumpirma ko ang hinala ng makita ng mas malapit ang kanyang pagmumukha. Tama. Siya nga. Siya yung babaeng maingay noong night of abduction. Siya din yung nagreklamo kung bakit tubig lang daw ang ibinigay sa amin noong Day 1 pagkatapos tumakbo ng pagkahaba-haba. Siya din yung gumawa ng eksena sa cafeteria kaya pati kami ay nadamay. Pagkakaalam ko ay pinag-community service siya. Aba, dapat lang. Tarantada 'yan, eh. Maganda sana pero mukhang balasubas at baluga. Nagsasabi ako ng totoo. Isa siyang malaking papansin. Lily Cruz ang pangalan niya. Paano ko ba hindi maalala halos ipaglandakan na niya iyon? Dalawang araw pa lang kami dito pero kilala na siya ng lahat. Sikat na sikat na ang gaga. Hindi ko alam kung ginagawa ba talaga nito iyon dahil trip nito o gusto lang talaga niyang mas makikilala o paraan niya lamang iyon. Hindi ko sigurado. Basta isa siyang baliw. Period. Isang siyang babaeng walang kahihiyang itinatago sa katawan. Ngayon, ano na namang trip nito?

Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi naman kami close at wala akong balak makipagkilala dito pero siya na talaga mismo ang nagkusang humarang sa daraanan ko.

“Yes?” Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Hindi ko naiwasang magtakip ng ilong gamit ang panyong hawak sa isang kamay dahil medyo malansa ang dala nito. Hindi pala medyo kundi malansa talaga. Hello? Isda kaya 'yun.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. “Makatakip naman 'to akala mo kung sinong mabango eh amoy oyster naman. Lasang oyster na oyste sarsaya.”

“Ano bang kailangan mo sa akin?” Tanong ko sa kanya.

Ibinaba niya ang kanyang batya sa damuhan.  “Bili ka naman.”

Hindi makapaniwalang tinignan ko ulit siya. “Seryoso ka? Nagtitinda ka talaga dito? Isda pa talaga?” Mukha naman itong mayaman. Makinis pa nga ang kutis at wala ni isa man na peklat o sugat. Maputi din siya. Anong trip ng babaeng ito?

“Suma-sideline lang ako. Huwag kang ano. Baka mamaya isa ka din sa mga makikinabang nito.”

“Talaga lang, ha?”

“Bibili ka ba o ano?”

Seryoso talaga ito? Luminga-linga ako sa paligid. Maaga pa kaya iilan lang ang mga naririto at hindi pa siya masyadong nakakakaagaw ng pansin. Pero may ilan ng palinga-linga sa kanya. Marahil ay nag-iisip na ang mga ito kung ano na naman ang pakulo ng babae. Matagal ako bago sumagot. Gipit na kaya talaga ito? Haaaayyyy. Kawawa naman. Sige na. Kahit sa ganitong paraan na lamang ay makatulong ako sa kapwa. Dinukot ko ang lumang wallet at mula doon ay kinuha ang isang libong pera ko. Iyon lang ang laman ng pitaka ko. Ito lang ang perang baon ko noong kinuha ako ng mga kalalakihan. Mukhang hindi ko naman ito magagamit dahil provided naman lahat dito.“Oh, eto.” Inabot ko sa kanya ng pera.

Mabilis nitong kinuha iyon. “Ano ba bibilhin mo, ha? Marami akong klase ng isda dito. Nagmahal na ang kilo ngayon, ha. 750 na ang bangus. Oh,  ano? Ako na din maghihinain. Lilinisin ko na para iluluto mo na lang.” Nagulat ako ng naglabas ito ng malaking sangkalang kahoy sa bulsa at malaking itak din na kumikinang pa dahil sa talim niyon.

“Paano nagkasya 'yan sa bulsa mo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Itanong mo kay Angel Locsin.”

“Angel Locsin? Sino 'yun?”

“Ang unang aswang, bobo.”

Naningkit ang mga mata ko ng mabasa ang nasa isip nito. Aba, matindi din ang isang 'to, ah. Walang utang na loob.

“Gwapo nga ang itim naman. Na-over cooked si vakla.”

Aba, magaling. Ang likot ng isip ng babae na ito.

“Hey, hindi ako bakla.”

“Huh?” Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Bumuntong-hininga ako. “Anyway, hindi na ako kukuha ng isda.” Baka dito pa ito magkalat ng bituka at kaliskis niyon. Ako pa ang masisi. “Sa'yo na 'yang isang libo. Mukhang malaki ang pangangailangan mo.”

“Ay, talaga ba? Thank you.”

Marunong din naman pala itong magpasalamat. Iiwan ko na sana ito pero bigla na naman niya akong hinarang sa daraaanan ko at may dala pa talaga siyang isang malaking isda sa kanyang kaliwang kamay. Bangus 'ata 'yun.

“Ano na naman? I told you hindi ko kailangan ng isda.”

“Gaga. Hindi ka din kailangan ng isda.”

Pasmado din ang bunganga nito.

“Then, what?”

“May banat lang ako.”

Napapikit ako. Mauubusan ako ng pasensiya sa isang ito. Pagbigyan na nga ng matapos na. “Oh, ano 'yun?” Walang kagana-ganang tanong ko dito.

“Isda ka ba?” Tanong nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Tinignan ko siya ng masama. Ayusin niya lang at talagang makakatikim siya sa akin. “Bakit?”

“Kasi I will love you until the end.”

Mas lalong napakunot ang noo ko. “Nasaan ang isda 'don?”

“Bobo, edi nasa kamay ko.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now