063 - Switching

121 17 0
                                    

“Alisin ninyo 'to!” Sigaw ni Lily habang nagtatalon.  Tuluyan na siyang nilamon ng apoy. Lahat ng dikitan niya ang nasusunog. Hindi siya mapakali. Baka magka-bushfire pa dahil dito.

“Lavinia, can you do something about that?” Tanong ni Marina.

“Bilisian ninyong mag-isip!” Dagdag ng baliw na akala mo kung sino makapag-utos. “Ayokong matosta ng buhay! Enough na sa chismisan!”

Tinignan ko ang mga ito bago tumayo ng ayos. “Susubukan ko.” Iyon nga ang ginawa ngunti laking pagtataka ng hindi ko makontrol ang elemento ng apoy. Ni hindi ko din magawang makapagpalabas ng enerhiya. Ano na namang ang kalokohan na ito?

“Mukhang hindi ka sinusunod ng kapangyarihan mo.” Sabi ni Nate.

“May nangyayari sa atin.” Sabi ko mga kasama. Kakaiba na ito.

“Oh, shiiiiiiiit!” Bigla namang sigaw ni Eli.

Napatingin kaming apat dito. Naglalaho. Lilitaw. Naglalaho. Lilitaw. Iyon ang paulit-ulit na nangyayari sa kanya.

“May hindi tama sa pangyayaring ito.” Sabi ni Marina. Nilapitan niya si Eliazar. Hahawakan sana niya ito para hindi na maglaho ng bigla na lamang sunod-sunod na boltahe ng kuryente ang kumawala sa dalawang kamay nito. Kumalat ang malalakas na pwersa sa paligid dahilan para maputol ang mga dambuhalang punong nakapalibot sa amin.

Mas lalo pang lumala ang mga nangyayari. Nakita kong tumakbo si King palapit kay Lily upang marahil itabi ito dahil mababagsakan siya ng malaking puno pero bawat hakbang sa pagtakbong ginagawa ng kasama ko ay lindol ang nagagawa niyon. Yumayanig ang lupa. Shit. May palagay na ako kung anong nangyayari. Hindi ito tungkol sa pagkakaroon namin ng karagdagang kapangyarihan.

“Laviniaaaaaaaaaaa!!!!! ”

Napatingin ang lahat sa sigaw na iyon ni Nate. May malaking puno pa lang pabagsak sa direksiyon ko. Pero hindi iyon ang mas nakakagulat kundi ang enerhiyang ramdam na ramdam ko nagmula sa kanya ng malakas siyang sumigaw. Talsik kaming lahat sa iba't-ibang direksyon. Iyon ang nangyari bago ako nawalan ng ulirat.

*****

Nagising ako dahil sa mga yabag na pakiramdam ko'y kanina pa pabalik-balik sa aking ulunan. Nagmulat ako ng aking mga mata. Kadiliman pero may naaaninag akong liwanag na mula sa isang apoy.

Apoy?

Napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko ang aking mga kasama. Si Nate ang naramdaman kong palakad-lakad. Tumigil ito ng makita ako. Ang tatlo naman ay nakaupo lamang sa isang tabi na magkakalayo. Si Lily ay naglalandi ng apoy sa sinindihang mga kahoy. Parang may niluluto pa siya doon. Amoy inihaw na palaka. Buti naman at natigil na ang delubyong nangyari kanina.

Tinignan ko ang mga ito. “Alam ko na ang nangyayari.”

“May palagay akong 'yan ding nasa isip mo ang sasabihin ko.” Sabi ni Eli.

Tumayo ako. Ginabi na kami dito. Ganoong katagal akong nawalam ng malay? Dala na siguro ng kung ano-anong  nangyari ngayon. Umupo ako sa isang malaking punong natumba. Tumingin ako sa kalangitan. Walang mga bituin. Mukhang nagbabadya ang ulan. “Nagkapalit-palit ang ating mga kapangyarihan.” Panimula ko. “Ang akin ay napunta kay Lily.”

“Yeah, right.” Tumayo ito. “Pero peste hindi ko naman makontrol. Akala ko kanina masusunog na talaga ang beauty ko, eh. Doon ko lang naramdamang hindi pala ako nasusunog.”

“Sadyang OA ka lang.” Sabi dito ni King. “Pinakaba mo pa kami.”

“Ay, talaga ba? Concern kayo sa akin?”

“Hindi.” Imbes ay sagot ko. “At hindi din ganoon kadali kontrolin ang elemento ng apoy. Huwag mo ng subukan dahil baka mapahamak kami o mas malala kami pa ang ipahamak mo. Kaya huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi dapat. Alalahanin mo hindi mo abilidad 'yang hawak mo at anytime pwedeng may masaktan ka isa sa amin kapag ginawa mong biro ang pangyayaring ito. Huwag na huwag. Sinasabi ko sayo. Malilintikan ka talaga.”

“Oo na.” Labas sa ilong na sagot nito.

“Umayos ka, ha.” Ulit ko sa kanya. “Ang kay Nate naman ay napunta kay King. Ang lindol at pagyanig ng lupa kanina. Siya ang may gawa niyon habang tumatakbo.”

“Baka naman kinikilig lang yung earth.” Dagdag ni Lily. Hindi talaga pwedeng hindi eeksena ang isang 'to, eh. Talaga nga naman.

“Ang kay Eliazar naman ay napunta sa akin.” Binalingan ko si King. “Iyon ang dahilan kung bakit una pa lang pagdating natin sa lugar na ito ay nabasa ko na agad ang nasa isip mo.” Binalingan ko ulit ang baliw. “Kaya huwag mong susubukang mag-isip ng masama dahil kaya kong basahin kahit 'yang kasulok-sulukan ng isip mo.”

“Talaga ba?” Hamon nito na mukhang hindi naniniwala. “Sakit nga ng ulo mo kanina, eh. Charotera ka ng taon. Huwag ako.”

“Ang kay Lily naman ay napunta kay Nate.”

“This is crazy.” React nito na halatang labag na labag sa kalooban ang mga nangyayari.

“Wala kang choice, vakla.” Sabi ni Lily dito. “Alagaan mo 'yan, ha? Iniinuman ko pa 'yan ng calamansing may formalin tuwing gabi.”

“Formalin talaga?” Sabi ni Marina.

“Edi gosalina kung gusto mo tutal mukha ka namang tambutso ng kotse.”

“Pasmado talaga ang bibig mo.” Singit ni Eli.

“Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Ngayong gabi lang 'to. Mark my words.” Imbes ay sabi ni Nate. Halatang hindi niya kayang sumigaw ng tulad ng ginagawa ni Lily kapag nagkagipitan. “Mas gugustuhin ko pang makipaglaban ng ngipin sa ngipin kaysa gamitin ang nakakabwiset mong kapangyarihan.”

“Ay,  bet ko 'yan. Ngipin sa ngipin. Pwede ba dila sa dila? Sampolan nga natin, Lavinia.”

“Natibo ka na ba talaga kay Lavinia?” Nakakalokong tanong ni Eli.

“Stop na, please.” Sabi ni Lily bigla. Aba, himala. Ito na ang nanaway ngayon. “Please, stop it. What's important is that this season may we never forget the love we have for Jesus. Let him be the one to guide us. As another New Year starts. And may the spirit of Christmas be always in our hearts.”

Ano daw? Wala talagang himala. Tinignan ko ng masama ang dalawa. Makakuha lang ako ng tiyempo ay pag-uuntugin ko ang bungo ng mga ito. Talagang mang aasar pa, eh. Ibang kalse talaga ang mga ito.

“Ang kay King naman ay napunta kay Marina at ang kay Marina ay napunta kay Eli. Marahil kapag nakalababas tayo sa lugar na ito at narating ang panghuling istasyon ay babalik na sa atin ang ating mga totoong kapangyarihan. But for now, mas mabuti sigurong dito na muna tayo magpalipas ng gabi.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now