067 - ELI Pt. 2

142 19 0
                                    

Mga kaluskos. Agad akong naging alerto. May iba pang naririto. Saglit akong sumilip para magmanman.

.

.

.
.

.
.

.
Si Lavinia? Siya nga! Kahit nakatalikod sa akin ay kilalang-kilala ko ang bulto niya. Nasa bukana ito ng hagdan. Wait. Anong ginagawa niya diyan? Akala ko tulog na ito sa loob ng kanyang silid? Bakit gising pa siya sa ganitong oras? Sari-sari na ang pumapasok sa isipan ko. Sandali. Nakita din ba niya ang ginawa ni Nate? Kanina pa kaya siya diyan? Nakita niya ako? Wala namang masama. Wala naman akong itinatago, eh. Pero hindi ako sigurado. Kung nakita niya ako ay baka malamang na nilapitan o kinausap man lang niya ako. Lalapitan ko na sana siya ng sa hindi ko inaasahan ay ibinaba niya ang dalang bag sa sahig at dahan-dahan itong naglakad patungo sa opisina ni Head Master. Pupuntahan niya si Nathan! Balot na balot ang  isang 'yon kaya alam kong hindi siya nakilala ni Lavinia.

Nakatulala pa din ako habang pinapanood si Lavinia na tuluyang makapasok sa loob. Nanatili akong nakatayo dito. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Susundan ko ba ang dalawa? Baka kung anong mangyari sa mga ito.

Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay nakarinig na ako ng malalakas na tunog. Tunog ng mga nagtutunggali. Hagis dito, hagis doon. Shit. Panigurado akong silang dalawa 'yun. Naglakad ako hanggang sa elevator. Ano na ang nangyayari sa loob? Hindi ako mapakali ng walang ginagawa. Nakapag-desisyon na ako. Pupuntahan ko na sila. Magka-alaman na.

Ihahakbang ko pa lamang sana ulit ang aking mga paa ng isang umaalingawngaw na tunog ang pumuno naman sa buong paligid. Sa buong The Pal. Ganoon kalakas. Mas malakas pa sa talak ni Lily. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize kung para saan ang tunog na iyon. Fvck. Napasok kami ng mga kalaban! Kasunod niyon ang tunog na isang nabasag na salamin. Or binasag? Ano na ang nangyayari sa loob? Ano na ding nangyayari sa labas?

Nagbilang ako hanggang sampu. Eksaktong  labas ni Lavinia sa silid ni Head Master. Itatanong ko sana kung nasaan si Nathan ng hindi ko siya makitang nakasunod dito pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagtama ang aming mga mata. Naka panjama at puting t-shirt lang ako. Pangtulog, obvious ba?

“Ano ang tunog na iyon?” Tanong agad niya sa akin.

Mukhang nagising ito sa ingay. Si Lily kaya? Hayyy. Ano pa bang aasahan sa babaeng 'yun?

Lihim akong napangiti ng saglit na mabasa ang nasa isipan nito. Inakala niyang nagising ako dahil sa ingay hindi dahil sa kung anong nangyari sa kanila ni Nathan sa loob ng silid ni Head Master.

Tatanungin ko sana siya sa kung anong nangyari sa loob pero ewan ko ba kung bakit parang may bagay na pumipigil sa akin para mag-usisa. “Mukhang napasok tayo.” Sa halip ay sagot ko sa kanya.

Napasok? Baka may kinalaman din iyon sa lalaking nasa kwarto ni Charlie.

Napangiti ulit ako. Nabasa ko ulit ang nasa isip niya. Minsan lang itong mangyari, ah.

Nagsabay na kami sa pagbaba at hindi ko inaasahan ang makikita ko sa lobby.

.

.

.

.
.

.
Si Nathan! Naka-hubad at isang maikling short lamang ang suot nito. Nakayapak din siya. Nasaan na ang all black OOTD nito? Nagmukha tuloy siyang kagigising lang.

“Anong nangyayari?” Tanong pa ni Lavinia paglapit namin sa kanya.

Iyon din ang nais kong itanong. Pero hindi sa tunog ng alarm dahil alam ko kung para saan iyon kundi sa kung ano ang ginagawa nito. Tama ang hinala ko. Hindi nga siya nakilala ni Lavinia. Hindi na muna ako magsasalita at kung ano man ang mga nakita at nasaksihan ko. Huwag lang sanang totoo ang mga naiisip ko. Itinuring ko na din siyang kaibigan kahit paano.

Umiling si Nate. “Hindi ko din alam. Pero nakakatiyak akong sila ang may kagagawan nito.”

Tinignan ko ang itinuturo niya sa labas. Mga halimaw na nakapalibot sa buong Head Quarters. Mapapalaban na naman kami...

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng isang matigas na bagay ang tumama sa aking mukha.

“Putek.” Nasabi ko na lamang ng makita ang isang mansanas sa tabi ko.

“Sorry, bro.”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Nate.

“Akala ko masasalo mo.”

Tinanguan ko ito. “Ayos lang.” Dinampot ko ang prutas.

Hindi ko na namalayan ang pagdating niya.  Para kasing binabalik ako ng kasalukuyan sa nakaraan. Parang agos ng tubig na muli ko na namang naalala ang mga kaganapan ng gabing iyon...


“Naka-ilan na kayo?” Tanong ko sa kanila habang nakikipagbuno kaming lahat sa mga halimaw na bumisita dito sa The Pal.

“Sampu.” Sagot ni Lavinia.

“Pito.” -Nathan.

“Naka 27 na ako.” Sabi naman ni Lily.

Nakadami na nga ang baliw na 'yan. Sigaw ng sigaw, eh. Lumabas na 'ata ang mga tutuli ko sa tainga. Nakakabingi talaga siya. Pero wala naman akong magagawa. 'Yan ang kapangyarihan niya, eh. Nasosobrahan nga lang sa paggamit. Inaaraw-araw na kasi. Makikita mo't magkaka sore throat na 'yan. Panigurado.

“9 na ako.” Sagot ko naman sa kanila.

Nakatayo lamang ako malapit sa likod ni Lavinia. Isip lamang ang ginagamit ko sa pakikipaglaban.

Napatingin ako sa veranda ng opisina ni Head Master. Basag ang ang glass wall na naroroon. Doon marahil dumaan si Nathan kaya natakasan niya si Lavinia. Sigurado akong tumalon siya sa ibaba. Sandali lang, ha. Papaganahin ko muna ang matalino kong utak. Kung sa unahan siya tatakbo ay makikita siya ni Lavinia habang nakadungaw ito sa veranda. Ekis na agad 'yun. Kung sa kaliwa naman ay hindi din pwede dahil malapit lang doon ang isang security outpost. Negative siya doon. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sa kanan siya maaring tumakbo at nagtago. Doon ay may daan patungo sa tagiliran at likod ng Presidential Building. Mapuno doon at madilim kaya walang nangangahas na pumasok. Wala ding tumatambay doon dahil wala namang park o magandang makikita sa lugar. Pero nakapasok na ako doon ilang beses na habang inaayos at pina-plano kung paano pa mas mapapalakas ang seguridad ng buong HQ.

Alam ko din na may extra door doon para mabilis na makapunta sa lobby. Iyon ang dahilan kung bakit bago pa lang kami pababa ay nandoon na agad si Nathan at hinihintay kami. Wow. Naisip ko 'yun? Ang galing ko, ah. I'm not the president of Athens Department of Safety and Security for nothing. Naks. Ako ang gagawa ng sarili kong investigation sa mga nakita ko. Humanda ang kung sino mang taksil. I'm coming for you.

*******



Throwback muna tayo. Patapos na din 'yan. Wait nyo lang. Isang chapter pa. Ang malinaw is alam na ni Eliazar na mga mga ginagawang kung ano si Nathan. Iyon daw ang aalamin niya. Tignan natin kung may matutuklasan siya.

First Stand *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon