072 - Finale pt. 2

176 20 1
                                    

Tahimik ang lahat habang naglalakad sa mahabang kapatagan kung saan kami dinala ng lagusang pinasukan namin.

Hindi ko pa din inakala na basta na lamang mawawala ng ganoon si Marina. Napakabilis ng mga pangyayari. Pero kailangan kong tanggapin. Tama si Eli. Wala na nga kaming magagawa. Ang mahalaga ay maituloy namin ang laban at mabigyan ng katuturan ang lahat ng naitulong nito.

“Guys, check this out.” Sabi ni Eli.

Tinignan namin ang itinuturo niya sa harapan. Isang bangin. May mga sementong nakalutang doon. Maaring makarating sa kabila kung gagamitin iyon. Pwede kaming tumalon-talon doon. May isang higanteng puno din sa gilid niyon na siyang nagsisilbing payong ng buong bangin. Mahahaba ang baging na nagmumula doon at pwede naming magamit para mapagtagunpayan naming makatawid. Sa kabilang bahagi ng kapatagan ay matatanaw ang isang malaking antigong pinto kung saan nakasulat ang dalawang kataga... MORTAL WORLD.

“'Yan na ang daan patungo sa kabilang mundo.” Sabi ko sa mga ito at inihanda ang sarili.

“Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. ” Sabi ni Nate. “Gawin na natin.”

Nagkatinginan kaming lima.

“Ipangako ninyong wala ng mawawala pa sa atin.” Sabi ko sa mga ito.

Tumango ang lahat. Ako na ang naunang tumalon bago sumunod ang mga ito. Maling hakbang lamang ay maari kaming mahulog sa ibaba. Napakataas niyon. Hindi ko makita kung anong naghihintay doon kung sakali man. Puro ulap ang nakikita ko at mga ibon na malayang lumilipad. “Mag-iingat kayo.”

Nasa kalagitnaan na kami ng mapatingala ako sa taas ng puno dahil sa naramdaman kong parang may kakaiba doon. “Sinasabi ko na nga ba. May mga nais makasama tayo.” Peste. Ito pa ang magpapahirap sa pagtawid namin sa kabila. Idagdag pa ang napakalakas na hangin. Hindi ko pa rin nararamdaman ang pagbabalik ng kapangyarihan ko.

“Anaconda?!!!!!!!! ” Sigaw ni Lily. “Mga vakla kayo ng taon. Subukan ninyon lumapit sa akin at gagawin ko kayong lahat na hapunan!”

Mga nasa sampu iyon. Sobra pa. Nagkatinginan kaming lima habang papalapit ang mga ito sa amin galing sa itaas. Ito na naman. Isa ang basta na lamang lumagpak sa likod namin. Hindi kami makaatras dahil isang hakbang na lang ay mahuhulog na kami. Bakit kasi hindi pa ginawang tulay ito at hinati-hati pa ang mga semento? Para tuloy kaming nasa isang game app.

Napakalaki ng nilalang ito. Kayang-kaya niya kaming lunukin ang lahat.

“Anong gagawin natin?” Tanong ni King.

“Jump.” Mabilis na sagot ni Eli.

“And run!” Dugtong ko sa sinabi nito.

Ganoon nga ang ginawa namin. Tumakbo at tumalon-talon kami para maiwasan ang mga anaconda na humahabol sa amin. Mabibilis ang mga ito. Hindi lang pala sila sampu. Napakadami nila. Walang tigil sa pagbagsak ang mga ito mula sa malaking puno.

Ginamit ko ang isang baging para makatawid sa susunod na tungtungan. Ginaya din ako ng aking mga kasama. Bilis lang ang susi para matakasan namin ang mga ito. Dapat kaming makararing agad sa antigong pintuan.

Isa pang mataas na talon ang ginawa namin. Si Nate na ang nauna. Sumunod si King, Eli at Lily. Ako na ang nagpahuli. Isa pang talon ang ginawa ni Nate. Hindi pa man kami nakakasunod sa kanya ay biglang gumalaw ang kinatatayuan nito. Napunta siya sa ibang direksiyon. Fvcksh!t.  Kumikilos din pala ang mga pesteng semento na ito.

Tumalon ulit ako sa susunod na bato. Mabilis na sumunod si Eli at King. Binalingan ko ang baliw na babae na nakatulala pa. “Ano pang hinihintay mo diyan?!” Sigaw ko sa kanya. “Talon na!”

Hindi na nito nagawa ang sinabi ko dahil muling kumilos at napunta sa ibang dako ang tinutuntungan naming tatlo. Mas napalayo kami sa malaking pinto. Ngayon, magkakahiwalay na kami sa iba't-ibang bahagi.

“Mga peste kayo!” Sigaw ni Lily. Nag e-echo ang boses nito. “Bakit ninyo ako iniwan??!!!!!!!!”

Iniwan? Siya ang mabagal kumilos, eh.

“Oh, no.”

Napatingin kami kay Nate. OH NO nga talaga. Sa harap nito ay may nakaabang na anaconda. Napanganga ako ng basta na lamang pumulupot ang isa dito at wala na itong nagawa. Walang pakundangang inihagis ng higanteng ahas ang kasamahan namin sa bangin! Salamat at nagawa nitong makakapit sa mahabang baging na nakalaylay malapit dito. Hindi siya tuluyang nahulog. Thanks, God. Nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako 'dun, ah. Syempre, concern ako sa kanya. Sa kanilang lahat.

Hindi pa pala tapos ang mga pag-atake nila. Si Lily naman ang pinuntirya ng mga ito. Siya kasi ang pinakamalapit sa mga anaconda. Kung bakit kasi hindi agad ito tumalon.

“Takbo, Lily!” Sigaw sa kanya ni Eli.

Ganoon nga ang ginawa nito. “Mga vakla kayoooooooo!!!!!!!  Bakit hindi na lang si Lavinia ang gawin ninyong pagkain??!!!!!! Huwag ako!!!!!!!  Hindi ako masarap!!!!!!!”

Muling umandar ang kinatatayuan naming tatlo at humarap ulit sa kinalalagyan ni Lily. Mas dumoble nga lamang ang layo.

Iminuwestra ko ang aking kamay kay Lily. “Kaya mo bang tumalon?”

Nagpameywang pa ito sa kabila na hindi alintana ang mga papalapit sa kanya. “Oo nanan.” Tumalon na nga ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero hindi sapat kaya nahulog siya! Jusko po.

Napasigaw ang dalawang lalaking katabi ko. Kunot ang noong napatingin ako sa kanila. May hindi ba inaamin ang mga ito? Parang may dugong berde akong naamoy.

“Pasesnsiya na.” Sabi ni Eli. “Masyado lang kaming nadadala ng ekesena. Para kasing nanonood kami ng video game, eh.”

Pasalamat na lamang at bumagsak ito sa isang batong gumagalaw. Nakaligtas ito sa kamatayan.

“Ang sakit 'non.” Sabi ni King.

Sa kinabagsakan nito ay may dalawang anaconda din ang naghihintay sa magkabilang dulo. Gumalaw ang parisukat na bato at dumulas ito sa kabilang dulo kung nasaan ang isang malaking ahas. Muli ay nahulog siya kadikit ang kaibigan nito. Kaibigan talaga? Ahas ba si Lily? Hindi. Isa siyang aswang. Ipinilig ko ang ulo. Ito ang epekto niyang lahat sa amin. Pati ako ay kung ano-ano na ang naiisip.

Muli itong bumagsak sa isang semento kasama ang kaibigan. Ngumanga ang anaconda at naghandang lunukin ito ng buo.

Napailing ako. “No.” Inilabas ko ang ispada. Hindi siya pwedeng mamatay. Ayoko ng may sumunod kay Marina.

Tinantiya ko ang kinatatayuan namin. Nang  makasigurado ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumalon ako patungo sa kinabagsakan ni Lily. Saktong-sakto ang naging pagbagsak ko.

Sa akin naman humarap ang hayop na ito habang nakanganga pa din ito. Akala ba niya ay matatakot ako sa kanya? Nginitian ko siya. “Peste kayong lahat.” Itinusok ko sa kanyang ulo ang hawak na sandata. Pagkatapos ay sinipa ito para malaglag sa  bangin.

Tinignan ko si Lily na nakahiga pa din. “Plano mo na bang diyan na matulog?”

Tumayo na ito. “Ang sungit naman. Pero thank you, ha?”

Buti naman at marunong magpasalamat ito.

“Pero bago ang lahat.” Nagpameywang na naman ito at tumayo ng tuwid. “Nais ko munang mag-iwan ng isang makabuluhang kataga. Ang kabit ay parang electric fan. Hindi titigil hangga't hindi pinapatay. And I, thank you! Huwag tayong susuko. Kaya natin 'to! Laban lang, alaxan!”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now