033 - What The Hell

227 31 13
                                    

What The Hell

THIRD-Person POV

Itinumba ko ang rebultong nasa tabi ko ng madinig ang masamang balitang galing kay Palestine.

“Punyeta! Talagang sinasagad ako ng mga bubwit na 'yan.”

“Gusto ninyo po bang iligtas ko siya?”

Sinampal ko ng malakas ang kanang-kamay. Bakit ba napakabobo nito? “Bakit natin pag-aaksayahan ng oras ang walang silbing alipin at taga-sunod? Bahala siyang mamatay. Sa susunod kapag hindi mo pinagana ng maayos yang kukote mo ikaw naman ang isusunod ko. Tonta!”

“Paano kung umamin siya sa kanila?”

“Hindi niya magagawa iyon dahil hawak ko sa leeg ang buong pamilya niya. Subukan niya lang dahil hindi na sila sisikatan ng araw kinabukasan. Kung gawin man niya....” Bumalik ako sa trono at doon naupo. “Edi simula na ng laban. Makikilala na nila kung sino ang malaking pader na binabangga nila. Sige na. Umalis ka na. Ako naman ang gaganti ngayon. Sino kayang uunahin ko sa kanila? Magbabayad sila ng malaki para sa pagsira sa mga plano ko.”






********

LAVINIA'S POV

Kinagabihan

"Nasaan ako? ”

'Yan ang tanong ni Hell ng magising siya mula sa kanyang pagkakatulog kanina. Nandito na kami sa Head Quarters. Dinala namin siya sa tagong lugar kung saan kami lang ang pwedeng pumasok. Naka-kadena ang kanyang mga paa at kamay at sinigurado naming hindi siya magkakaroon kahit maliit na chance para makawala.

“Gising ka na pala.” Sabi sa kanya ni Nate. “Good Morning.”

Sinubukan nitong makawala pero walang nangyari. “Anong kailangan ninyo sa akin?!”

“Actually,  malaki.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. Tiniganan ko siya mata sa mata. “Eliazar, ikaw na ang bahala sa isang 'yan.” Sabi ko sa kasama. Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa.

Nilapitan niya ang lalaki at hinawakan sa ulo habang nakapikit. Dalawang minuto siyang tumagal sa ganoong posisiyon bago siya nagmulat.

“Wala akong mabasa.” Sabi nito.

“Ano?”

“Hindi ko mapasok ang isipan niya. Parang may malaking bagay na nakaharang at pumipigil sa akin.”

Ahhh. Mukhang papahirapan pa kami ng isang ito.

“Wala kayong makukuha na kahit ano man mula sa akin.”

“Talaga?” Nang-uuyam na sabi ko sa kanya. “Tignan na lang natin. Unang tanong, nasaan ang mga babaeng kinuha ninyo? Huwag na huwag mong susubukang tumanggi at magsinungaling dahil hindi kami tanga para malamang isa ka sa may pakana ng mga ito.”

Tumawa ito na siyang nagpasingkit sa aking mga mata. “Hindi ba matatalino kayo? Bakit hindi ninyo mahulaan?”

Ahhh gusto nitong maglaro? Sige. Pagbibigyan namin siya.

“Hindi ka magsasalita? Hindi mo ibibigay ang impormasyong kailangan namin?” Sunod na dalawang tanong ko sa kanya.

Ngumisi ito. “Hinding-hindi. Kaya pakawalan na ninyo ako!”

Sinamapal siya ng malakas ni Lily “Pwede bang manahimik ka?! Ang baho nag hininga mo! Amoy manok na pula! How dare you para kausapin kami ng ganyan?! Kalyo lang kita sa paa!”

“At sino ka naman?”

Sinampal ulit siya ni Lily. “Ako lang naman ang bunsong anak ni Minea.”

“Wala akong pakielam sayo. Pakawalan na ninyo na ako! Tulong! Tulong!”

“Kahit magsisigaw ka diyan ay walang makakadining sayo.” Sabi ko sa kanya. “Mapuputol lang 'yang litid mo sa wala. Kung meron man, sigurado ka bang tutulungan ka nila? Isa kang utak kriminal. Baka nakakalimutan mong nandito ka sa teritoryo namin?”

“Magbabayad kayo sa pangyayaring ito.”

Hinawakan ko ko siya ng mahigpit sa kanyang pisgi. “Kayo ang magbabayad dahil sa mga pinaslang at mga ginawa ninyo. Mananagot ang dapat managot.”

“Hindi ka pa din ba magsasalita?” Ulit na tanong ni Nate.

Muli itong tumawa. “Wala kayong kahit ni isang salitang makukuha mula sa akin.”

Peste tong lalaki na 'to, ha? Sinubukan din naming kunan ng impormasyon ang mga kasama nito pero walang alam ang mga ito. Sumsunod lang sila sa utos ni Hell na siyang tanging nakakalam ng lahat ng plano at tumatanggap ng utos.

Binato siya ni Nate ng earth ball.

“Iyan lang ba ang kaya mo?” Panghahamon pa nito pagkatapos tamaan ng malakas ma enerhiya.

“Nagsisimula pa lang kami. ” Sabi naman ni Eli. Kinuha niya ang malaking karayom na nakahanda sa isang lamesa dito sa loob. “Masakit kaya 'to?”

Tignan lang natin kung hindi siya umamin.

Nilapitan siya ni Eli at itinusok ang anim na pulgadang karayom sa kanyang dibdib. Malakas na pagsigaw nito ang namayani sa buong paligid. Tumigil saglit si Eli nang nasa kalahati na ang nakalubog sa bandang dibdib nito.

“Mga hayop kayo!” Sigaw nito.

“Gaga.” React ni Lily dito. “Silang tatlo lang. Sinama mo pa ako. Vaklang 'to.”

“Ano? Magsasalita ka ba o hindi?” -Eli

Umiling ito.

Tuluyan nang itinusok ni Eli ang karayom sa katawan nito hanggang sa hindi na iyon makita. Malakas ang sigaw niya na parang babae. Kita ko ang pagtulo ng maliliit na butil ng dugo mula sa kanyang dibdib.

“Pasalamat ka at hindi ka namin agad pinapaslang.” Sabi ko sa kanya.

Habol ang paghinga nito. “Mga hayop kayo. Magbabayad kayo.” Paulit-ulit? Unli? “Hindi ninyo pa ako pinapaslang dahil may nais pa kayong malaman. Pero kapag wala na ---”

“Kayong dalawa na ni Kamatayan ang bahalang mag-usap. ” Putol ko sa talak niya. “Kaya kung ako sayo magsasalita na ako.”

“Patayin ninyo na lang ako dahil wala kayong mahihita sa akin!”

“Ang tapang. 'Yan ang gusto ko.” Singit ni Lily. “My turn.” Kinuha nito ang nail cutter na nasa lamesa din. Siya ang naghanda ng mga gamit na 'yan kaya masyadong brutal. Pero hindi ko alam kung ano nga bang magagawa ng mga iyon. Knowing Lily? Lagot ang may kasalanan. “Alam mo bang galit ako sa mga masasama?”

Muntik na akong mapaubo sa sinabi nito.

“Coming from you?” Gulat na sabi sa kanya ni Eli.

“Huwag kang umepal, Negro. Papampam ka.”

“Tigilan na ninyo ako! Bakit ba ayaw ninyo na lang akong pakawalan?!”

“Manigas ka!” Sigaw ng babaeng baliw sa kanya. “Well to be perfectly honest, in my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's view's and by trying to make it objectified, and by considering each and every one's valid opinion, I honestly believe that I completely forgot what I was going to say.”

Ano daw?

****************



Facts About The Story And The Author

#01 - Meaning of my username?
@ReadMyFantasyStories

*Halata naman, hindi ba? Mahilig kasi ako sa fantasy. Nag-try ako minsan gumawa ng teen fictiom pero itinigil ko din. Hindi talaga ako nakalaan para doon, eh. Mas mabilis gumana ang utak ko pagdating sa mga kababalaghan,  hindi maipaliwanag na mga pangyayari at mahika. So 'yun lang.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now