066 - ELI

140 18 0
                                    

ELI'S POV

Pinagmasdan ko si Nate habang papalayo sa grupo. Saan kaya pupunta ang isang 'yon? Bibalingan ko ang mga kasama. Si Lily ay abala sa pagluluto ng palaka at ahas na nakuha niya kanina. Seryoso ba talagang kakainin niya 'yan? Kadiri. Wala talagang patawad ang isang 'yan. Kahit ano, subo. Walang awa sa mga hayop. Ibang klase nga naman. Napailing na lang ako.

“Malapit na 'tong maluto, mga vakla.” Sabi pa niya.

“'Yan talaga ang ipapakain mo sa amin?” Tanong ko sa kanya.

“Choosy pa kayo?” Sagot nito. “Aba, matindi. Pero huwag kayong mag-alala kung ayaw ninyo nito hindi ko kayo pipiliting kumain. Ibibigay ko na lang sa inyo yung mga pagkaing pinabaon ng mudrakels ni Angeline sa atin.”

“Hindi pa ba panis 'yon?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi. Naka-ref 'yon dito sa bulsa ko.”

Naglabas siya ng mga pinggan, baso, mangkok at kutsara't tinidor na pagkakainan daw namin mamaya. Girl scout talaga ang baliw na 'to. Maasahan din naman siya kahit paminsan-minsan. May tatak pa ang mga kagamitang inilabas nito. Binasa ko iyon ng malakas.

“Jollibee?” Parang pangalan ng isang fastfood.

“Yes. Minating ko pa 'yan doon.”

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at ilapit ang sandok sa bibig ko. “Sabihin mo SALAMAT JOLLIBEE.”

“Kung ano-ano na namang ang sinasabi mo. Sige na at asikasuhin mo na 'yang mga ginagawa mo diyan. Pagkabalik ni Nate ay kakain na tayo. Nagugutom na din ako.” Sabi ko sa kanya.

“Ang kj naman nito.” Binalikan na nito ang ginagawa.

Tinignan ko ang iba ko pang mga kasama. Si King at Marina naman ay nag-uusap sa hind kalayuan. May something kaya ang dalawang ito? Sana all. Buti pa sila. Ako hanggang ngayon mukhang hindi niya pa rin napapansin. Dapat na ba akong magparamdam? Multo lang? Si Lavinia naman ay tahimik lamang na nakaupo. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Haaayy. Hindi ko inakala na ito pala ang naghihintay dito sa amin. Pero teka, nabasa kaya ni Lavinia ang nasa isipan ko?  Hindi naman siguro? Kung mabasa man niya wala namang masama. Wala naman akong itinatago.

.

.

.
.

.

Wala nga ba talaga? Hindi ko napigilang balikan ang tagpong hindi ko malimot-limutan noong gabing iyon...

Alas-dos ng madaling araw. Peste. Hindi talaga ako makatulog. Kailangan ko ng alak. Nagpasya akong bumangon mula sa pagkakahiga. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay. Lalabas na sana ako para kumuha ng maiinom ng isang bulto ng lalaki ang nakita kong papunta sa main door. Si Nathan 'yun, ah. Malamang siya talaga. Dalawang lalaki lang kaya kami dito. Imposible namang si Lily 'yan dahil dinig na dinig ko ang hilik niya sa kabilang kwarto. Bwiset na babae 'yan. Ang ingay-ingay. Isa pa 'yan sa mga bagay na ayaw magpatulog sa akin. Sasabihan ko nga siya bukas ng takpan ng unan ang kanyang buong mukha kapag natutulog. Nakakabulahaw siya, eh.

Pero teka, saan ba pupunta ang isang 'yan sa ganitong oras? Tatawagin ko sana siya ng mapagmasdan ang kabuuan niya. Bakit puro itim ang suot nito? Muli kong ipinind ang pinto at pinanood ito. Napapaisip na ako. Anong ginagawa nito? Ayaw kong mag-conclude ng wala pang nakikita. Manonood lang muna ako. Tuluyan ng nawala ang antok ko.

Sa maliit na siwang na ginawa ko sa aking pinto ay kitang-kita ko mula dito ang mga kilos niya. Sana lamang ay hindi niya ako mapansin. Bigla akong kinabahan. Hindi dahil natatakot ako kundi baka hindi ko magustuhan ang mga susunod na magaganap. Saglit itong sumilip sa labas na para bang inaalam kung may ibang nilalang na naroroon. Doon na tuluyang tumubo ang hinala sa aking dibdib. Parang hindi ko magugustuhan ang mga maari kong matuklasan. Wala naman akong ibang hinala kay Nathan. Magaan nga ang loob ko sa kanya. Parang kapatid ba. Kapatid na kahit kailan ay hindi ako nagkaroon. Pero hindi ko alam kung magiging ganoon pa din ang tingin ko sa kanya kapag natapos na ang gabing ito. Again, ayokong manghusga o mag-isip ng kung ano-ano. Manonood lang ako. Tumingin-tingin ito sa paligid. Sa palagay ko'y wala ng ibang nasa labas. Anong oras na, eh. Mas nagulat ako sa mga sunod niyang ginawa. Kitang-kita ko kung paano siya naglabas ng lupa sa kanyang dalawang kamay at itinapon sa kung saan. Earth keeper siya. Para saan iyon? Lalong lumala ang curiosity ko sa ginagawa nito. Patawad pero kailangan kong malaman kung anong binabalak niya. Mabuti na yung alerto. Hanggang sa nakalabas na ito.

Nang maisara niya ang pinto ay walang pag-aatubiling lumapit din ako doon at sinilip kung saan siya magtutungo. Bahala na nga. Magpapalusot na lang ako kapag nahuli niya ako. Kung mahubuli. Mahusay kaya akong magtago.  Ako pa ba? Eliazar na 'to. Eliazar, the great.

Napakunot ang noo ko ng makita ang tinatahak na direksyon ni Nathan. Mabilis ang paglalakad niya patungo sa silid ni Head Master. Nasa dulo lang naman 'yun. Malapit lang sa tirahan namin. Naka-alis na siya kanina pa kaya panigurado akong wala na siya doon. Anong gagawin niya sa opisin nito? Nagtago ako sa isang malaking poste para hindi niya ako mapansin. Sumilip ako.

Kinakalikot na nito ang doorknob ng kung anong bagay na hawak niya hanggang sa nagtagumpay siyang makapasok ng ganoon na lamang kadali sa loob. Nagulat ako sa mga nasaksihan. Para akong naestatwa sa kinatatayuan. Totoo ba itong nakita ko? Ayoko munang mag-isip ng kung ano.

Nagpalakad-lakad ako sa mahabang pasilyo habang nag-iisip ng gagawin. Huhuliin ko ba si Nate? Hindi ko alam. Hanggang maya-maya ay napadako ang tingin ko sa isang CCTV na nakatutok sa akin mismo. Naningkit ang mga mata ko ng makitang may kung anong bagay na parang nakaharang doon. Lumapit ako para makita. Dahil matangkad naman ako ay nagawa kong maabot ang camera. Hinawakan ko ang bagay na nakatakip mula doon.

.

.

.
..

.

.
Lupa? Parang putik na nabuo.

Teka, ito ba yung inilabas na kapangyarihan ni Nathan? Shit. Tama na 'to. Kailangan ko na siyang hulihin sa akto. Palakad na ako sa pinto ng sabay kong marinig ang tunog na parang galing sa nalaglag na mga libro na tiyak akong nagmula sa loob ng silid ni Head Master at isang mahinang kaluskos galing sa kung saan. May iba pang naririto bukod sa akin na nanonood kay Nathan? Dahil sa hindi ko alam kung anong gagawin ay muli akong nagtago sa malaking poste. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Para talagang may mangyayari ngayong gabi. Malakas ang pakiramdam ko. Huwag sana akong madamay sa gulong ito. Huwag naman.

*****


May part 2 pa ito sa next chapter. Kaway-kaway nga diyan. 👋👋👋

*** Ito naman ang version ni ELIAZAR sa mga kaganapan sa
Chapter 27 - The Picture
Chapter 28 - First Stand

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now