011 - First Mission Part II

480 65 8
                                    

First Mission Part II

Kahit kung ano-anong pinaggagawa-gawa at pinagsasasabi ni Lily ay nakapag-plano pa din naman kami ng dapat naming gawing aksiyon sa bagay na iyon. Kung titignan ito ang unang misyon naming apat na magkakasama at bilang bagong The Four.

Team ni Eliazar ang unang kumilos. Sila na muna ang titingin kung may kakaiba ba o kahina-hinala sa buong Athens. Naglagay siya ng mga nilalang na maaring magbantay at magmatiyag sa walong nasyon ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.

“Paano kung may mawala nga ngayong gabi? ” Tanong ni Eliazar habang sabay-sabay kaming kumakain dito sa loob ng itinalagang condo para sa aming apat. Nandito kami ngayon sa Dining Area.

“Then proceed to the next plan.” Sagot ko sa tanong niya. Tumayo ako at kumuha ng pitsel na may tubig sa ref. Wala kaming kasambahay dito. Toka-toka din kami sa mga gawain. Kami ang may gusto niyan. Para kahit papaano may privacy pa din kami at ayoko din naman na may ibang nangingielam ng mga gamit ko. Hindi di naman ako nasanay sa luho.

“Paano kaya nakarating kay Head Master ang info na 'to na hindi man lang nalalaman ni Eliazar? Hindi ba kayo nagtataka 'dun?” Sabi ni Nathan habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

“Ay,  very bad.  Pinaghihinalaan mo si Charlie? Gusto mo isumbong kita? ” Sabi ni Lily habang sinasayawan ang isang kawali na may laman ng isa pang ulam. Sa pagkakaalam ko kanina niya pa niluto iyon. Ang sabi ko lang ay initin niya 'yon. Wala namang apoy ang kalan.

“Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. At saka ano ba 'yang ginagawa mo? Naaalibadbaran ako.”

Hindi lang ito ang naaalibadbaran. Pati ako.

“Sabi ni Lavinia initinin ko daw 'tong ulam. Kaya eto,  sinasayawan ko ng sexy dance.”

“Nakakatawa, Lily. Pero may point ka, bro. Kanina pa nga ako napapaisip. Lahat ng police station direstso ang report sa opisina. Malabong may hindi masabi ang mga ito kahit isang detalye o ano mang bagong kaso na nangyari within that day.”

Pinaghihinalaan ba ng mga ito si Head Master? “Galing daw sa magpagkakatiwalang source niya,  eh. ” Sabi ko. “Malay ninyo naman,  hindi ba.”

“Pero don't worry. Nagpapa-imbestiga na ako sa mga tauhan ko. Early this morning,  may sagot na tayo tungkol sa issue ng pagkawala ng tatlong babaeng 'yun. In the meantime, kumain na muna tayo.”

“Ayan. Diyan ka magaling, Eliazar. Nangunguna sa pakain ni Mayor.” Sabi ni Lily habang ginagawang sabaw yung toyo at yung pinagprituhan ng chicken na niluto niya. Nagulat ako ng sampung kutsarang langis ang inilagay niya sa kanyang kanin at limang kutsara naman ng toyo.

“Ano 'yan?” Hindi ko napigilang itanong sa kanya.

“Rice Chao Pan, malamang. Kunwari nasa Mang Inasal ako.” Pinigaan niya pa iyon ng kalamansi. “Ano ka ngayon, Cynthia Villar? May pa, 'No To Unli Rice' ka pang nalalaman diyan,  ha? Inaano ka ba ng kanin? Palibhasa hindi ka makakain ng madami. Vaklang to. Pati kanin pinapakielaman. Bakit hindi traffic sa EDSA ang unahin ninyo hindi 'yung sari-saring walang kwenta ang pinag-uukulan ninyo ng pansin? Pati linya ng National Anthem binalak ninyo pang palitan. Ang mamatay ng dahil sayo. Ang ganda-ganda kaya 'nun? Bakit papalitan? Pero pwede naman. Ang mamatay dahil sa bukbok ng NFA! Nagbigay kayo ng limang kilong bigas hindi naman makain! Lasang sabon pa! Pinakamalala, pati pag ihi ng isang transgender sa banyo ng mga babae pinalaki ninyo pa. My ggggggaaaad! Kung sana'y inuuna ninyo ang pagpapa-asenso sa ating bansa edi sana may sarili na silang banyo! Tapos bwiset na DOLE yan. Nanghihingi na naman ng pera sa gobyerno na 4 Billion daw para daw sa mga nawalan na ng trabaho! Ang kakapal ng mukha. 'Ni hindi pa nga nakadating sa akin 'yung cash assitance na sinasabi nila tapos ngayon eto may bagong pagkakakurakutan na naman silang sinasabi? My ggggggggaaaaad. This is insane! Unbelievable. Thi is not acceptable. Ibalik ang bitay at patayin ang mga kabit at hindi marunong magbayad ng utang!”

Hindi namin napigilang tatlo ang mapanganga. Tinatanong ko lang naman kung ano 'yung pinag-gagagawa niya sa kanyang pagkain ay napakahaba na ng sinabi nito. Si Lily na din ang naghugas. Trip daw talaga nito ang gawaing bahay. Oh,  edi sige. Pagbigyan ang hilig.

Pagkatapos ay naupo kaming apat sa sala habang nagkakalikot ng kung ano. Si Nathan ay nagbabasa ng libro. Si Eliazar ay nag se-cellphone. Si Lily naman ay nagtatanggal yata ng mga kuto mula sa kanyang buhok.

“Kadiri ka. ” React dito ni Eliazar ng makita ang mga lumalagpak sa inilatag nitong puting sapin sa ilalamin ng kanyang buhok habang sinusuklay iyon ng suyod. Parang garapata na ang mga iyon sa sobrang lalaki.  “Aso ka ba?”

“Gaga. Butterfly ako. Gusto mo itapon ko sa inyo 'to?”

“Subukan mo at makikita mo na talaga ang hinahanap mo.” Sabi ko sa kanya.

“Ang sexy mo pala,  Lily.” Puna dito ni Nathan. Naka-maikling maong short na naman kasi ito.

“I know right.”

“May peklat naman.” -Eliazar. “Hindi ka ba nahihiya?”

“Ikaw nga mukhang galis nahiya ka ba?”

Mga bandang alas-onse ng tumunog ang cellphone ni Eliazar. Nagkatiniginan kaming apat. Iyon na kaya 'yung tawag na hinihintay namin?  Mabilis lang itong nakipag-usap bago iyon ibinaba.

Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya habang naghihintay ng sagot nito.

“May nawalang babae ulit. Sa Insurgent.”

Doon ako nanggaling,  ah? Mukhang seryoso nga ang kasong ito.

“Iba na 'to. ” Sabi ni Nathan. “Kailangan na nating isagawa bukas ang susunod na plano bago pa man may mawala ulit.”

“Ngayon, sigurado na tayo na iisa lang ang dahilan ng pagkawala ng apat na babae. Kung ano 'yun. Iyon ang aalamin natin.” Sabi ko sa mga ito.

“Lalabas tayo bukas? My gaaaaddd. Kailangan ko ng ihanda ang pasabog kong costume!”

Pagkasabi niyon ay mabilis ng pumasok si Lily sa kanyang kwarto. Ilang minuto lang ay si Eliazar naman ang nagtungo sa kanyang silid. Magpapahinga na daw ito para bukas. Mukhang excited,  ah?

Naiwan kaming dalawa dito ni Nathan. Mahabang katahimikan.

“Kumusta ka? ”

Napatingin ako sa  kanya sa tanong na iyon. “Okay naman.” Mahinang sabi ko sa kanya. Bakit parang naging akward ang paligid?

Katahimikan ulit. Narinig ko ang malalim niyang pagpapakawala ng buntong-hininga.

“Ahhhhhh...” Ano ba, Lavinia? Anong klaseng reaction 'yan? Tumayo na ako. “Magpapahinga na din siguro ako.”

Bago pa ako tuluyang makalayo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. “Lavinia,  wait.”

Natigilan ako. Pero nakatalikod pa din ako mula sa kanya. Ang bilis ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit pakiramadam ko parang kinakabahan ako sa susunod na mga salitang maririnig mula sa kanya.

“Pwede ba kitang ligawan?”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now