023 - The Queen

255 39 17
                                    

The Queen

Isa-isa kaming naglakad sa napakalambot na carpet. Bawat daanan namin ay nagbababa ng kanilang ispada. Para kaming mga Reyna at Hari. Ganito pala kung ituring nila ang kanilang mga panauhin. Napupuno ng kulay violet ang buong loob nitong kaharian. Mula sa mga poste, mga ilaw, at kahit pati ang kasuotan at armas ng mga kawal, ganoon din ang mga tagapag-silbi na pawang abala sa kanilang sari-sariling gawain. Kung nakakamangha ang labas ay kabigha-bighani naman ang loob. Amoy bulaklak dito. Hindi ko lamang matukoy kung ano. Sa pinaka-unahan ay ang trono ng Reyna.

Sa pagkakaalam ko, patay na ang hari at tatlong lalaki naman ang kanyang mga anak. Tatlong prinsipe. Sino kaya sa mga ito ang magmamana ng korona? Baka 'yung panganay. Makilala din kaya namin sila? Sana.

"Eli." Ayan na naman ang babaeng baliw.

"Ano na naman 'yun? " Sagot naman ng tinawag.

"Huwag kayong magsisimulang dalawa, ha? " Banta ko sa mga ito. "Nakakahiya. Dapat iniwan ninyo na sa Head Quarters 'yang kakulitan ninyo."

"Eli, be proud kahit maitim ka. Isipin mo na lang na sobrang hot mo kaya nasunog ka."

Tinignan ko ng masama ang talipandas. "Tumigil ka na."

Kumaliwa kami pagkatapos naming maglakad sa napakahabang carpet. Sinusundan namin ang Pinunong Kawal. Hanggang sa narating namin ang kinaroroonan ng Reyna. Nakatalikod ito.

Humarap siya sa amin. Tunay nga ang sinasabi nila. Sadyang napakaganda at kaakit-akit nito. Naka-suot sa kanya ang kanyang korona na bagay na bagay sa kanyang itim na gown. Itim talaga? Pero hindi lang naman kasi death ang sinisimbulo niyon. Pwede din sa katapangan at kalakasan.

Tumungo kaming apat bilang pagbibigay galang.

"Ikinagagalak po naming kayong makilala, Queen Hestia. " Sabi ni Eli.

Ngumiti siya at lumapit sa amin. "Maging ako man. Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya."

Malalim din itong magsalita. Kaakit-akit din ang kanyang tinig. Hindi ko maramdaman ang kanyang kapangyarihan. Pero panigurado akong malakas siya at may kamangha-manghang kakayahan.

"Kami po ang dapat magpasalamat dahil nagkaroon po kami ng pagkakataong makilala ka." Sabi naman ni Nathan.

"Sus. Makikikain ka lang, eh." Sabi ng babaeng matabil ang dila.

Kinurot ko siya sa tagiliran. Hanggang dito talaga? Jusko, Lily. Huwag ngayon.

"Ohhhh... " React sa kanya Queen Hestia. "Isang berdeng alitaptap. Napakaganda."

"Gaga. Fairy ako."

Nagkatinginan kaming tatlo ng lumabas sa bibig ni Lily ang salitang iyon. Ipapahamak talaga niya kami?

Tumawa ang reyna na mukhang hindi naman na-offend sa sinabi ng baliw. "Ipagpaumanhin mo. Marahil ay hindi ko na alam ang mga uso ngayon dahil sa tagal ng aking pamamalagi dito sa kaharian."

"Gusto mo palitan na lang kita? Bet? "

"Lily." Saway ko sa kanya. Kung pwede ko lang siyang itulak palabas dito ay kanina ko pa ginawa.

"Nakakaaliw ka. " Mukhang siyang-siya pa sa kanya ang Reyna. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lamang at parang mabait naman siya.

Isinama niya kami sa kabilang tore kung saan ay may nakahandang mahabang lamesa na napapatungan ng napakadaming pagkain. Mula karne, isda, prutas, gulay , alak, iba't-ibang klase ng tinapay at iba pang pagkaing bahagi na ng kasaysayan ng kaharian. Hindi pa rin pala nawawala ang mga pagkaing inihahain noon. Parang may malaking piging. Nagkalat din ang napakaraming kandilang nasa paligid na siyang nagbibigay liwanag sa tulong na isang parang chandelier 'ata 'yun na nasa pinaka-itaas na kung saan nagmumula ang dilaw at malamlam na ilaw. Hindi pumapasok ang sinag ng araw dito dahil sa mga naglalakihan at makakapal na kurtinang nakasabit sa bawat ding-ding at bintana. Hindi din mainit. Para ngang naka-aircon kahit hindi naman. Nasa sampung metro siguro ang haba ng lamesa at tatlong metro naman ang lawak niyon. Mas ikinagulat naming lahat na hindi lang pala ang Reyna ang makakasama namin sa pagkain kundi ang tatlong anak na prinsipe din pala nito! Nakasuot ang mga ito na kasuotang tanging mga maharlika at dugong bughaw lamang ang pinapayagang magkaraoon niyon.

Magkakatabi-kaming apat na naupo. Sa gitna ang Reyna at sa kaliwang bahagi naman nito ay ang kanyang mga anak. Kami ang nasa kanan. Katapatan namin sila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Katahimikan.

.
.
Tanging paghinga lamang naming lahat ang maririnig sa buong bahagi ng toreng ito na kinalalagyan namin.

"Napakaganda ng araw na ito." Si Queen Hestia na ang bumasag sa katahimikan.

Tinignan niya kami bago ang ang kanyang mga anak.

Narining ko ang pagbuntong hininga ng prinsipeng nasa harap ko. Ako kasi ang nasa pinakadulo at ganoon din ang pwesto nito. Magkaharapan kami. Ang katabi ko ay si Lily, then si Eliazar at si Nathan. Siya ang malapit sa Reyna.

"Kailangan pa ba talaga ako dito? May mga suliranin akong dapat lutasin sa Candor na mas impotatante pa kaysa dito."

Medyo napataas ang kilay ko sa nadinig. Kulang na lang kasi ay sabibin niyang hindi naman kami karapat-dapat sa oras niya. Edi umalis siya. Hindi naman siya kakulangan. Mukhang may attitude ang isang 'to. Oh, wait, Lavinia. Bawal judgemental. Hindi mo sila lubos na kilala. Pero teka, ano kayang problemang inaayos nito sa Candor?

Ngumiti ang Reyna. Tumingin siya sa anak niyang nagsalita. "Kailangan ka dito dahil hindi basta-basta ang ating mga panauhin. Ngayon ka na lamang nagpunta dito at gusto ko lang naman na kahit papaaano ay magkaroon tayo ng kahit kaunting oras sa isa't-isa." Halata sa boses nito ang paglalambing sa anak.

Bumuntong-hiniga ang prinsipe. "Oo na." Sabi nito na para talagang napililitan lang. Hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"Pero kung gusto mo talagang umalis. Go. "

Napatingin kaming lahat sa babaeng biglang sumingit sa usapan ng mag-ina.

"Hiyang-hiya naman kami sayo. Basta mag-iwan ka ng calling card, ha? Ang gwapo mo kasi,eh. Text mate tayo. Promise, papadalhan kita ng load. Regular 50 araw-araw."

Jusko.

Tinignan siya ng masama ng prinsepe. Tingin na nakakalusaw pero parang wala lang iyon sa babaeng ito. Sinipa ko ang kanyang paa para ipahiwatig na tumigil na. Hindi na talaga nakakatawa. Nakakahiya.

Ngunit mukhang aliw na aliw sa kanya ang reyna na nakukuha pang tumawa sa mga banat nito. Ilang taon na kaya si Queen Hestia? Parang kasing-edad lang din siya ng kanyang mga anak. Kung hindi mo talaga sila kilala at mga simpleng nilalang lamang sila ay aakalain mong magkakapatid lang ang mga ito. Ang Reyna pa ang bunso. Bakit kaya parang hindi siya tumatanda?

Hmmmmmmmmm... Nagsimula kaming kumain. Hindi pa din nawawala ang aking kabog sa dibdib at ang kakaibang nararamdaman. Gusto ko mang isantabi ito ay parang hindi ko kaya. Mas mabuti na 'yung maingat.

*****


Nami-miss na ba ninyo ang action? 😁😁😁 Parang sa Book 1? 🤗 Malapit na. Wait lang kayo diyan. ☺

First Stand *CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora