055 - Angeline Is In!

182 23 40
                                    

💓💓💓💓💓

“Angeline?!!” Gulat na gulat at sabay-sabay naming react ng makita ito sa bungad ng pinto.

“What a surprise.” Sabi Ni Nate.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong sa kanya ni Eli.

Wala pa din itong pinagbago mula sa pananamit hanggang sa itsura nito.

“Kapatid siya ni Selene.” Imbes ay sagot ng ginang. “Siya ang panganay kong anak.”

“Seryoso?” Tanong pa ni King na hindi makapaniwala.

Maging ako man. Nakatadhana ba talagang magkakita-kita kami? May senyales ba ito? May kahulugan? Hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na iyon.

“Angeline.” Sabi ni Lily na halatang nagulat din.

“Ako nga.” Sagot nito at nagmano sa kanyang ina at tinabihan si Selene. Hindi maitatangging magkapatid nga talaga ang mga ito. Magkamukhang-magkamukha sila.

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Una,  si Marina. Pangalawa, si King. Tapos eto ngayon ang pangatlo si Angeline. Is this a sign? Sign ng ano?

“My gaaaad. Ang pangit mo pa din.” Sabi dito ni Lily.

“My gaaaad. Attitude ka pa din.” Ganti naman nito.

Mayamaya lang ay inihain na ng ginang ang hapunan na pagsasalusaluhan namin. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagsalita ito. “Kaya magaan na din agad ang loob ko sa inyo dahil alam kong nakasama na din kayo ng aking anak.”

Ahhhh. Kaya pala napakagiliw nito. Hindi niya agad sinabi, ha? May pa-suspense?

“Buo na ang Team Believer.” Sabi ni Nate sa pagitan ng pagsubo ng kanin. Nakakamay lang ito at ganoon din kami. Hindi uso dito ang kubyertos. Aarte pa ba kami gayong nakalibre na kami ng pagkain?

Nagkatinginan ang lahat. Oo nga. Pero may kulang pa din.

“Ito na lang ang Team Believer dahil tegi na sila Dylan at Liza. Malas lang nila.” Sabi ni Lily habang naghihimay ng isdang inihaw. “May toyo ba kayo? Pakilagyan na din ng kamatis, paminta, siling violet at sibuyas. Anong isda ba 'to? Baka malason ako dito, ha? Sensitive ang tiyan ko. Hindi 'to natanggap ng second hand na fish. Kailangan brand new. Baka makati to sa lalamunan? Ay nako, sinasabi ko sa inyo.”

Walang pumasin sa kuda niya.

“Sayang wala na 'yung dalawa.” Sabi ni naman ni Marina.

“Kung gusto mo sumunod ka na tutal weak ka naman dahil ikaw ang kauna-unahang natanggal sa grupo. Mahina ang punyeta. Wala na ngang ganda, wala pang lakas. My gaaaaaaddd. Very poooooorrrrr.”

“Pasmado talaga yang bibig mo, no?” Sabi sa kanya ni Eli.

“Ay, gaga. Matagal na. Hindi ka na nasanay?”

“Kumain lang kayo ng kumain. Espesyal ang gabing ito para sa inyong lahat dahil muli kayong nabuo at nagkita-kita.” Sabi ng ginang.

“Espesyal pero wala namang dessert? Espesyal pero pangit na pagmumukha ni King ang makikita ko? Ang mukha ni Marina na parang binanlian ng kumukulong dish washing liquid? Ganoon ang espesyal? Baka mas special pa ang lugaw na may dalawang itlog. Huwag ako. Baka ikulong kita diyan sa lampara makita mo.”

Tinignan naming lahat ng masama ang baliw. Ang bastos nito, ah.

“Charot.” Biglang bawi niya. “Kayo naman hindi mabiro. Love ko yang si Tita.”

“Huwag kami,  Lily.” Sabi ni Angeline. “Ikaw ang pumatay kay Liza, hindi ba?”

“Yes.” Proud na proud pa na sabi nito. “Nakatikim siya ng Wrong Turn 3 sa akin. Pokpokin ko nga ng martilyo ang gaga. Dinukot ko na din ang mga mata niya. Malaki kaya kinita ko 'dun. Pasalamat siya at hindi ko na pinag-interesan ang kanyang mga bituka.”

“Kumakain tayo, Lily.” Saway ko sa kanya. Baka kung saan na naman mapunta ang sinasabi ng pabidang babang na ito.

“Alam ko, kumakain tayo. Mukha ba akong nagdudukit?”

Kumuha ako ng malaking bulto ng kanin at isnupalpal sa kanyang bibig bago pa siya makapagsalita na naman ng kung ano.

“Dapat si Dylan na lang ang nabuhay at hindi ang baliw na 'yan.” Birong-totoo ni King.

“Napanood ko ang pagkamatay ni Dylan.” Sabi ni Angeline. “Hindi niya na talaga kinaya ang lason na kumalat sa katawan ninyo. Mabilas siyang tinalo niyon. Na kay Lily ang kapangyarihan niya, hindi ba?”

“Yes. Nasa akin kaya ako na ang pinakamakapangyarihan sa lahat.” Sabi ni Lily na iniluwa ang kaning isinubo ko sa kanya bago muli ipinasok sa bibig.

Jusko. Napainom ako ng tubig gamit ang basong gawa sa kawayan dahil sa ginawa nito. Balahura talaga. Numero-unong baluga. Kanina ko pa din napapansin na silid siya ng silid ng isda sa kanyang bulsa. Tulad ngayon. Umisa na naman ito. Mga nasa pito na siguro ang naibulsa niya.

“Anong ginagawa mo?” Mahinang tanong ko sa kanya.

“Huwag kang maingay, vakla ka.” Mahinang sabi din nito. “Gumagawa ako ng paraan para may makain pa tayo sa mga susunod na araw. Magtiwala ka lang. Isa ka din sa mga makikinabang nito, huwag kang mag-alala.”

Jusko po ang babaeng 'to.

“Paki abot nga ng pakbet!” Malakas na sabi nito na parang may utusan. “Nasa tabi mo na naman 'yan, Eliazar. Kapag ako naubusan papalunukin kita ng isang buong kalabasa.”

“Kung kaya mo. Oh, ayan. Takaw.” Kinuha ko ang lagayan at inabot sa señorita. Binalingan ko siya. “Baka pati ito hindi mo patawarin.”

Kinindatan niya lang ako at nginitian ng nakakaloko. Nakita ko sa gilid ng aking kanang mata kung paano siya naglabas ng plastic sa kanyang bulsa habang kumakanta ng...

“Balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal... 🎶🎵🎤Hayaang makamtan ang kinang na hindi magwawakas... ”🎤🎧🎵🎼

“Nagsha-Sharon Cuneta ka na naman ba, Lily?” Tanong ni Angeline na kanina pa pala nakatingin dito..

“Huwag kang madamot. Share your blessing.”

“Hayaan ninyo at ipagbabalot ko kaya ng inyong makakain para sa inyong paglalakbay.” Sabi ng ina ng mga ito. Nabangit kasi namin sa kanila na nasa isang misyon kami.

“Ay, huwag na po. Sobrang nakakahiya na.” Sabi ni Nate.

“Gaga.” Singit agad ni Lily. “Huwag po kayong makinig diyan. Makababoy po kasi 'yan kaya hindi kumakain ng isda at gulay pero ako nakain po. Kahit ano pa 'yan. Kaya gora na, Tita. Ipagbalot mo na kami. Medyo pakiramihan lang ng kaunti, ha? Mga tatlong kilo. Ito kasi si Lavinia medyo malakas kumain.”

Tinignan ko ang antipatikang babae. “Ako pa talaga ang ginawa mong dahilan sa kasibaan mo, ha? Akala ko ba maselan yang tiyan mo?”

“Eme-eme lang 'yon, syempre. Tita, paki balutan na din kami ng isang kilong asin.”

“Anong gagawin mo sa asin?” -Marina.

“Gagawin kong snack habang naglalakad o pwedeng ding ipalunok ko lahat sayo.”

Basag na naman ito kay Lily.

Isa lang ang bagay na talagang nakapagpatotoo dito... noong nagsabog ng kakapalan ng mukha ang mundo ay sinalo niyang lahat. Walang duda doon.

*********

About The Story #2
*** Bakit ito ang napili kong title? Masyado na kasing common at paulit-ulit na 'yung academy-chuchu-something. Maiba naman.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now