036 - The 8th Nation, Allegiant

204 27 5
                                    

The 8th Nation, Allegiant

ELI'S POV

Time check. 7pm in the evening. Nandito ako sa kahabaan ng daan papuntang Allegiant. Medyo maulan kaya dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko. Malubak pa man din ang dinadaanan ng sasakyan. Pauwi ako sa amim. Nais ko sanang kahit papaano ay makapagpaalam kila Inay at Itay. Sa Sabado kasi ay nakatakda na kaming umalis para maglakbay patungo sa kung saan makikita ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Saka para na din makapag bonding kaming buong pamilya. Halos nailaan ko na kasi ang buong panahon ko sa The Four at sa Head Quarters. Hindi naman siguro masama na kahit kaunting oras ay makasama at makumusta ko sila.

Ang Reyna nga kaya talaga ang salarin? Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko inaasahang makakagawa siya ng ganoon. Siya pa man din ang itinuturing na ina ng lahat. Pero bakit nagawa niya ang bagay na 'yun? Pero minsan ganoon na talaga ang mga nasa itaas. Kayang-kaya nilang gawin ang nais dahil may kapangyarihan sila na po-protekta sa kanila. Saka nasa kanila din ang batas. Ibang-iba kumpara sa mga gaya naming mahihirap. Kapag nagkasala ka at itinurong ikaw ang may kasalanan na kahit hindi naman agad kang dadamputin. Tatlo ang kahahantungan mo, ipapakain sa mababangis na hayop, susunugin ng buhay o ilalaban sa mahuhusay na mandirigma. Sa isang oradinaryong nilalang kamatayan na ng ibig sabihin 'non. Pero iba ang pamamaraan kapag ikaw ang nasa itaas at tintingala ng nakararami. Lilitisin ka muna at kamalas-malasan pa kahit siya ang may kasalanan kung sadyang malaking pader ito at maraming kapit mapapawalang bisa lang.  Nasaan ng hustisya doon? Kapag mahirap,  bitay agad? Kapag mayaman,  wala lang? Ang galing, hindi ba? Ibang klase din talaga dito. Mas umaangat pa ang mga nasa itaas. Mas lumulugmok ang mga nasa ibaba.

Kung ang Reyna nga ang may kasalanan sa mga nangyayari nararapat lamang na managot siya. Hindi pwedeng hindi. Ngayong kapantay na namin ang mga nasa itaas at may pwesto na din kami dito sisiguraduhin kong magiging patas ang lahat. Walang pipiliin ang batas. Mayaman o mahirap kailangang pantay-pantay. Isa kaya 'yan sa mga sinumpaan kong adhikain noong araw na hinirang kaming apat bilang The Four. Papanindigan ko 'yan hanggang kamatayan. Peksman. Ako pa ba? May pusong mahirap at mapagkalinga 'to. Ano ba 'yan? Nagagaya na ako kay Lily. Bwiset na babae 'yun.

Papasok pa lamang ako ng lugar ay malalaman mo na agad na ito ang Allegiant. Bakit? Sige. Iisa-isahin ko sa inyo.

Sa labas ay makikita mo ang mga batang palaboy. Karamihan sa kanila ay walang saplot at napakadungis. Ang ina ng mga ito ay abala sa pagto-tong-its, pagkakara-krus, pagbi-binggo at kung walang salapi ay pagchi-chismisan na tanging bibig lamang ang puhunan. Ang ama naman ng karamihan sa mga batang ito ay namumulot ng pagkain para mailaman sa kanilang sikmura. Pagpag ang tawag 'dun. Mga pagkaing tira-tira na galing sa fast food. Pinipili ng mga ito iyon at niluluto ulit. Sinigang, prito, kaldereta, adobo. Name it. Magaling sila sa kahit anong luto na na pwede sa karne. Kahit mahirap kami ay hindi ko naman naranansang kumain ng tira-tira. In the first place,  wala namang masama 'don as long as na hindi ninakaw o galing sa masamang gawain. Kahit papaano ay sinikap ng magulang ko na mabigyan ako ng kahit hindi magandang buhay pero maayos naman. Sapat na sa akin iyon at laking pasasalamat ko na. Basta nakakakain kami ng sapat tama na 'yun. Hindi naman ako mapaghangad. Basta sama-sama kami okay na 'yun.

Bumusina ako para makadaan. Halos wala na kasing espasyo para sa sasakyan dito dahil sa mga nakakalat sa kalsada na nag-iinuman, naglalarong mga paslit at mga nagtitinda ng kung ano-ano. Kahit gabi ay napaka-ingay pa din dito. Napakarami pa din ng nasa labas. Parang fiesta. Daldalan dito, daldalan doon. Hala bira. Napaka-ingay. Napakabaho. Iyon ang dahilan kaya hindi ko binubuksan ang mga bintana ng sasakyan. Hindi sa nagrereklamo ako, ha? Bakit ako mandidiri at magrereklamo eh dito na nga ako lumaki. Gusto ko lang malaman ninyo ang lugar na kinamulatan ko. Wala halos dumadaan na kotse dito. Sino bang makaka-afford niyon dito sa Allegiant? Wala. Kaya kapag may dumadaan na ganito dito ay namamangha ang lahat. Nagkakagulo pa ang mga ito na parang artisa at todo silip pa sa loob. Napangiti na lang ako. Ganyan din ang gawin ko noong bata pa ako. Nakaka-miss din minsan maging bata. Yung wala kang alalahanin at iniisip na kung ano. Yung puro laro at kain ka lamang. Kung pwede lamang bumalik sa nakaraan. Pero hindi ko naman pinagsisisihan ang kung saan man ako nakatayo ngayon. Sa makatuwid natutuwa pa nga ako. Sobra. Akalain ko bang magagawa ko ito? Hanggang ngayon nga hindi pa din ako makapaniwala.

Ang Allegiant ang itinuturing na pinakamahirap sa walong nasyon. Magtataka pa ba ako? Hindi na. Wala naman akong pakielam doon..... Noon. Pero ngayon mayroon na. Ngayong may kakayahan na ako gagawin ko ang mga sa tingin ko ay tama. Kapag natapos ang lahat ng dapat ayusin itong mga mahihirap naman na lugar ang isusunod ko. Isa din 'yan sa mga plataporma ko. Gago. Plataporma daw?  Baka porma lang. Malay ninyo ako pala ang susunod na magiging hari, 'di ba? Malay lang naman. Walang masamang mangarap. Title nga ng The Four nakuha ko, eh. Syempre dapat yung susunod mas mataas na. Eliazar,  ang bagong hari ng Athens! Oo. Ang sarap pakinggan. Hindi daw mapaghangad? Mukha mo, Eli. Lokohin mo na ang lahat huwagang ang sarili mo. Oo na. May pagka ambisyoso ako pero sa maayos naman na paraan. Mahal na Hari. Pwede din namang Kamahalan. O pwede din King Eli. Eli, ang hari ng mga gwapo. O kaya Eli,  ang hari ng lahat ng hari. Gagawin ko namang Reyna ko si -------- Hulaan ninyo.

Dito sa Allegiant halos itinuturing na kaming hindi parte ng Athens na para bang wala sa mapa ang lugar namin. Hindi nga ito naabot ng tulong ng gobyerno. As usual, yung matataas lang lagi ang nakikinabang. Ang galing talaga. Napakagaling talaga. Kaya bata pa lang ako ay namulat na ako sa pait ng mundo. Wala talagang mababago sa kalakaran dito kung walang mangangahas na baguhin iyon. Nabububay ang lahat ng naririto sa kahirapan mula noon hanggang magpasa hanggang ngayon. Kami ang gumagawa ng mga trabahong walang nais gumawa. Taga-linis, taga gawa ng bahay at building at taga-hakot ng basura. Kami lang ang nakakagawa niyan. Mga trabahong para sa iba ay nakakababa ng moral pero maling mali sila doon. Ang mga trabahong iyan ang bumuhay sa buong nasyon. Ang dami kong sinasabi 'no? Ganyan talaga ako. Masanay na kayo. Iilan lang din ang nagtataglay sa amin ng kapangyarihan. Mabibilang mo sa daliri ng kamay. Isa na ako doon.

Anyway, highway malapit na ako sa bahay. Balak ko silang sorpersahin kaya hindi ko pinaalam sa kanila ang pagdating ko. Miss ko na sila. Gawin na natin.


********

NEXT CHAPTER : 😭😭😭😭😭😭😭😭

Facts About The Story And The Author

#04 - Where do I usually write my drafts?
Sa NOTE ko lang sa cellphone.

Mas madali ko kasi siyang makita at ma-e-edit. May laptop at netbook ako pero never kong ginamit para makapag-update at makapagsulat. Kapag dito kasi sa Note sa cellphone mas mabilis akong mag-type. Dire-diretso. Saka kapag may idea na pumasok agad sa utak ko save agad. Actually,  yung mga nililista ko lang talagang scene ay yung para kay Lily lang. Ang hirap kayang magpatawa kaya kapag may naisip o nadinig ako na pwedeng gawin ni Lily na kabaliwan note ko agad para hindi makalimutan at maisingit sa isa sa mga eksena. Ganern. 😅

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now