068 - ELI Pt. 3

134 20 1
                                    

Nakahiga na kaming lahat dito sa damuhan. Tulog na nga sila. Parang ako na lang ang gising. Nasa isang tabi si Lavinia. Katabi niya si Lily. Si Nate naman ay nasa isang sulok. Sa tabi ko ay nakahiga si Marina at King. Nakakapagod na araw. Isang panibagong umaga na naman ang haharapin namin sa paglipas ng gabing ito. Haaaayyy.

Napaisip ulit ako ng malalim. Muli ay sumagi sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nag-usap ang lahat. Wala akong pinagsabihan na kahit kanino ng nakita ko. Kinabukasan ng umaga, tulog pa ang tatlo, ay agad akong nagpunta sa likod ng Presedential Building. Mga naglilinis at naghahakot ng basura ang nadatnan ko doon. Ginamit ko lang ang aking kapangyarihan kaya malaya akong nakakilos hanggang sa makita ko ang aking pakay. Syempre, may dala akong bag ng mga oras na 'yun. Mahirap na. Baka may makakita pa dito lalo na si Lavinia... o si Nathan. Eksaktong pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ay mukha ni Nathan ang bumungad sa akin. May pupuntahan lang daw siya sa labas. Malakas ang hinala ko na hahanapin niya ang mga gamit niya. Bakit ba kasi nag-iwan pa siya ng ebidensiya? Bahala siya diyan.

Iyon ang kwento kung paano ko nakita ang litratong kamukhang-kamukha ni Lavinia na nakaipit sa suot na pantalon ni Nate. Doon ako nagsimulang mag-imbestiga at makiramdam sa paligid ko. Simula noon ay iniwasan ko ng maging ignorante. Mas naging attentive ako sa mga bagay-bagay. Pakiramdam ko kasi ito ang purpose ko sa buhay. Ito ang itinadha para sa akin. Ito ang kapalaran ko. Ano daw? Sari-sari na ang mga pinagsasasabi ko.

Tinignan ko si Lavinia. Sinigurado ko ng hindi niya mababasa ang nasa isip ko. Kapangyarihan ko ang nasa kanya kaya alam ko kung ano ang kahinaan at kalakasan niyon sa iba. Kampante na ako sa ngayon.

Anong ginagawa ni Nathan sa silid ni Head Master? Panigurado akong may hinahanap siya doon na kung ano pa man. Ayokong isipin na kakampi siya ng kalaban hangga't wala pa akong nakikitang patunay. As in, nakikita. Mata sa mata. Sino ang litrato nasa pantalon niya? Bakit kamukha niyon si Lavinia? Para masagot ang lahat ng katanungang tumatakbo sa aking isipan ay ginawa ko ang sa tingin ko'y dapat gawin.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag vibrate ang cellphone na nasa pantalon ko. Marahan akong tumayo para hindi magising ang mga kasama. Naglakad ako palayo mula sa mga ito. Pero hindi naman ganoon kalayo. Sakto lang. Baka may mga halimaw pa dito, eh. Hindi ko sila kakayanin lalo na't wala sa akin ang natural kong kakayahan. Ano bang magagawa ng banishing? And yes. Dala ko 'tong cellphone ko. May hinihintay kasi ako.

Tinignan ko ang telepono. May dumating na email. Maya-maya ang may tumawag. Sinagot ko iyon.

“Ito na ba ang pinapahanap ko?”

“Yes, sir. Kumpleto. Walang labis, walang kulang.”

Tumingin ako sa paligid. Mabuti na ng sigurado. Baka mamaya may palihim pa lang nakikinig sa akin. “Sigurado ka bang malinis ang trabaho mo?”

“Yes, Sir.” Sagot ng kung sinong nasa kabilang linya. Hindi ko na siya papangalanan. Hindi naman siya importante.

“Magaling.” Ibinaba ko na ang cellphone.

Lumayo pa ako ng kaunti sa mga kasama. Tinignan ko ang natanggap na files. CONFIDENTIAL ang unang-unang mababasa 'don. Wala na akong sinayang na mga sandali.

Sana'y ito na ang sumagot sa mga katanungan ko. Nang mabasa ang lahat ay binagsak ko ang cellphone sa lupa at tinadyakan ng ilang ulit para masira iyon. Nagpasya akong bumalik na sa aking mga kasama.

Habang nakahiga ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga natuklasan. Alam kong hindi magsisinungangaling o gagagawa ng haka-hakang kwento ang inutusan ko.

Si Zoraida Edwards ang nasa litrato na nakuha ko mula kay Nathan.

.

.

.

.

.

.
.
Siya ang ina ni Lavinia. Tama ng hinala ko. Pagkakaalam ko ay matagal na siyang patay. Ganoon din ang nakasaad sa report na pinagawa ko.

Ang malaking tanong ay bakit na kay Nathan iyon? Kaya maging siya ay inalam ko ang pinagmulan at nakaraan. Alam kong mgagalit ang mga ito sa ginagawa ko pero pakiramdam ko kasi parang may mali at makakagulo kung sasabihin ko ito sa kanila lalo na't may misyon kaming kinakaharap ngayon. Ako na muna ang lulutas sa bagay na ito.

Nathan Pinnock pala, ha? Hindi 'yan ang totoo niyang pangalan. He is Ethan Nelson.    Anak siya ng isang total keeper. Si Helena Nelson na matagal na ding namatay. Ang kanyang ama naman ay si Adreo Nelson. Bukod doon, wala na akong alam na iba pa.

Isa pang tanong, bakit iba ang pangalang ginagamit niya? Trip niya lang? Anong pakay niya sa opisina ni Head Master. Wala akong makitang kaugnayan ni Nathan kay Charile. O sadyang wala pa lang talaga akong nakikita?

Hmmmmmm.
Tungkulin ko bilang The Four. Hustisya para sa aking mga magulang. Katotohan tungkol kay Nathan at kung anong kaugnayan niya kay Lavinia, sa ina nito at Head Master. Iyan ang misyon ko ngayon. Aalamin ko ang lahat ng 'yan. Itaga mo sa bato.

****



Ayown, ang daming airtime ngayon ni Eli. Last na 'yan. 😅 Sa next chapter, tuloy ang laban ng THE SIX 😂 este THE FOUR.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now