052 - Team LavAn!

212 21 6
                                    

Team LavAn!

💓💓💓💓💓

Gumulong ako patungo kay Nate at ng matantiya na ang distansiya niya mula sa akin ay mag-asawang suntok sa kanyang sikmura ang ginawa ko. Hindi ka pa din ba matatauhan? Parang hindi man lang ito nakakaramdam ng kahit ano mang sakit. Siya naman ang umatake sa pagkakataong ito. Pasalamat na lamang at naiwasan ko iyon. Tinignan ko ang dalawang pares. Si Marina at King ay mano-manong naglalaban. Pantay na pantay lamang ang mga ito. Si Lily naman ay nagpapahabol kay Eli habang kumakanta ng Arimunding Munding. Ang babae talaga na ito. Mula sa lupa ay nakita kong gumawa ang lalaki ng isang malaking maso? Maso na naman? Naalala ko bigla ang naging labanan namin ng isa sa dating The Four na si Laurent noong nasa isla pa kami. Halos mamatay na ako doon. Nahawakan ko ang maso ng subukan niyang ipatama iyon sa akin. Sinuntok ko siya sa kanyang mukha. Hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa kong iyon. Gumawa siya ng energy ball at ipinagkaloob sa akin iyon dahilan para humagis na naman ako palayo malapit kay Lily.

“Keri pa, vakla?” Nang-aasar na tanong nito.

“Huwag ako ang atupagin mo. Ibalik mo sa normal 'yang si Eliazar.” Imbes ay sagot ko sa kanya.

“Hindi na babalik sa normal ang isang 'yan dahil ipinanganak na iyan na abnormal.”

Tumayo ako at nagpagpag ng mga duming kumapit sa aking damit. Nakakadami na talaga ang isang 'to.

“Lavinia, may tanong ako.”

Hindi ako sumagot dahil alam ko naman na kahit hindi ako magsalita ay sasabihin nito iyon.

“Sino ang kumagat sa apple logo?”

“Tanong mo sa nanay mo.” Sagot ko sa kanya at muling lumapit kay Nathan.

Isang fire ball ang ginawa ko at ibinato sa kanya. Pagdating niyon dito ay gumawa siya ng malaking bato at doon ikinulong ang enerhiyang pinakawalan ko. May mga bagay siya na ipinamamalas na ngayon ko lamang nakita sa kanya. Damang-dama ko ang kanyang lakas. Hindi siya basta-basta maitutumba. Hindi naman na ako makakapagtaka. Isa siyang elemental keeper tulad ko. Hindi siya naging The Four para sa wala lamang. Bahala na. Sinugod ko siya. Nagtagumpay akong mabigyan siya ng isang malakas na sipa sa kanyang tiyan na medyo matigas. Halatang batak na batak. Nagawa niya akong sandaling mahawakan sa aking leeg. Kahit mabilis lamang iyon ay nakaramdam na agad ako ng kakapusan sa paghinga dahil sa sonrang higpit ng pagkakahawak nito. Pagkatapos ay muli niya akong inihagis sa ibaba. Tama na ang larong ito. Kailangan mo ng magising Nate. Kasabay ng pagtayo ko ay isang bato ang papalapit sa akin. Mabilis na naiwasan ko iyon. Kung hindi ako alerto ay baka nakatulog na ako dito ano mang oras. Nahawakan ko ang kanyang kamay bago pa iyon dumapo sa akin. Sinipa ko siya ng dalawamg beses sa kanyang mukha. Tatlong beses sa kanyang tiyan. Gumawa ako ng air ball at ibinato sa kanya. Talsik ito sa isang sulok. Nilapitan ko siya at pinaulanan ng sunod-sunod ma suntok. Buong lakas na ibinalibag ko siya. Sana naman ay matauhan na ito.

Tumayo siya at siya naman ang lumusob patungo sa akin. Natamaan ako sa aking mukha dahil sa ginawa nitong pagsuntok. Napakatigas din ng kanyang kamao. Gumanti ako ng malakas na sampal sa kanyang pisngi. Inulit ko pa iyon ng limang beses. “Parang awa mo na, Nate. Matauhan ka na!” Sigaw ko sa kanya.

Parang wala itong nadinig. Isang sipa ang ibinigay niya sa akin at nagawa akong mapatalsik niyon. Lumapit siya sa akin, binuhat ako sabay hagis ulit. Nahihilo na ako. Dinampot ko ang isang batong nakita ko. Binalot ko iyon sa fire ball at ibinato sa kanya. Sapul na sapul ito kaya nagawa ko siyang mapatumba. Ako naman ngayon. Pinaulanan ko siya ng sunod-sunod na suntok. Maya-maya ay naglabas siya ng isang napakalaking enethiya na siyang ikinabahala ko. Shit. Sa tantiya ko ay hindi na iyon kakayanin ng kweba. Wa na akong nagawa sa mga sumundo na kinilos nito. Pinakawalan niya ang enerhiya. Isang malakas na pagsabog ang nagawa niyon dahilan para yumanig ang paligid. Naglalaglagan na ang ang mga malalaking bato.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now