070 - The End Is Near

136 19 3
                                    

“What's the plan?” Tanong ni Marina habang patuloy pa din kami sa pagtakbo.

Napapagod na ako. Ilang puno na ang nabunggo ko. Hindi ito matatapos kung tatakbo lang kami ng tatakbo. Muli na naman silang bumaril. Muntik na akong matamaan sa binti. Tumalon ako ng mataas para iwasan ang mga ito. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Nag-ala-Tarzan kami sa mga puno. Para kaming mga Amazona.

“Ouch!”

Napalingo ako sa likod ng biglang sumigaw si Lily. Ito kasi ang nahuhuli. Nadapa siya. Bakit kasi kailangang naka-heels pa? Maaga siyang mamatay sa mga pinaggagagawa niya.

“Help me, mga vakla!” Sigaw pa nito.

Ano pa nga ba? Malapit na kaming maabutan ng mga humahabol sa amin. Tinakbo ni Eli ang baliw. Isang metro na lang ay masusunggaban na ito ng leon ngunti bago mangyari iyon ay tumalon na ng mataas si Eliazar at sinipa ang papalapit na kalaban. Talsik iyon sa puno. Ang taas pala niyang tumalon, ha. Tinulungan nitong makatayo si Lily.

“Bakit kasi kailangang may pagdapa pa?” Nadinig kong tanong pa niya. “Saka hindi ba pwedeng ikaw na lang tumayong mag-isa?”

“Ganon talaga. May ganito sa lahat ng pelikula.” Pilosopong sagot nito.

“C'mon, guys!” Sigaw ni Nate na nauuna na.

Muli ay magkakasama kaming tumakbo. Nagpakawala si Marina ng kuryente sa kanyang mga kamay pero isa lang ang nagawa niyang mapatamaan. Daplis pa nga. May palagay akong hindi kami mananalo sa mga ito kung ang kapangyarihan na nakuha namin sa isa't-isa ang pagbabasehan. Hindi namin alam kung paano gagamitin iyon.

May nakita akong boomerang sa lupa sa pagitan ng pagtakbo. Mabilis na dinampot ko iyon at ibinato sa mga ito pero sa hangin lamang iyon tumama. Bwiset. Hindi talaga ako sanay sa armas na 'yan.

“Nice shot, Lavinia.” Sabi ni Nate na nakuha pang mang-asar. Nakangisi ito.

Irap lamang ang isinagot ko sa kanya. Bakit kaya hindi ito ang sumigaw ng magsitalsikan ang mga pesteng leon na 'yan? Nasa kanya ang kapangyarihan ni Lily. Mukhang madali lang namang gamitin iyon.

“Bakit hindi ka na lang sumigaw?!” Sabi dito ni Eli. Pareho ang nasa isip namin.

“Seriously? Magsisisigaw ako dito na parang kinakatay na baboy tulad ng ginagawa ng babaeng baliw? 'Nah, huwag na. Baka may ibang paraan pa! Saka hindi ako sigurado kung epektibo 'yun. Hindi naman sa akin 'to. Tiwala lang. Makakagawa din tayo ng way para maitaboy ang mga sh!t na 'yan.”

Ayaw niya lang sumigaw, eh. Nakababawas ba 'yun ng pagkalalaki niya? Hindi naman, ah. Sinarili ko na lamang ang iniisip.

Kung saan-sang parte na kami ng gubat nakalusot hanggang nakadating kami dito sa may bandang matataas ang damo. Halos kasinlalaki namin. Napakislot ako ng maramdaman ang parang kuryenteng dumaloy sa aking kaliwang kamay. Napangiti ako. Parang alam ko na ang ibig sabihin nito. May something talaga sa lugar na ito na naglalaro sa mga abilidad namin.

Kumaliwa kaming lahat. Kanan. Kaliwa. Kanan. Hanggang sa namalayan na lang namin na wala ng humahabol sa amin sa likod.

.
.

.

.

.
.
.

dahil nasa harap na pala sila. Naestatwa kaming lahat sa kinatatayuan. Apat na leon ang nandidito ngayon at papalapit na ng papalapit sa amin.

Tamang-tama. Inilabas ko ang ispada. Ito ang naramdaman ko kanina. Buti naman at nakisama ka na. “Ngayon, ito ang tikman ninyo.” Inihagis ko iyon sa mga ito. Para siyang may sariling buhay na tumusok sa bawat leeg ng bakal na hayop hanggang sa mawalan ng buhay ang mga ito.

“Wow. Paano mo nagawa iyon?” Manghang tanong ni King.

Tinignan ko siya. Dinampot ko muna ang aking ispada bago siya sinagot. “Kailangan mo lang isipin at damhin na bahagi ng iyong puso at katawan ang iyong sandata.” Muli ko iyong itinago.

“Nandyan na sila.” Pukaw sa lahat ni Eli.

“Tayo na.” Sabi ko sa mga ito.

Muli ay tumakbo kaming lahat patungo sa kung saan habang habol pa din ng mga kakaibang nilalang na ito hanggang makarating kami sa dead end. Yes. Dead end. Nandito na kami sa dulo. Sa isang mataas na talon. Rumaragasa ang tubig sa ibaba na parang may sarili din silang laban.

“This is insane.” Sabi ni King.

Naalala ko may takot nga pala ito sa matataas. Paano ko nalaman? Nabanggit niya noong nasa competition pa kami.

Naghalinhinan ang pagtingin ko sa mga paparating na kalaban at sa talon. Sa kalkula ko mas mukhang ligtas sa tubig. Doon ay hindi na kami masusundan ng mga pesteng ito. Sana lang ay wala ding halimaw sa ilalim niya dahil hindi ko na talaga alam.

“We have to jump.” Sabi ni Eli. “Kung hindi ay magiging pagkain tayo ng mga robot na 'yan.”

“Exciting.” Sabi ni Lily.

Napasapo ako sa noo ng basta na lamang ito maghubad ng suot. Tanging bra na kulay pink at panty na kulay red lamang ang itinira niya. Jusko po. Talaga bang nasa paa ang utak nito? Nakuha pa niyang maggaganyan?

“Swimming time!” Nakangiting sigaw pa niya.

“Pasukan sana 'yan ng linta.” Sabi ni Nate dito.

“Tatalon tayo?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Marina. “Ganyan kataas?!”

Hindi ko masisi ang reaction nito. Para kasi kaming nasa tuktok ng 200 na palapag na isang building. Ganoon kataas ang babagsakan namin kung sakali.

Hinarap ito ni Eli. “Wala na tayong ibang choice. Hindi bale na lang kung gusto mong magpakamatay.”

“Suicidal na din ang sinasabi mo. Hindi natin alam kung anong naghihintay sa atin sa tubig na 'yan. Takot pa akong mamatay.”

“Baka kasi takot ka lang sa tubig.” Singit ni Lily. “May lahi ka bang kambing o pusa?  Tamad ka kasing maligo dahil anak ka ng baluga.” Literal na takot sa tubig ang sinasabi nito.

“Atleast, may chance tayo diyan.” Nagpakawala ng malalim na hininga si Eli. Hinawakan niya ang balikat ni Marina. “This is what we are. Ito ang The Four. Kung gusto mong maging kaisa o katulad namin kailangan mong tanggalin 'yang takot sa dibdib mo bago pa iyan ang tuluyang lumamon sa iyo ng buo. We eat fear for breakfast.”

“He's right.” Pagsang-ayon ko sa kanya.

“Hindi natin alam kung gaano kalalim ang tubig na 'yan.” Muling sabi ni Eliazar. “Ni hindi nga ako ganoon kagaling lumangoy.” Nagsimula na itong humakbang. “Pero ayoko namang matadtad ng bala ang katawan ko.” Iyon lamang at walang pasabing tumalon na ito sa rumaragasang tubig.

“I'm coming, baby boy!” Sigaw ni Lily bago sumunod dito.

Ganoon na din ang ginawa naming lahat. Sana naman ay walang naghihintay na kung ano sa amin sa ibaba.

First Stand *CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ