038 - The Killer

183 28 1
                                    


The Killer


“Moana. Bakit ka ba tahol ng tahol?” Tanong ni Inay sa alaga naming aso.

“Baka nagugutom na.” Sabi naman ni Itay habang nanonood sa tv.

“Haaay. Ano bang nangyayari sayong aso ka? Manang-mana ka sa amo mo. Ang kulit.” Lumabas si Inay para tignan kung bakit hindi matahimik ang alaga namin.

Napatda siya sa kinatatayuan ng pagbukas niya ng pinto ay limang lalaking naka-itim ang bumungad sa kanya. Iyon pala ang dahilan ng pagtahol ni Moana.

“Sino kayo?” Tanong ni Inay sa mga ito.

“Maari bang kaming tumuloy sa inyong tahanan?”

Umalis na kayo. Hindi namin kayo kilala.” Imbes ay sagot ni Inay. Nagtangka siyang ipinid ang pinto pero mabilis na napigil iyon ng isang lalaki.

“Gusto lang naming iparating ang pagbati ng reyna.”

Nagngalit ang aking mga bagang. Sinasabi ko na nga ba. Ang Reyna ang may pakana nito. Siya lang talaga ang may motibo para gawin iyon. Wala akong natatandaang nakaaway o naagrabyado ko. Maging ang mga magulang ko. Mababait ang mga ito at hindi nang-aapi ng kapwa.

Ang sunod na ginawa ng lalaki ay naglabas siya ng enerhiya kaya tumalsik papasok sa loob ang aking una. Tumama ito sa matigas na lamesang nasa sala. Naalarma agad ang aking ama. Nilapitan niya ang aking ina at tinulungan ito.

Tinignan niya ang limang lalaking nakapalibot na sa kanila ngayon. “Anong kailangan ninyo?” Matigas na tanong ni Itay sa mga ito.

“Kayo ang kailangan namin.” Sagot ng isa.

Umiling ang aking Itay. Tumayo siya. “Wala kayong makukuha sa amin kaya umalis na kayo.” Mula sa drawer ng study table na malapit sa kanya ay nakuha niya ang isang baril na nakatago doon at itinutok sa mga ito. “Subukan ninyong humakbang pa at gumawa ng maling kilos. Hindi ako magdadalwang-isip na iputok ito sa mga bungo ninyo.”

“Kaya mo bang pumatay?” Naghahamon na tanong ng lalaking parang leader ng mga ito. Humakbang siya palapit sa aking ama.

Kinasa ni Itay ang baril. “Kaya ko kung para sa pamilya ko.”

“Tignan natin.” Palapit na siya ng papalapit sa aking Itay.

Isang malakas na putok na baril ang narinig sa paligid. Tumama iyon sa lalaki ngunit walang nangyari. Hindi man lang iyon tumalab sa kanya at naging abo lamang. Sinundan pa iyon ng ilang beses na pagpapakawala ng bala ni Itay patungo dito. Lahat ng iyon ay walang epekto dito. Hanggang sa naubusan na ng bala ang baril.

“Tapos ka na?” Nakangising tanong ng lalaking pinaulanan ng bala ni Itay. “Ako naman ngayon.”

Sinakal niya ang aking Itay hanggang sa mawalan ito ng malay. Ang aking ina naman ay walang magawa dahil nahawakan na siya ng dalawa. Sigaw lamang siya ng sigaw habang naiyak. Si Moana naman ay natahol lamang mula sa labas habang nakatingin sa mga ito. Mahina na ang aking mga magulang. Wala ding kapangyarihan o kahit anong abilidad ang mga ito.

“Gawin ninyo na.” Utos ng leader sa apat.

Pumasok ang isa sa kwarto namin. Paglabas ay may dala na itong dalawang mahabang kumot.

“Maawa kayo.” Sabi ni Inay habang naluha. “Pakawalan ninyo na kami.”

“Awa? Patawad pero wala kami 'non. Ibigti ninyo na ang mga 'yan.”

Tulong-tulong na inakyat ng mga ito ang aking amang walang malay at inang patuloy pa din sa pag-iyak at paghingi ng tulong.

Malayo ang bahay namin sa mga kapit-bahay kaya hindi ako sigurado kung may makakarinig dito.

Una nilang ibinigti sa itaas ang aking itay. Sumunod ang aking ina. Pinanood nila ang mga ito hanggang sa mawalan ng hininga.

“Tayo na at iparating ang magandang balita sa Mahal na Reyna.”

Binitiwan ko si Moana. Iyon lamang ang alaala na nakuha ko sa kanya pero sapat na para makilala ang halimaw na gumawa nito sa aking mga magulang. Tumayo ako. Oras na ng paniningil.

********



LAVINIA'S POV

“Saan ka pupunta?” Tanong ko kay Eli ng humakbang siya palabas.

Matagal ito bago sumagot. “Magpapangahin at mag-iisip-isip lang ako. Huwag ninyo akong susundan.” Iyon lamang at tuluyan na itong lumabas ng gate. Maya-maya ay nadinig namin ang tunog ng kotse nito. Humarurot iyon ng mabilis patungo sa kung saan.

“Saan kaya ang lakad ng isang 'yon? ” Tanong ni Nate.

“Baka susunod na din sa Mama at Papa niya.” Hula ni Lily.

Tiningnan ko siya ng masama. “Hindi ka nakakatulong.”

Hindi maganda ang kutob ko dito. Kanina pinanood ko siya habang katabi ang alaga nilang aso. Alam kong binasa niya ang isip ng hayop at mukhang may nakita siyang impormasyon dito mula sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Shit, Eli. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos ng ganito. Kinuha ko ang cellphone at mula doon ay may tinawagan. Dalawang ring bago may sumagot.

“Hello, Adele?” Siya ang HR Department Head.

“Yes, Maam?”

“May tracking device ang lahat ng sasakyan na galing sa Head Quarters, hindi ba?”

“Yes, Maam.”

“Good. Paki tignan nga kung saan patungo ang sasakyan ni Eliazar. Make it fast.”

Sandali itong nawala sa linya. “Patungo sa Divergent, Ma'am. Parang tinatahak niya ang daan papunta sa palasyo.”

Ibinaba ko na ang tawag. Tinginan mo ang mga kasama. “Sinasabi ko na nga ba. Kailangan natin siyang sundan.”

Mabilis na sumakay kaming tatlo sa kotseng dala namin. Si Nate na ang nagmaneho.

“Sa palasyo tayo.” Sabi ko.

Mabilis na umandar palayo sa lugar na 'yun ang sasakyan namin.

“Bakit magtutungo si Eli sa palasyo?” Tanong ni Lily.

“Baka may kinalaman ang reyna sa nangyari. Hindi ako sigurado.” Sagot ko. “Kailangan natin siyang maabutan at mapigilan sa balak niyang gawin. Baka ikapahamak niya din ito.”

Mas binilisan pa ni Nate ang pagpapatakbo sa sasakyan. Buti na lamang at medyo gabi na kaya maluwag na ang daan.

Diyos ko, huwag po Ninyong hayaan na may mangyaring masama kay Eli.

**********

Go,  Eli! Laban lang!

Facts About The Story And The Author

#06 - How do I name my characters?

Sobrang dali. Kung anong unang letter ang makita ko. Simple lang at ayoko ng napaka arteng pangalan. Tapos yung iba sa mga international artist ko naman kinuha yung pangalan. Music Lover kasi ako. Pero foreign song lang. Actually, mayroon akong 2,708 na kanta sa phone ko. 😊😊😊😊 #Skl

First Stand *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon