006 - He Is Eliazar Thirlwall

614 66 22
                                    

He Is Eliazar Thirlwall

Hi. This is me again, Eliazar, for the 2nd time. Thank you for this opportunity. Haha. 'Nyeta. English 'yun, ha? Grabe. Ang dami ng nangyari. Ang bilis ng lahat. Hindi ko inakala na isa ako sa mga mapilili na mapabilang sa The Four. Amaziiiiingggggg. Sino nga ba naman ako kumpara sa kanila? Wala akong binatbat sa mga Elemental Keepers na kasali din. Pero mukhang kapalaran ko ang kinasihan ng mga bathala sa aming daigdig. Putek. Bathala daw, oh? Well, deserving naman siguro ako, hindi ba? Ginawa ko naman ang lahat ng makaya ko. Hindi ako umasa sa kung kanino. Sariling sikap 'to, mga boy.

Ako si Eliazar Thirlwall, ang pinaka-gwapo sa lahat ng nanalo sa The Four. Haha. Biro lang. Baka sumingit na naman si Lily, eh. Kilala ninyo naman ang isang 'yon. Kulang ng limang turnilyo ang utak. Pero totoo 'yun. Walang-halong pagmamayabang.

I'm a telephatic. Pwede din tawaging Paraplegic o Psychic. Nakakabaliw ang kakayahan na 'to. Simula pagkabata ay taglay ko na din. Medyo mahirap sa una. Halos hindi ko kayanin. Umiiyak na nga ako 'nun sa takot dahil napakadaming boses akong nadidinig sa aking isipin. Mga bagay na iniisip nila. Mga bagay na gusto nilang gawin. Halo-halo. Wala akong maintindihan. Nakakatakot ang karamihan sa mga iyon. Lagi akong binabangungot. Muntik pa nga akong madala sa Mental Hospital dahil akala ng mga magulang ko ay nababaliw na ako. Mga anim na taong gulang 'ata ako 'nun noong una ko itong nadiskubre. Matagal na kaya hindi ko masyadong maalala 'yung mga detalye. Ang alam ko lang hindi naging ganong kadali ang lahat para sa akin. Nandyan 'yung mga oras na pati mga hayop ay nadidinig ko na din ang iniisip. Imagine ninyo yun? Kahit palaka o bulate napapasok ko ang utak?

May mga panahong gusto ko ng mawala noong mga oras na iyon. Oo. Seryoso. Gusto ko ng mamatay ng mga sandaling iyon. Takot na takot ako. Gusto ko ng magpakamatay. Pero hindi ko ginawa. Mas takot ako sa kamatayan, eh. No choice. Pakiramdam ko naiiba ako sa lahat. Pakiramdam ko isa akong sumpa. Pakiramdam ko lalamunin ako ng buo ng aking kapangyarihan. Pero lahat ng iyon ay pakiramdam lang pala.

Hanggang lumipas ang mga araw, buwan at taon. Natutunan kong yakapin ang anong meron ako. Natutunan kong tanggapin ang ibinigay sa akin. 'Yun lang pala ang solusyon para tuluyan ko itong matutunan.

Habang lumalaki ako hindi pa din nawala ang kakayahan ko na ito. Pero kaya ko na itong kontrolin. Kung kailan, kung paano at kung saan ko ito dapat gamitin.

Hindi naging madali ang buhay ko. Sabi ko nga, isa lang akong tindero ng gulay at mga isda sa palengke. May pwesto kasi doon ang mga magulang ko. Maaga akong gumigising para magtungo doon. Mga alas-tres siguro ng madaling araw. May mga namimili na kasi ng 4am. Tapos uuwi ako ng mga 11pm. Tulog, then, gising, tapos trabaho tapos tulog ulit. Iyon na ang kinalakihan ko.

Wala akong masyadong kaibigan dahil nga dito sa kakayahan ko. Kinakatakutan kasi nila ako. Saka sino pa ang gugustuhing maging kaibigan ako kung iniisip na nilang papalapit pa lang sila sa akin alam ko na ang buong kwento at sikreto ng buhay nila? Madalang kasi sa lugar namin ang may kapangyarihan. Nabibilang kasi ako sa pinakamahirap na nasyon sa buong Athens. Para bang mga latak na lang ng lipunanan ang mga naninirahan doon. Parang walang mga direksiyon ang buhay. But don't get me wrong, mga dude. Hindi kami masasamang mga nilalang. Kaya ayon, sinanay ko ang sarili ko na mag-isa. Hindi naman ako mag-isa, eh. Nandiyan ang magulang ko at alagang si Moana. 'Yan yung aso ko.

Ito ang susunod kong sasabihin sa inyo na hindi kayo agad-agad maniniwala. Alam ninyo bang matagal ko ng nakikita si Lavinia? Oo. Totoo 'yun. Madalas kasi siyang nagbabagsak ng mga huling hayop sa katabi naming pwesto. Saan kaya niya nakukuha ang mga 'yon? Take note, tatlong beses na siyang nakabili sa pwesto namin at ako pa ang tindero ng mga sandaling iyon. What a coincidence, hindi ba? Coincidence nga lang ba iyon para sa akin? Ay nako. Ayan ka naman, Eliazar. Bakit hindi ko sinabi sa kanya? Bakit? Para saan pa? Halata namang hindi niya ako nakilala. Saka wala naman akong mapapala kung sasabihin ko, 'di ba? Mukha din kasi siyang mataray. Pero huwag ninyong sasabihin 'to sa kanya, ha? Ilang beses kong sinibukang pasukin ang kanyang isipan pero ilang beses din akong nabigo. Sobrang lakas ng panangga niya. Marahil ay ganoon din kalakas ang kanyang kapangyarihan. Ibang klase siya na babae. Palaban, ha? Saka magsisisi ka talaga kapag siya ang pinatos mo. Walang duda 'yun.

Hindi na ako nakapag-aral. Hindi naman kasi marangya ang buhay namin. Ako na din ang nagsabi sa mga magulang ko na huwag na akong ipasok sa paaralan. Para saan pa? Ayoko kasi silang mahirapan. Matatanda na sila. Hindi naman 'yun ang sukatan ng talino, hindi ba? Alam mo ba na kapag nasa paaralan ka, you miss the half of your life? Oo. Totoo 'yan. Mas makabuluhan ang buhay dito sa labas. Mas marami kang matututunan na ma-i-apply mo sa tunay na buhay. Ang experience mo sa buhay ang tunay na karunungan. Ang mga nasa paligid mo ang tunay na kaalaman. 'Yun ang paniniwala ko. Kung ayaw ninyong maniwala, edi wag. Pake ko?

Napaka-swerte ko dahil isa ako sa napili sa The Four. Mababago ko na ang buhay namin. Lahat na ng bagay na makikita dito sa Athens ay may access ako. Instant celebrity na din ang turing nila sa amin. Nakakapanibago pero masaya. Nakakain ko na 'yung mga pagkain na dati'y sa pangrap ko lang. Nasusuot ko na 'yung mga magagandang damit na sa tv ko lang nakikita. Lahat ng gusto kong kuhanin o magustuhan ay pwede ng mapasa-akin sa isang pitik ko lang. Parang milyonaryo na ako. Pero syempre kaakibat 'nun ang malaking resposibilidad. Ngayon ibinigay sa akin ang pamamahala sa Department of Safety and Security hindi lang sa The Pal kundi sa buong siyudad ng Athens. Galing, hindi ba? Para akong instant CEO ng isang malaking kumpanya. May gagampanan din akong tungkulin sa The Four University na nasa loob din ng PAL. Sa akin iniaatas ang lahat ng subject na konektado sa powers and abilities.

Here's Some Facts About Myself

1. Age : 24
2. Place : Allegiant (The 8th and last tribe of Athens)
3. Birthday : May 11
4. Favorite Color : Red
5. Favorite Food : Anything basta ginataan
6. Four Words To Describe Myself : Medyo Bastos Pero Maginoo
7. Relationship Status : Status lang. Walang relationship
8. What I hate : 'Yung ginagago ako.
9. Makes me laugh : Mga katangahan ni Lily Cruz
10. Crush : Abangan ninyo na lang sa mga susunod na kabanata.

Nandito ako ngayon sa The Pal. Nagmamaneho ng sasakyan habang tinitignan ang paligid. Ano-ano kayang business ng mga nandito? Try ko kayang basahin ang mga isip nila? Oh, very bad, Eliazar. Huwag 'ganon. Dumiretso ako sa Security Department.

Pagpasok ay sinalubong ako ni Diana. Siya 'yung inatasan kong mamuno sa lahat ng iuutos ko. Magaling naman 'yan. Sexy pa.

"Good Morning, sir. " Bati niya pa.

"Good Morning. Gusto kong higpitan ang security sa buong Head Quarters. Napadaan ako kanina sa old gate. May butas na doon na kayang pasukin ng mga magnanakaw. Medyo kulang din ang CCTV natin sa bawat kanto. Natawagan mo na ba si Mr. Lee? Sabihin mo sa kanya na no deal hangga't hindi niya ibinibigay ang gusto ko. Maliwanag ba?"

Tumango siya. "Yes. Sir."

"Paki-cancell na lang din 'yung meeting ko mamayang 11am. May pupuntahan ako. Makakapaghintay naman siguro ang mga 'yan."

Sa pangalawang pagkakataon at tumango lang siya. Wala naman siyang choice.

"Paki-timpla mo na din ako ng kape."

"Yes, Sir."

"Oh, Diana."

Muli siyang lumingon sa akin.

"No creamer, please?"

Dumiretso ako sa office ko. Bago pa lang ako uupo ng biglang makatanggap ng mensahe mula kay Charlie. Sino 'yun? Si Head Master. 'Yun na lang daw ang itawag nami sa kanya, eh.

Napakunot ang noo ko pagkabasa sa mensahe nito. May problema daw? Ano kaya 'yun? Medyo kinakahabahan na na-e-excite ako. Baka 'yun na 'yung first mission namin. After two months! Eto na! Yay!

***********

Oh, ayan. Medyo nakilala ninyo na siya? Ano ng tingin ninyo kay Eliazar?

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now