057 - The Haunted Mansion

183 21 10
                                    

💓💓💓💓💓

Makalipas ang ilang oras na paglalakad sa malubak na daan ng Arigundon ay narating din namin ang pinaka-dulo niyon. Makikita sa malawak na kapatagan ang isang malaking balon na unang tingin ko pa lang ay alam ko ng malalim at punong-puno iyon ng tubig. Sa gilid niyon ay may isang plakard na nakalagay sa mahabang kawayan. Mula doon ay nakasulat ang salitang THIS WAY kasama ang isang arrow na nakaturo pababa.

Agad kong nakuha ang ibig sabihin niyon. Tinignan ko ang mga kasama. “Ito ang daan patungo sa susunod na istasyon.”

“Sa ilalim ng balon na 'yan?” Tanong ni King na bakas ang takot sa tinig nito.

Hay, naku. Hindi na natuto ang mga ito. Hindi pa ba nila nare-realize hanggang ngayon na walang puwang sa mundong ito ang mga mahihina ang loob at duwag? Maaaga sila namamatay. Well, buhay naman nila 'yan. “Oo. Wala naman tayong ibang mapagpipilian. Ihanda ninyo na ang mga sarili ninyo dahil lulusong tayo diyan.”

Binalingan ko ang baliw na babae na abala sa pagse-selfie at halatang wala pa ito sa katinuan para gawin ang susunod na hakbang. Pero kailan nga ba siya napunta sa katinuan? Hindi pa nangyayari ang bagay na iyo. Nagulat ako ng lumapit siya sa balon at naghagis ng isang piraso ng barya doon na dinukot niya sa kanyang bulsa.

“Sana po magkaroon na ng utak si Marina. Hindi ko na po hihilingin ang kagandahan para sa kanya dahil alam ko naman pong hindi matutupad iyon. Isang himala na po ang kailangan niya.” Sabi pa nito. Tinira na naman niya ang babaeng nananahimik.

“Anong trip 'yan?” Tanong dito ni Eli habang hindi maipinta ang mukha. “Ano 'to, wishing well?

“Ay,  hindi. Wishing mishine 'to.” -Lily.

“Waley, Lily.” -Nate.

“Mas waley ang pagmumukha ni Lavinia.”

Dinampot ko ang isang maliit na sanga ng kahoy na naririto at inihampas sa walang preno ang bibig na babaeng ito. “Bakit ako na naman ang tinitira mo, ha?”

Hindi niya ako pinansin at muli na namang naghagis ng barya sa balon. “Para naman po iyan kay King. Sana po ay lumaki na ang kanyang pagkalalaki at magpatuli na siya sa susunod na Mahal na Araw.”

“Supot ka, bro?” Tanong ni Nate kay King.

Jusko po. Isa pa 'to si Nathan. Hindi ko alam kung sinasakyan na nga lang ba nito ang baliw o sadyang napapaniwala na din ito ng babae? Baka sa susunod ay magmodel-model na din ito? Hindi ko ma-imagine. Ang laswa.

“Of course not!” Sigaw nito at tinignan si Lily. Dinuro niya ang babae. “Nagpapaniwala kayo sa isang 'yan eh kulang-kulang sa turnilyo 'yan.”

“Hindi ka supot?” -Lily

“Hindi.” Matigas na sagot nito.

“Hindi ako naniniwala. Patingin nga ako.”

Napayuko ako habang nakahawak sa aking noo. Wala na talalagang pag-asa ang isang 'to. Tuluyan ng nilamon ng makamundong pagnanasa sa kanyang kapwa.

“Ay,  ayan. Para-paraan, ha?” Singit naman ni Eli.

Isa pa 'yan. Suportado niya lahat ng kabaliwan ni Lily.

“Syempre, tigang na tigang na ako, eh. Kahit sino keri na basta madiligan lang ang pechay ko.”

Patawarin po Ninyo ang kanyang makasalanang katawang lupa. Hindi pa din talaga ako masanay sa mga kababuyang naririnig mula sa bibig nito. Hindi ko talaga kaya.

“Desperada ka na talaga.”

“Basta huwag lang ikaw dahil negro ka. Baka negro din 'yang alaga mo. Ayoko. Nakakadiri.”

First Stand *CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora