062 - The 4th Station

134 20 2
                                    

Isa-isa kaming bumagsak sa lupang matigas. Peste. Bakit ba kailangang lagi na lang bumabagsak? Inayos ko ang sarili at nagmasid sa paligid. Saan na naman kami dinala ng kapalaran?

Malawak na kagubatan. Na naman? Kinuha ko ang mapa sa bag. Binuklat ko iyon. Sa taas ng Haunted Mansion ay kusang gumuhit ang isang lugar. Cated Forest. Kakaiba sa pandinig. Itinago ko ulit ang gamit.

“Nasa pang-aapat na istasyon na kaya kami? Anong lugar kaya ito?”

Binalingan ko si King ng madinig ang tanong niya. “Oo. Nandito na nga tayo. Ito ang Cated Forest. Isang malawak na lugar sa bandang Dauntless na hindi pa marahil nalalaman at natutuklasan ng lahat.”

Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nito sa sinabi ko. “Wow. Hindi pa man ako nagtatanong pero nabasa mo ang nasa isipan ko. Telephatic ka din?”

“Ano?” Napakunot ang noo ko. anong pinagsasasabi nito? Hindi nagsasalita? Ang lakas-lakas kaya ng boses niya.

“My gaaad. Baka may lahing mangkukulam siya.”

“Hindi ako mangkukulam, Lily.”

Napatingin ang lahat sa akin sa puntong iyon. Naramdaman ko ang paghawak ni Nate sa balikat ko. “Wala namang nagsasabing mangkukulam ka.”

Nakakalokong tinignan ko siya. Nakikisakay talaga 'to sa kalokohan ni Lily. Trip ba ako ng mga ito?

“Okay lang kaya siya? Baka epekto 'to ng pagkabagsak namin?”

Doon na ako natigilan ng madinig ang sinabi ni Marina. Hindi dahil tama siya kundi dahil wala naman talaga siyang sinasabi! Nasa harapan ko siya at kitang-kita kong hindi man lang bumubuka ang kanyang bibig! Nalilitong tinignan ko sila isa-isa habang nakatingin din sila sa akin. Marahil ay hinihintay nila ang kung ano mang sasabihin ko. Bakit ganito? Bakit parang nadidinig ko sa aking utak ang mga nasa isipan nila. Napatingin ulit ako kay King. Kung telepathic daw ba ako? Napabuntong-hininga ako. Mas pinili kong manahimik na lang muna.

“Wala 'to.” Sabi ko sa kanila. “Nahilo lang ako.”

“Okay ka lang?” Baka sa boses ni Nate ang pag-aalala.

Tumango ako. “Tayo na.” Sabi ko sa mga ito.

Nagsimula kaming baybayin ang kagubatan sa tirik na tirik na araw. Pasalamat na lang sa malalagong puno kaya hindi kami masyadong naiinitan. Pinili kong dumistansiya muna sa kanila ng kaunti. Hindi naman napansin ng mga ito iyon dahil abala sila sa pagdadaldalan na para bang kami lang ang nilalang na naririto.

“Isa kang brown sugar, Eli.” Boses ni Lily. Kanina pa siya. Iskandalosa talaga.

“Bakit naman?”

“Maiitim pero sweet.”

Tawanan.

“Nice one, Lily.” -King

“Meron din ako.” Sabi ni Eliazar. “Oh,  eto... ”

Hindi ko na masyadong napag-uukulan ng pansin ang sinasabi ng mga ito. Parang biglang nagkaroon ng kirot sa sentido ko na nagdudulot ng pananakit ng ulo ko.

“Mga baliw talaga ang mga 'to.”

Si Marina. Hindi siya nagsasalita sa mga sandaling ito kaya nakakasigurado akong sa aking isipan ko iyon nadidinig. Posible ba talaga ito? Bakit parang nagkaroon ako ng kakayahang madining at malaman ang nasa isipan nila? Anong nangyayari? Ano 'to? Bagong kapangyarihan? Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam ang maiisip. Una, air element. Tapos ito naman ngayon? Hindi ko na talaga alam. What the hell is happening? Pakiramdam ko para akong nanghihina. Parang may nawala sa akin. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko sa aking katawan. Idagdag pa ang isipan kong ito. Bakit patuloy akong nakakarinig ng boses sa akong isipin? Anong nangyayari? Nakapaka-daming tanong ang gusto kong masagot agad ngayon din.

“Oh,  shit. Nandito pa pala 'tong picture na ito ng babaeng kahawig ni Lavinia.”

Natigilan ako ng madinig ang nasa isip ni Eliazar. Picture na kamukha ko? Ano ito? Mas pinili kong mag-concentrate para mas mabasa pa nasa isipan niya. Nakuha niyon bigla ang atemsiyon ko. Mamaya na ako mag-iisip ng kung ano-ano. Hindi ako maaring magkamali. Binanggit niya ang pangalan ko.

“Bakit ito na kay Nathan? Anong ginagawa niya sa opisina ni Head Master ng gabing iyon?”

Nathan? Head Master? Gabing iyon? Picture? Ako?

Sige lang, Eliazar. Isipin mo lang ang gusto mong isipin.

“Dapat kong malaman kung ano ang connection ng lahat ng ito. Hindi kaya siya ang ----- ”

.

.

.

.
Ang ano,  Eliazar?

“Shit. Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba? Ano 'to? ”

Pagkatapos niyon ay wala na akong nadinig mula sa kanya. O sa kahit na sino man. Patuloy lang sa pagsakit ang ulo ko. Bwiset. Ano ang nabasa kong iyon sa isipan ni Eliazar? Litratong kahawig ko? Gabi? Si Head Master? Si Nathan? Magugunaw na ang utak ko sa kakaisip pero wala pa din akong makuhang sagot. Isa lang ang alam ko. May alam si Eli na hindi ko alam. Na hindi namin alam. Sangkot ang pangalan ko 'don. Ganoom din ang kay Nathan. Ayokong mag-isip ng kung ano pero mabuti na ang sigurado. Aalamin ko ang tungkol sa litratong iyan.

Sinabayan ko na sila sa paglalakad.

“Mga bakla.” Sabi ni Lily.

“Ano na naman?” -Marina

“Parang nag-iinit ako.”

“Baka nalilibugan ka lang sa akin.” Natatawang sabi ni Eli. Bunganga din talaga ng isang 'to.

“Ikaw ang hindi ko pinangarap man na lang na malibugan. Ang itim mo. Kay Lavinia ako nalilibugan.”

Gago ang babaeng 'to, ah. Hihilain ko sana siya para patikimin ng isa pero agad din akong napabitaw sa kamay niya ng maramdaman ang sobrang init na nagmumula doon.

“What the fvck.” Hindi ko napigilang sabihin. “Nakakapaso ang kamay niya sa sobrang init!” Tinignan ko ang mga kasama. “Subukan ninyo siyang hawakan.”

Ganoon nga ang ginawa ng mga ito. Iisa lang ang reaction naming lima. Napalayo kami kay Lily.

“Anong nangyayari sayo?” Manghang tanong ni King dito.

“Hindi ko alam!” Sigaw nito. “Ang init na ng pakiramdam ko mga vakla!!!! Gusto kong tubiiiiiiiiggggggggggggg!!!!!!!!!!!!! ”

Nagkatinginan kaming lahat ng matapos ang sigaw na iyon ni Lily. Bakit hindi man lang kami tumalski sa sigaw nito? Bakit parang biglang nawala ang enerhiyang nagmumula doon? Ano ba talaga ang nangyayari? Patuloy pa din sa pagsakit ang ulo ko. Hindi ko na kaya kaya hindi ko na napigilang mapaluhod sa lupa. Parang binibiyak na kasi ang utak ko. Lalo na ang kaloob-looban niyon.

Naramdaman ko agad ang paglapit ni Nate sa akin habang ang tatlo naman ay nakaalalay sa kung ano mang nangyayari kay Lily. “Okay ka lang? May nangyayari din ba sa'yo? Tell me, Lavinia, please. Let me help. ”

Napapikit na ako sa sakit na nararamdan. Hindi ko na alintana ang pagluhod ko sa lupa. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. “Nanghihina ako.” Pagtatapat ko dito habang habol ang hiningi. “Hindi ko sukat kung ano ang nangyayari pero may palagay akong may kinalaman ang lugar na ito sa mga nagaganap.” Inilalayan ako ni Nate na makatayo habang nakasandal ako sa kanyang dibdib. Kung wala iyon ay baka tumumba na ako. Napakasakit talaga na ulo ko. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko. Parang tinataga ang utak ko. Gusto kong sumigaw. Pero bakit pakiramdam ko para akong mas lalong nanghina sa paglalapit naming iyon. Hawak pa din niya ang kamay ko at ramdam ko ang sensasyong nagmumula doon patungo sa aking kaibuturan. Bakit ganito na lang kalakas ang epekto niya sa akin? Jusko, Lavinia. Unahin mo 'yang pananakit ng ulo mo hindi 'yang paglandi. Excuse me. Hindi ako lumalandi.

Sinikap kong tumayo ng tuwid para makaalis na sa tabi niya. Halos nakayakap na siya sa akin,  eh.

“Kaya mo na?”

Tumango ako. “I can handle.” Sumandal ako sa puno para iyon ang sumalo ng bigat ko. Baka mapahiga pa ako sa baba ng wala sa oras.

Maya-maya'y napanganga kaming lahat ng walang ano-ano'y bigla na lamang nag-apoy ang buong katawan ni Lily!

First Stand *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon