024 - The Princes of Athens

240 42 12
                                    


The Princes of Athens

“Siya ang aking bunsong anak.” Pagpapakilala ni Queen Hestia sa prinsipeng nagsalita. “Si Prince Supremo.”

Siya pala ang bunso sa tatlo. Supremo? Pangalan pa lang parang nakakatakot na.

“Siya ang namumuno ngayon sa Candor.”

Ahhhh... Kaya pala nandoon ito. I see.

“Ano ba ang mga pagkain na ito?” Tanong ni Lily habang iniisa-isa ang mga nakahain. “Bakit parang mga sinaunang food pa 'to? Wala man lang bang pa-salad diyan? Oh, graham cake? Kahit tokneneng at kwek-kwek na lang. Pwede na 'yun. Papatusin ko na. My gaaaaadddd. Very poor.”

Tuluyan ko ng tindyakan ang paa nito.

“Aray!” Tumingin siya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Tumingin ako sa Reyna. “Ipagpaumanhin ninyo na po ang isang 'to. Sadyang may katabilan lang po talaga ang dila. ”

“Nalaglag po kasi 'yan sa duyan noong sanggol pa lang. ” Dagdag ni Eli.

“Ayos lang.” Queen Hestia. “Siya naman si Prince Ryle.” Itinuro niya ang nasa pangalawang bangkuan sa kanyang mga anak.

“Siya po marahil ang pangalawa.” Sabi ni Eli habang kumakain ng mansanas. Mukhang at home na at home na ito.

“Hindi.” Sabi ni Lily habang nilalaro ang sindi ng kandila. “Pang-pito siya Eliazar. Malamang pangalawa siya. Nasa gitna, oh.”

“Tama kayo. Siya nga ang pangalawa. Siya na lamang ang kasama ko dito sa kaharian. ” Sabi nito habang ang tinutukoy ay abala lamang sa pagkain. Hindi man lang ito nagsalita. Bakit parang hindi sila close sa isa't-isa? May problema kaya ang maharlikang pamilya na ito?

Ang panganay na nasa tabi ng reyna naman na prinsipe ang tinignan ko. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan o kung kailan ko siya nakita. Iisa lang ang sigurado ako. Nakita ko na talaga siya. Hindi ko lang matukoy kung saang pagkakataon.

“Siya si Prince Walker. ”

Walker? Parang nadinig ko na 'yun.

“Isa siya sa miyembre ng The Four bago ninyo sila napalitan.”

Binggo! Sa sinabing iyon ni Queen Hestia ay naalala ko na ito. Isa siya sa apat ng nilalang na humamon sa amin noon sa isla! Isa pa lang siyang prinsipe. Ang galing naman.

“Ahhh... Oo. Naaalala ko na. Kaya para palang pamilyar ka sa akin. ” Sabi ni Eli. “Kayo 'yung pumunta sa isla. Tama ba?”

“Yes. ” Maikiling sagot nito.

“Ikaw 'yung natalo ni Nathan,  right?” Sumingit na naman ang walang prenong bunganga ni Lily.

Oo. Natalo nga siya ni Nathan. Sa pagkakaalam ko isa siyang air keeper at may kakayahan din siyang mag teleport.

“Wala lang ako sa mood noong mga panahon na 'yun.” Sagot nito na para bang guatsng sabihing naka tyamba lang ang kasama namin.

“Pwede naman tayong mag-rematch if you want. ” Singit ni Nathan na larang hindi papatalo. Ah,  hindi talaga papatalo 'yan.

Nagkatitigan ang mga ito.

.
.
.
.
...

....


.
Mga sampung segundo
..

..
Bago nagsalita si Lily. “Anyway highway. Queen Hestia, may tanong ako.”

First Stand *CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang