005 - Mortal World

766 76 35
                                    

Mortal World

“Bellllllllllaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!! ” Sunod-sunod na kalampag mula sa pinto naman ang nadinig ko pagkatapos niyon. “Hindi ninyo ba talaga bubuksan ang bwiset na pinto na 'toooooooooo???????  Huwag ninyong hintaying tumawag pa ako ng barangay,  mga bwiset kayoooooo!!!!!! ”

Kahit hindi ko buksan ang pinto kayang kaya mo nang gawin 'yan dahil sa lakas ng paghampas mo walang duda na magigiba ang buong bahay namin. Papasok pa lamang sana ako sa banyo para maligo ay iyon na ang nakakairitang boses na nadinig ko. Tumingin ako sa wall clock. Alas-siyete pa lang ng umaga. Ang aga na naman nitong mambulahaw. Paniguradong gising na naman ang mga kapit-bahay. Nakakahiya. Umpulan na naman kami ng chismis.

Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang chakang pagmumukha ni Aling Chocolate. Oo. Chocolate ang pangalan niya pero muka siyang pulburon. Siya ang may-ari ng inuupahan naming bahay dito sa tinaguriang Silver Lining City of the Philippnes.......... Tondo,  Manila.

Nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Sing tamis ng asukal na inaamag. “Anong pong maipaglilingkod ko sa inyo,  Aling Chocolate? ”

Ikinumpas niya ang kanyang kamay na akala mo ba'y may lalabas na magic doon.  “Huwag mo akong daanin sa mga paganyan-ganyan mo. ” Inilahad niya ang kanyang kaliwang palad sa pagmumukha ko. “Nasaan na ang apat na buwang ipinangako mong bayad sa bahay,  kuryente, at tubig?”

Bumuntong hininga ako. Parang machine-gun ang bunganga nito lalo na kung pera ang pinag-uusapan.

“Maghintay lang po kayo dito. ” Magalang pa din na sagot ko sa kanya. Sabi kasi ni Inay matuto daw gumalang sa mga nakakapangit kaya iyon ang ginagawa ko.

Kinuha ko sa bag ang pera na sana ay pang enroll ko sa kolehiyo. Saka na muna siguro 'yun. Makakapaghintay ang mga ganoong baagy. Mahirap mapalayas lalo na sa ganitong siwasyon na kinakaharap namin. Ibang klase pa man din maki-usap kay Aling Chocolate. Akala mo naman ang ganda-ganda ng bahay niya eh isang kalampag na lang niya ay guguho na ito. Pero, huwag ninyong mamaliitin 'tong lugar namin,  ha? Kahit barong-barong at pinagdikit-dikit na tabla, yero, at sako lamang ay karamihan sa mga bahay dito ay may second floor. Bongga, hindi ba?

Inabot ko sa kanya ang bayad. Para itong teller sa bangko na sobrang bilis magbilang ng pera. Huwag kayo,  daig pa ng machine ang kamay niyan. Walang makakalagpas doon. Pwedeng may labis,  walang kulang. Bilang at kwentada lahat miski sentimo.

“Kalahati lang to. ” Sabi niya matapos bilangin ang pera. Isinilid niya iyon sa kanyang bag na akala mo original,  peke naman. Parang pagmumukha nito.

“Hahanap pa po ako ng pagdedelensiyahan.” Totoo naman 'yun. Kilala ko 'yang bwiset na maniningil na 'yan. Pag sinabi niya,  sinabi niya. Pag pera niya,  pera niya.

Dinuro niya ako ng daliri. “Siguraduhin mo lang Bella,  ha? Sawang-sawa na ako diyang sa mga pangako ninyong laging napapako. Ganyan naman kayo kapag mabait ang isang tao inaabuso ninyo naman. Sobra kayo. Hanggang mamayang alas-sais na lang ang palugit na ibibigay ko sayo. Kapag wala pa pasensiyan na tayo. ”

'Yun lang at umalis na ito kasama ang kanyang apat na alipores na puro lalaking mukhang tagakatay ng baboy sa palengke.

Isinara ko ang pinto at napasandal doon. Mabait? Yun ba ang mabait? Kung ganoon ang mabait wala ng masama sa mundo. Kung ganoon ang mabait, parang mas gusto ko na lang maging masama. Haaaay. Bwiset na matabang 'yun. Panira sa araw. Sana lang ay may makuhanan talaga ako mamaya. Pero baka naman hindi niya totohanin ang kanyang banta. Naka kubra na siya, eh. Saka sa kanya din kaya 'yung ilegal na pasugalan sa may kanto. Pagkakaalam ko malaki ang nakukuha niya doon. Bakit kailangan niya pang manggipit ng ganito? Isumbong ko kaya siya sa kapitan ng barangay? Pero duda ako kung mapapasara niyon ang kanyang mga ilegal na gawain. Eh,  nasa payroll niya rin si Kapitan,  eh. Saka ilang mga basagulero at takaw gulo dito na talamak sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot ang nasa listahan din niya. At ang mas malala baka pag sinumbong ko pa ito ay magkaroon pa ako ng gripo sa aking tagiliran. Huwag naman. Mahal ko pa ang buhay ko.

Pagkatapos mag-walling sa likod ng pinto ay nagtungo na ako sa banyo. Itinuloy ko ang naudlot na pagligo. Mabilis na nakapag-ayos at bihis ako. Sinigurado kong nakapatay na ang lahat ng appliances. Wow,  appliances talaga? Eh, isang de-pukpok na tv na may likod,  isang electric fan na wala ng takip sa unahan at maliit na bombilya lang naman ang nandito sa loob ng bahay namin.

Inayos ko ang sarili sa salamin. Sana payagan akong makapag-cash advance sa pinagta-trabahuhan ko at ng may maisampal ako sa bibig ng baboy na 'yon. Bwiset talaga. Nakikisabay pa siya sa problema namin. Pagbukas ko sa pinto ay isang panauhing pandangal ang bumuluga sa akin. Ano na naman ang kailangan ng kumag na ito sa akin?

“Good Morning,  may labs.” Ubod lawak ang ngiting bati niya sa akin.

“My loves? Kadiri.” Siya si Third. Manliligaw ko “daw” siya,  ha? Sabi niya. Isang tricycle driver sa may kanto 'yan. “Ano na naman ang kailangan mo? ” Pinanalakihan ko siya ng mata. Ito na marahil ang pinakamakulit sa lahat ng makulit.

“Hindi mo man lang ba muna ako papapasukin?” Sumilip-silip pa siya sa loob.

Ipininid ko na ang pinto at kinandado ang podlock niyon. “Nakikita mo naman,  hindi ba? Paalis na ako.”

“Ganon? Okay. ” Saglit itong sumimangot, nagkamot sa ulo at sabay ngumiti. “Pero, may labs,  pinagluto kita ng baon mo. ” May inabot siya sa aking plastic. Dalawang maliit na tupperware ang nandon. “Peyborit mo 'yan. Bicol express at sinangag. ”

Tinanggap ko iyon. Aba,  sayang din. Lamang tiyan dito 'to. Magkano din ang isang order ng ulam at kanin sa karinderya. “Oh,  ang sweet naman. ” Nginitian ko siya. “For all I know luto naman 'to ng nanay mo. Baka natira ninyo lang 'to kagabi.”

Ngumiti ito. Infairness,  ha. Kahit maiitim siya at sunog ang balat sa araw ay maputi ang mga ngipin niya. Parang mas maputi pa sa akin. “Actually, noong isang araw pa 'yan. ”

Tiningnan ko siya ng masama.

Tumawa ito ng malakas. “Dyas kiding.”

“Tigil-tigilan mo ako diyan sa kaka-ingles mo,  ha? Hindi bagay. At saka alam mo ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?”

Muli ay napakamot ito sa ulo. “Hindi nga,  eh. Napanood ko lang sa tibi. ”

Inirapan ko siya. “Oh,  siya. Hatid mo na ako sa trabaho. ” Magkano din ang natitipid ko sa pagsabay sa tricycle niyang bulok. Hindi ako nanlalait. Nagsasabi lang ako ng totoo.

“Oo naman, aking Prinsesa”

“Good. bukas ulit,  ha? At kung may matira kayong ulam mamaya bigay mo na lang din sa akin. Sayang kasi kung itatapon ninyo. ” Palusot ko pa.

“Basta para sayo,  may labs.”

“Okay. That's my tricycle driver boy.”

*******

Unang sulyap kay Bella, ang medyo matinong mortal version ni Lily. Sino si Third?  Ano ang magiging papel nila si The Four? Abangan.

First Stand *CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt