030 - Eli's POV

220 38 21
                                    

Eli's POV

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nakita kong paubos na sila. May namataan akong papunta sa direksiyon ko. Dalawa sila. Tig-isang suntok ang binigay ko sa mga ito. Tumba agad. Kahit papaano ay nadagdagan ang kaalaman ko sa pakikipaglaban sa paglipas ng mga buwan. Sinipa ko pa ang isang paparating. Sapul ito sa mukha. Dinampot ko ang ispada kong nahulog kanina at iwinasiwas sa mga ito. Ang laki na din pala ng ipinagbago ko. Mas magaling na ako ngayon at syempre mas gwapo na din. Ako pa ba?

Napatingin ko sa kabilang banda. Napakunot ang noo ko ng sabay na bumagsak sa lupa sila Nate at Lavinia. Tsk. Umiiskor lang 'yan,  eh. Inihagis ko ang sandata sa halimaw na patungo sa kanila. Tumama iyon sa ulo nito at doon ay nakuha ko ang atensiyon nila. Mabilis na tumayo ang dalawa at inayos ang sarili. Napailing na lamang ako. Hanggang dito ba naman Nate?

Oo. Alam kong gusto niya si Lavinia at nais niyang manligaw. Nadinig ko kaya 'yung sinabi niya dito sa loob ng kwarto ko. Pero hindi ko na alam ang isinagot nito. Baka oo. Pero pwede din namang hindi,  'di ba? Malay mo naman,  Eliazar. Baka may iba siyang gusto.

Shit. Namukhaan niya kaya ako kanina?

Natigilan ako ng saglit na mabasa ang isip ni Nate. First time 'yun, ah? Madalas kasi laging parang may pananggalang na nakaharang sa isip nito na parang si Lavinia. Malalakas kasi sila at hindi ganoon kadali sa akin na pasukin ang utak nila. Saka bakit ko naman gagawain 'yun? Alam ko ang salitang privacy,  no? Weh? Talaga ba? Huwag ako, boy. Kilala kita. Haaaayyyy. Namukhaan niya ba ako kanina? Ano 'yun? Iyon lang kasi ang nadinig ko at wala na. Namukhaan? Saan? Ano? Tsk. Kaya ayokong bumabasa ng isip, eh. Mas lalo akong naku-curious kahit hindi na tamang panghimasukan ang isip ng mga ito. Pero anong magagawa ko? Ito ng kapangyarihang ibinigay sa akin. Pinagyayaman ko lang. Talaga ba,  Eli?  Edi ibaon mo sa lupa. Peste. Iyan na naman ang utak ko. Sabay-sabay na naman na kusang nagsasalita. Haaaayyyy.

Hinawakan ko ang isang kamay ng halimaw at inihahis siya sa malayo. Ano, gusto ninyo pa? Sige. Kahat magsama-sama pa kayo. Mga pangit na 'to.

Isang malakas na pagsabog ang nagapanap ng magpakawala si Lavinia ng enerhiya. Pero hindi apoy ang lumabas sa kanyang mga kamay kundi hangin. Huh? Ano 'yun? Fire keeper 'to, hindi ba? Bakit biglang may air element? Pero hindi lang 'yun nangyari ngayon. Una na din naming nakita iyon noon sa kompetisyon sa isla. Bakas na naman ang pagkagulat sa mukha nito. Wow. Mukhang may hindi pa siya tuluyang nadi-diskubre sa kanyang sarili.

Ano 'to? Bakit hangin ang lumabas? Ano ang ibig sabihin 'non?

Saglit akong napangiti ng mapasok ang isipan nito. Isang himala iyon, ah. Dahil siguro sa pagkawala sandali ng konsentrasyon niya. Pero bukod doon wala na.

“Hi.”

Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa aking likudan habang nakikipaglaban din.

“Jilliana Jayce,  tama ba?” Sabi ko naman sa kanya.

“Ang cute mo pala sa malapitan.”

Napangiti ako. Basa-basang ko sa isip niya ng crush niya ako. Ang gwapo ko talaga. Masarap pa. Pero pasensiya na lamang dahil may ibang babae na akong napupusuan. Sana nga lamang ay mapansin din niya ako. Hindi naman ko nawawalan ng pag-asa. Ako pa ba? Fighting lang. Makikita niya din ako. Tiwala lang.

“Ikaw din naman.” Ganting-puri ko sa kanya. Kahit papaano ay may alam din naman pala siya sa pakikipag-laban.

Tig-isang tadyak ang ibinigay ko sa mga nilalang na papalapit pa sa akin. Medyo madami na din pala kami dito. Nandito na din sila Head Master at ilang mga kasamahan din namin na may kanya-kanya ding lakas at abilidad.

Napangiti ako habang nagmamasid sa paligid. Ito ang unang beses na napasubo kaming apat sa labanan bilang The Four.  Masarap pala sa pakiramdam na lumaban na may kasama. Tinignan ko ang tatlo habang abala ang mga ito. Kahit papaano naman ay naging malapit na sila sa akin. Kaibigan na ang turing ko sa kanila. Oo. Masaya ako dahil hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na simula pagkabata ay wala ako halos kakilalang malapit sa akin at pinipili laging mapag-isa dahil sa aking kakaibang kakayahan. Ngayon na lamang ako nakakilala ng kung sino-sino. Hindi naman pala ganoon kasama ng bagay na iyon. Feeling ko hindi na ako nag-iisa. Ayyy, ano ba 'yan, Eli? Tama na ang drama. Laban na. Lima pang halimaw ang mabilis na napatumba ko.

Tinignan ko ang babaeng baliw. Abala sa pakikipaghabulan sa mga halimaw. Talaga naman. Ibang klase talagang ang babaitang ito. Pambihira.

In all fairness naman. Kahit chaka ang mga ito ay malalaki ang katawan. Daks kaya sila?

Gusto kong humalakhak. Kahit medyo malayo siya sa akin ay basang-basa ko ang isip niya. Hindi na talaga mawawala ang kalibugan sa sistema nito. Sayang. Maganda pa man din sana siya. Napailing na lamang ako.

Pero bakit ba sila ang pinagnanasaan ko? Hindi kaaya-aya ang kanilang wangis. Mas gwapo pa si Eliazar diyan sa kanila,  no? Mga benteng paligo. Wait. Naliligo ba ang ugok na iyon? I don't know. Silipin ko kaya minsan siya sa banyo? Malaki din ang katawan niya,  ha? Saka parang daks din. May ibubuga ang Lolo ninyo. Mukhang masarap din naman siya kahit papaano. Pasukin ko kaya siya minsan sa kanyang kwarto? Sige. Pagpa-planuhan ko 'yan. Maghintay ka Eli dahil mapapasakamay kita. Magaling ako,  promise.

Iyon na. Doon na ako tuluyang napatawa ng malakas. Napatingin tuloy ang mga ito sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin habang nakangiti pa din. Manyak talaga ang babaeng 'yan. First time niya bang inisip 'yon? Hindi. Halos araw-araw believe me or not. Telephatic ako kaya nababasa ko ang mga kamunduhang pinag-iiisip niya sa akin. Kung kay Nate at kay Lavinia ay hirap na hirap ako siya naman kinadali noon kay Lily. Isa din ako sa pinagnanasaan niya. Hindi daw ako type? Talaga ba? Pogi problem. Wala,  eh. Ganoo talaga. Ipinananganak akong biniyayaan ng mala-anghel na mukha at malaking pagkalala----. Oh,  wait. Nahahawa na ako kay Lily.

May pagka-negro nga lang. Baka maitim din ang singit niya. Huwag na lang pala. Ayokong tumukim ng isang Africano. Malibag-libag. Kaderder.

Napalitan ang aking ngiti ng paninigkit ng aking mga mata. Tinignan ko siya sa kanyang kinatatayuan. Bwiset na babaeng 'to, ah!

**********

Panibagong kapangyarihan para kay Lavinia? Tignan natin. ☺

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now