042 - Marina, The Nerd

192 33 5
                                    

Marina, The Nerd

“Marina?” Sabay-sabay naming bigkas ng makilala ang babae.

“Ako nga.” Sabi nito bago simpleng ngumiti.

Nilalitan siya ni Lily at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “My gaaaaaaaddd. May chaka na naman akong nakita. Isang dakilang nerd ka pa din.”

Inirapan lang ito ng babae.

“Ikaw ang pinadala ni Head Master?” Tanong ko sa kanya.

Tumango ito. “Oo.”

“Hindi ka nawalan ng contact sa Head Quarters?” Tanong naman dito ni Nate.

Umiling ito. “Noong natanggal ako sa competition hindi naman doon natapos ang lahat. Pumirma kami sa isang kontrata na magsasabing kapag kinailangan kami ng The Four o ng The Pal ay agad na dadating kami no matter what. Kapalit niyon ay ang ilang mga prebelehiyo.”

May ganoon palang sistema? Great.

“Alam mo ba kung bakit ka natanggal?” Tanong dito ni Lily.

“Bakit?”

“Weak ka kasi.”

“Alam mo ba na lahat tayo ay may katangahan sa buhay,  Lily?”

“Yes. Alam na alam ko.”

“Pero ikaw? Nasobrahan ka.”

Himala. Marunong na itong gumanti.

“Kailangan namin ng tulong mo.” Sabi ko sa kanya.

“Nabanggit nga sa akin ni Head Master. Anong nangyari kay Eliazar?”

“Mahabang kwento.” Sagot ni Nate.

“Sing-haba ng kanyang pagkalalaki.” -Lily

“Bakit? Nakita mo na?” -Nate

“Hindi. Ini-imagine ko lang gabi-gabi.”

“Enough.” Saway ko ulit sa mga ito. Kokotongan ko na talaga sila. Binalingan ko si Marina. “Mamaya na kami magpapaliwanag. Ang kailangan namin is makapasok sa loob ng kaharian. Magagawa mo ba iyon?”

Ngumiti ito. “Easy peasy.” Pumorma ito at itinaas ang isang kamay. Maya-maya ay usang portal ang nagbukas.

Baninshing nga pala ang abilidad nito. The ability to send a person somewhere else. Kaya na din niyang gumawa ng portal. Para ding teleportation.

“Go.” Senyas nito.

Pumasok na nga kami sa ginawa nitong lagusan. Kasama din siya,  syempre. Kung maiiwan ito ay paano kami makakalabas?

Sa isang bakanteng silid sa loob ng kaharian kami niyon dinala.

“Wow. Ang galing.” React ni Nate.

“Sa wakas, nagkaroon ka din ng silbi.” Sabi naan ni Lily.

“Kapag hindi pa kayo tumigil sa kakagawa ng ingay ay natitiyak kong ito na ang katapusan natin.” Mahinang sabi ko sa mga ito. Tinignan ko ang tatlo. “Let's move.”

Dahan-dahan kaming lumabas sa silid na parang mga magnanakaw. Tiyak na tiyak na hindi makagagawa ng kahit ano mang ingay na aagaw sa pansin ng lahat. Saan kaya namin mahahanap si Eli?

“May paparating.” Sabi ko sa mga ito ng makarinig ng sunod-sunod na yabag ng mga paa.

Kanya-kanya kaming tago sa mga naglalakihang poste. Pasimple akong sumilip para tignan iyon. Isang kawal. Sinenyasan ko ang mga kasama na ako na ang bahala sa isang 'yan. Nang pumantay na siya sa pinagkukublihan ko ay mabilis ma hinili ko siya. Ginamig ko ang braso para sakalin ang kanyang leeg.

“Isang tanong, isang sagot.” Sabi ko dito. “Nasaan si Eliazar?” Naglabas na ako ng apoy sa aking kamay ng hindi ito sumagot. “Ito na ang papatay sayo kapag hindi ka pa nagsalita.”

“Sa hilagang tore. Sa may tuktok. Doon. Doon ninyo siya makikita.”

Hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. “Nagsasabi ka ba ng totoo?”

“Oo.”

Itinulak ko siya palayo. Sisigaw pa sana ito pero mabilis na pinadapo ko ang aking paa sa kanyang pagmumukha. Walang malay na tumumba ito.

Nilapitan ko si Marina. “Kaya mo ba kaming dalhin doon?”

Tumango ito.

“Kung ganoon ay tayo na.” Sabi ni Nate.

“Kumapit na lamang kayo sa akin.” -Marina.

Ganoon nga ang ginawa namin. Sabay-sabay kaming naglaho patungo sa lugar kung saan nakapiit si Eliazar. Isang kisap-mata lamang ay nandito na kaming apat sa pinakatuktok ng hilagang tore.

Isang malaking tarangkahan ang bumungad sa amin. Nagtago kami ng mapansing may dalawang kawal na nagbabantay doon.

“Sigurado akong nandyan sa loob si Eli.” Mahinang sabi ko sa mga ito.

“Ako na ang bahala sa mga 'yan.” Prisinta ni Nate.

Tinanguan ko na lamang siya.

Lumabas na ito mula sa pagkakakubli at lumapit sa mga tagapagbantay.

“Hey, mga bro. What's up? Hindi ba kayo nangangalay sa kakatayo diyan?” Parang wala lang na tanong nito.

Halatang naalarma ang dalawa. Tinutok nila ang kanilang ispada kay Nate.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong na isa.

“Paano ka nakapasok dito?” Tanong ng pangalawa.

“Mukhang antok na antok na kayo, oh? Kailangan ninyo na munang matulog.” Bago pa makagawa ang mga ito ng ano mang kilos ay nakapaglabas na si Nate ng dalawang malaking bato at tumama iyon sa ulo ng mga ito. Bagsak sila sa sahig.

Kinuha ko ang susi sa mga ito. Wala akong sinayang na sandali at binuksan ang tarangkahan. Tumambad sa amin ang isang malaking kulungan kung saan nandoon si Eliazar. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang ayos nito. Pantalon na lamang ang suot niya. Wala na ang damit pang-itaas nito. Puro latay ng latigo ang kanyang likod. Naliligo na siya sa kanyang sariling dugo!

“Jusko.” Naiusal ko na lamang.

Wala itong malay. Nakasalampak lamang siya sa sahig. Puno ng dumi ang mukha nito. Ang kanyang buhok naman ay sobrang gulo na.  Nanigas ang aking mga kamao. Sino ang gumawa nito sa kanya?

“Motherfuvkcer.” Nadinig kong sambit ni Nate.

“My poor baby... ” Sabi naman ni Lily na nangilid pa ang luha sa mga mata nito.

Nag-init ang buong pakiramdam ko. Wala silang awa. Magbabayad sila. Binuksan ko ang kulungan at nilapitan ang puro sugat na si Eli.

“Hey.... ” Sabi ko sa kanya habang tinatapik-tapik ang kanyang pisngi.

Kahit malamlam ang ilaw na nagliliwanag mula dito ay kita ko ang kanyang sandaling pagmulat. “L-la-v-vin-nia.” Pa putol-putol na usal nito.

Thanks,  God. Buhay pa ito. Hindi ka pwedeng mawala ng ganito, Eli. Ipaghihiganti pa natin ang pagkamatay ng mga magulang mo. Gaganti ka pa. Hindi ka nag-iisa. Nandito kami. Kasama mo kami. Kaming mga kaibigan mo. Hindi ka namin palabayaan.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Ako nga.” Nginitian ko siya. “Nandito kami. Si Nate,  Si Lily. Maging si Marina. Siya ang tumulong para makita ka namin. Uuwi na tayo.”

“P-p-pa-t-ta-y-yin k-ko si------la.” Kahit hirap na hirap ay nasabi pa nito iyon bago siya nawala ng malay.

Binalingan ko ang mga kasama. “Kailangan na nating umalis sa impyernong lugar na ito.”

********




Hello, Marina. Welcome back.
Oh, ayan, ha? Kahit papaano nagkaroon ka ulit ng exposure sa Book 2 pagkatapos mong matanggal sa competion sa Book 1. 😊 Malay mo tuloy-tuloy na pala 'yan.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now